Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Pagtaas ng SSS pension itinutulak ni Sen. Trillanes

MULING inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukulang naglalayong itaas ang kasalukuyang halaga ng Social Security System pension o ang Senate Bill No. 91. Ani Trillanes, “May 19 na taon na nang huling maitaas ang SSS pension sa pamamagitan ng Republic Act 8282. Naisabatas ito kasabay ang pagtaas ng cost of living expenses sa bansa, ang kakarampot …

Read More »

Ex-DOH chief Ona, 2 opisyal inasunto sa P392-M project bid

KINASUHAN ng Office of the Ombudsman si dating Health Secretary Enrique Ona kasama ang dalawang iba pang opisyal ng Department of Health (DoH) kaugnay sa maanomalyang pagkuha sa hospital modernization project na nagkakahalaga ng P392.2 milyon noong 2012. Sa nilagdaang resolusyon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, iniutos niyang kasuhan sina Ona, dating Health Undersecretary Teodoro Herbosa at dating Assistant Secretary Nicolas …

Read More »

6-M new voters target sa barangayat SK polls

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng anim milyong bagong botante para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 31. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nais nilang makapagrehistro ng dalawang milyong regular-aged voters at apat milyong kabataan para sa nalalapit na halalan. Kaugnay nito, ngayon pa lang ay hinihikayat na ni Jimenez ang …

Read More »

Nakoryente sa paghuhukay 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa niyang kasama nang makoryente sa Brgy. Antonino, Alicia, Isabela kamakalawa. Ang namatay ay kinilalang si Roderick Abedosa, 32, residente ng Aurora, Alicia, Isabela. Habang inoobserbahan sa ospital sina Jaime Longgat, 29, at Ramon Quero, 61, kapwa residente ng Antonino, Alicia, Isabela. Sa imbestigasyon ni PO2 Randel Taruma, imbestigador …

Read More »

Binatilyo sugatan sa sumpak

SUGATAN ang isang 17-anyos binatilyo makaraan barilin sa likod ng sumpak ng apat hindi nakilalang mga lalaki sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Angelo Masicampo, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, Maynila. Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng apat na mga suspek na mabilis na nakatakas. Ayon sa pulisya, …

Read More »

Mag-iina sugatan sa bundol, driver tumakas

LA UNION – Sugatan ang mag-iina makaraan mabundol ng isang closed van habang tumatawid sa kahabaan ng McArthur Highway, Brgy. Madayegdeg, San Fernando City, kamakalwa ng gabi. Ang mga biktima ay kinilalang si Eva Grande, 26, at ang dalawa niyang mga anak na sina Via, 6, at Luigi Grande, 3, residente sa nasabing lugar. Batay sa report, isang silver gray …

Read More »

Ping sa kapihan sa Manila Bay

ping lacson

TAGAPAGSALITA ngayong umaga ang dating Philippine National Police (PNP) chief na si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Kapihan sa Manila Bay news forum sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Inaasahang tatalakayin ng Senador ang kanyang mga karanasan sa paglaban sa illegal na droga noong siya ay PNP chief at mga batas na maaaring ipatupad anng maayos upang sugpuin ang droga. Ang …

Read More »

Alyado sa Kongreso ‘pinulong’ ni Digong (Death penalty desididong isulong)

DAVAO CITY – Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug crusade ng kanyang administrasyon at pagnanais nyiang maibalik ang death penalty sa ilan niyang bagong alyado sa executive and legislative branch, nitong Sabado ng gabi Kabilang sa mga mambabatas na dumalo sa pulong dakong 9:30 pm sa After Dark Resto Bar ay sina Senators Sonny Angara at Alan Peter Cayetano, …

Read More »

Pinoy kidnap gang leader dumating na sa NAIA (Naaresto sa Thailand)

NAIA arrest

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport nitong madaling-araw ng Linggo ang Filipino kidnap-for-ransom gang leader makaraan maaresto sa Thailand. Ayon sa ulat, ang sinasabing KFR gang mastermind na si Patrick Alemania ay naaresto nitong nakaraang linggo ng mga elemento ng Royal Thai Police at Philippine National Police-CIDG sa Bangkok. Nadakip ng mga awtoridad si Alemania sa Romklao District habang …

Read More »

EO sa FOI lalagdaan na ni Digong

LALAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ano mang araw ngayong linggo ang executive order na magpapatupad ng Freedom of Information (FOI) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na sakop ng sangay ng ehekutibo. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ang kasalukuyang linggo ay magiging makasaysayan dahil sa paglagda ni Pangulong Duterte sa EO para sa implementasyon ng FOI. Puwede nang …

Read More »

90 buto ng santol nilunok, kelot naospital

TAGBILARAN CITY, Bohol – Naospital ang isang 51-anyos lalaki sa lungsod na ito makaraan lumunok ng 90 buto ng santol. Ayon kay Bienvenido Fernandez, naka-confinesa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital, nilunok niya ang mga buto ng santol imbes na iluwa nitong Martes. Ngunit nitong Miyerkoles, nakaramdam ang biktima ng pagsakit ng tiyan at nahihirapang umihi kaya isinugod sa ospital. Isinailalim …

Read More »

Pinoy patay, 1 pa kritial sa aksidente sa Jeddah

PATULOY na inaalam ng Konsulado ng Filipinas sa Jeddah ang detalye sa naganap na aksidente at pagkamatay ng isang overseas Filipino (OFW) at kritikal ang kondisyon ng kanyang kasama noong unang araw ng Eid’l Fitr holiday sa Saudi Arabia. Base sa ulat na nakarating kay Vice Consul Alex Estomo, head ng Assistance to National Section ng Konsulado, nitong Miyerkoles (Hulyo …

