NANAWAGAN si Senadora Grace Poe na palakasin ang pagpapatupad ng Free Mobile Disaster Alerts Act para matiyak na may sapat na impormasyon ang mamamayan upang makaiwas at makaligtas sa mga kalamidad. “Ang isang text warning ay makapagliligtas ng libo-libong buhay,” ani Poe, “Gawin natin ang lahat para mailigtas ang ating mga kababayan sa banta ng kalamidad sapagkat napakahirap bumangon at …
Read More »Masonry Layout
Bird strike nalusutan ng Cebu Pac
MAINGAT na nalusutan ng isang eroplano ng Cebu Pacific Air (CEB) ang bird strike habang papalapag sa runway 24 ng Legazpi Airport kahapon ng umaga. Nabatid na ang CEB flight 5J321 mula Maynila ay naghahanda ng paglapag sa naturang runway nang biglang salpukin ng mga ibon. Ligtas at maingat na nailapag ng piloto ang eroplano kaya walang nasaktan sa mga …
Read More »Leeg ng garbage collector sumabit sa kable, tigbak (Nahulog sa truck)
PATAY ang isang basurero makaraan mahulog mula sa isang garbage truck nang sumabit ang kanyang leeg sa isang nakalaylay na kable habang nakaupo sa ibabaw ng naturang sasakyan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jonel Cataylo, 25, ng Building 26, Unit 119, Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa …
Read More »Drug supplier sa Maynila tumba sa pulis
PATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinihinalang supplier ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin kahapon sa Sampaloc, Maynila. Agad binawian ng buhay ang hindi nakilalang lalaking tinatayang may gulang na 35 hanggang 40-anyos, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang drug bust sa 1040 Paquita St., Sampaloc. Ayon kay Supt. Aquino B. Olivar, station …
Read More »Suporta ng LGU sa federalismo at laban sa korupsiyon hiniling
ISINUSULONG ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang malawakang kampanya laban sa katiwalin at kriminalidad sa buong bansa kaugnay ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang mapayapa at ligtas ang bansa para sa lahat. Kaugnay nito, isusulong ng MRRD-NECC ang pagbibigay ng malawak na edukasyon at impormasyon para sa lahat ng lokal …
Read More »Obrero patay sa saksak ng karibal
SELOS ang isa sa motibong tinitingnan ng Pateros Police kung bakit sinaksak hanggang mapatay ang isang obrero ng karibal niya sa pag-ibig nitong Lunes ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang Noel Reyes, 49, ng 1148 Alley 9, Brgy. Santa Ana ng naturang bayan. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Louie …
Read More »Abogadang suspendido swindler (Dating pañero nagbabala sa publiko)
MAG-INGAT sa kanyang dating partner sa bupete. Ito ang babala ng aktibistang abogado na si Atty. Argee Guevarra, dating law partner ng sinuspindeng tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na si Trixie Cruz-Angeles, matapos patawan ng tatlong-taon suspensiyon ng Korte Suprema nang mahatulang guilty sa tahasang paglabag sa Code of Professional Responsibility. Tumanggap umano ng P350,000 legal fees …
Read More »Bahay ng 200 pamilya winasak ng buhawi sa maynila
UMABOT sa 200 pamilya sa Baseco, Tondo, Maynila ang naapektohan nang pananalasa ng isang buhawi sa Maynila nitong Linggo. Tumagal ng sampu hanggang 15 minuto ang pananalasa ng buhawi na nagsimula sa Block 1, Gasangan, hanggang sa Intramuros, tumawid ng Burgos at dumaan ng Lawton, sa likod ng Central Post Office hanggang Sampaloc dakong 5:00 pm. “Nagulat na lang ako …
Read More »Duterte admin golden year ng infra projects (P7-T ilalaan)
MAGLALAAN nang mahigit P7 trilyon ang gobyerno para sa infrastructure projects sa buong anim taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno, maituturing na “golden age” para sa infrastructure projects ang administrasyon ni Duterte. Sa susunod na taon ay maglalaan ang gobyerno ng P860.7 bilyon para sa infrastructure projects lamang. Ayon kay Diokno, down payment …