Read More »

5 bayan sa Bataan binaha sa Habagat

flood baha

PATULOY na inuulan ang malaking bahagi ng Bataan at  kalapit na mga lugar dahil sa epekto ng hanging habagat na pinaigting nang nagdaang bagyo. Katunayan, limang bayan na ang nakapagtala ng baha at may mga residente na ring lumikas. Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kabilang sa binabaha ang mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, …

Read More »

‘Tulak’ na kagawad utas sa tandem

gun dead

PATAY ang isang barangay kagawad na sinasabing tulak ng ipinagbabawal na droga makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Alex Simporoso, 44, kagawad ng Brgy. 102 at residente ng 42 Galino St., Brgy. 102, 9th Avenue Extension ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang …

Read More »

5 laborer sugatan sa bumagsak na scaffolding

workers accident

KALIBO, Aklan – Limang construction workers ang sugatan nang bumagsak ang isang scaffolding sa underconstruction na school building sa loob ng compound ng Kalibo Integrated Special Education Center (KISEC) sa F. Quimpo St., Kalibo, Aklan kamakalawa. Agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktimang nabalian ng buto na sina Anthony Nervar, 41; Ronel Manganpo, 26; at Christian Libre, 25-anyos. …

Read More »

2 biktima ng salvage narekober sa Kyusi

NAREKOBER sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kamakalawa ng gabi ang bangkay ng dalawang indibidwal na pinaniniwalaang biktima ng summary killings. Sa report mula sa Quezon City Police District (QCPD), narekober ang katawan ng isang lalaki sa EDSA malapit sa Philam Subdivision at ang isa pang bangkay ay nakita sa Corregidor St., Brgy. Bago Bantay. Sa bangkay na narekober …

Read More »

35 Pinoy peacekeepers ipinadala sa Haiti

UMALIS nitong Biyernes ang 135 Filipino peacekeepers na pawang mga miyembro ng Philippine Army patungong Haiti bilang bahagi ng commitment ng bansa sa United Nations (UN). Mismong si AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya ang nanguna sa isinagawang send-off ceremony at sumakay ang mga sundalo sa isang UN-chartered flight sa Villamor Air Base sa Pasay City. Ayon kay AFP …

Read More »

Wiretapping vs drug suspects isinulong ni Lacson

NAGHAIN si Senador Panfilo Lacson ng panukalang naglalayong pahintulutan ang wiretapping sa mga sangkot sa illegal drug trade, money laundering, kudeta at iba pang mga krimen, na magiging banta sa seguridad ng bansa. Ang Senate Bill 48 ni Lacson ay naglalayong amyendahan ang Republic Act 4200, upang maisama ang ilang krimen na ang wiretapping ay magiging legal sa ilang sirkumtansiya. …

Read More »

30 pulis positibo sa droga, sinibak (Sa Northern Mindanao)

Drug test

CAGAYAN DE ORO CITY – Panibagong 10 police officers ang tinanggal sa kanilang trabaho nang magpositibo sa paggamit ng shabu sa Philippine National Police (PNP)-Region 10 na nakabase sa Hilagang Mindanao. Ang pagkasibak sa nasabing mga pulis ay ilang oras bago tuluyang nagretiro sa serbisyo si PNP regional director, Chief Supt. Lendyl Desquitado na pinalitan ni dating PNPA director, Chief …

Read More »

4-anyos nene dedbol sa bundol ng kotse

road traffic accident

NAGA CITY – Patay ang isang 4-anyos babaeng paslit makaraan mabundol ng isang kotse sa bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Aimee Diaz ng nasabing bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima ay nabundol ng kotseng minamaneho ni Jordan Taiño, 33, isang OFW, sa Brgy. Samil ng nasabing lugar. Agad itinakbo sa ospital …

Read More »

Abu Sayyaf pananagutin — Abella

TODO-PALIWANAG ang Malacañang kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya itinuturing na kriminal ang mga Abu Sayyaf. Magugunitang marami ang komontra sa nasabing pahayag ng pangulo lalo pa’t marami na ang dinukot at pinugutan ng ulo ng  teroristang grupo. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang sinasabi lamang ni Pangulong Duterte ay ang konteksto ng mga …

Read More »

60-anyos gunrunner todas sa parak

dead gun police

TODAS ang isang 60-anyos gunrunner makaraang manlaban sa mga awtoridad nang matunugan na parak ang napagbentahan niya ng baril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Hospital ang suspek na si Dominador Talusay, tubong Munoz, Nueva Ecija, at naninirahan sa 781 Orchids St., Bo. Concepcion, Brgy. 188 Tala ng nasabing lungsod. Habang …

Read More »

Mag-ama pumalag sa buy-bust, utas

dead gun

PATAY ang mag-ama makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay si Arcy Remorado, 43, miyembro ng Commando gang, residente ng 3192 Int. 5, Pilar Street, Tondo, Maynila habang binawian ng buhay sa Ospital ng Tondo ang anak niyang si Eduardo Remorado, ng nasabi ring lugar. Ayon …

Read More »

PNP-SAF, Marines sa Bilibid malapit na

INAAYOS na ang mga papeles at iba pang requirements kaugnay sa pagpasok ng PNP Special Action Force sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre ll, lahat ng prison employees ay isasalang sa retraining, reeducation at reassignment habang ang SAF at Marines ang magbabantay sa national penitentiary. Sinabi ni Aguirre, makaraan ang gagawing training ay ipakakalat na …

Read More »