Read More »PNP ‘di umaasa sa CPP support vs drugs — Bato
BINALEWALA ni Philippine National Police (PNP) chief, Ronald dela Rosa ang pagbawi ng suporta ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal na droga. Sinabi ni Gen. dela Rosa, bahala na ang CPP kung ano ang gusto nilang gawin at tuloy lamang ang trabaho ng PNP. Ayon kay dela Rosa, una sa …
Read More »Drug syndicates itinuro ng Palasyo sa summary killings
KINOMPIRMA ng Palasyo, ang nagaganap na patayan kaugnay sa drug war ng administrasyong Duterte ay kagagawan nang magkakaribal na sindikato ng droga. Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo hinggil sa akusasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nagsusulong ng extrajudicial killings ang kampanya kontra-droga ng gobyerno at ginagamit si Pangulong Rodrigo Duterte at pondo …
Read More »Pulungan ng KWF ipinangalan sa lolo ni Lourd
BINUKSAN ang panibagong pulungan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) kahapon ng umaga sa San Miguel, Maynila. Kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 taon ng KWF, binuksan ang Pulungang De Veyra sa tanggapan ng KWF sa Gusaling Watson, sa Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. Ipinangalan ang naturang lugar-pulungan kay Jaime C. De Veyra, iginagalang na peryodista, lingkod-bayan at dating direktor ng …
Read More »Kahit mahirap puwedeng maging piloto — Lacson
KAHIT mahirap o anak ng ordinaryong mamamayan, puwede nang maging piloto ng Philippine Air Force (PAF). Ayon kay Senador Panfilo Lacson sa sandaling maisabatas ang panukala niyang Senate Bill 259, layong buuin ang Philippine Air Force Academy (PAFA) na tatanggap sa lahat ng kuwalipikadong estudyante na nais maglingkod sa pamahalaan bilang piloto ng PAF. “The PAFA will fulfill the constitutional …
Read More »Arraignment kina Gatchalian, Pichay et al iniliban
INILIBAN ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina Sen. Sherwin Gatchalian, dating Local Water Utilities Administration (LWUA) head Prospero Pichay Jr. at 24 iba pa. Ayon sa anti-graft court, may nakabinbin pang mosyon na kailangan resolbahin bago umusad ang paglilitis. Itinakda ang panibagong schedule ng arraignment sa Oktubre 5, 2016. Ang kasong katiwalian na kinakaharap nina Gatchalian at Pichay ay …
Read More »Tunnel sa Quezon gumuho 1 patay, 5 nawawala
PATAY ang isang isang manggagawa habang pinaghahanap ang lima pa niyang kasamahan makaraan gumuho ang tunnel ng itinatayong dam sa General Nakar, Quezon. Kinompirma nitong Lunes ng Municapal Disaster Risk Reduction & Management Council (MDRRMC), kasagsagan ng pag-ulan nitong Sabado nang masira ang cofferdam o dam tunnel sa Sitio Sumat, Brgy. Umiray. Natabunan ng guho ang mga manggagawang sina Roland …
Read More »Gen. Bato inalok ng protection money (Mula sa gambling lords)
CAGAYAN DE ORO CITY – Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng mga pulis na itigil ang pagtanggap ng bribe money mula sa illegal gambling lords o operators sa bansa. Ginawa ng PNP chief ang pahayag makaraan ibunyag na mismong siya ay tinangkang suhulan ng milyon-milyong halaga ng pera ng ilang …
Read More »Hi-end bars papasukin vs droga
BIBIGYAN ng pahintulot ng mga may-ari na makapasok sa high-end bars sa Metro Manila ang mga miyembro ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) upang suportahan ang mahigpit na kampanya ng Duterte administration laban sa ipinagbabawal na droga. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, pumayag ang mga may-ari ng naturang mga establisimento na makapasok ang mga tauhan ng …
Read More »Negosyante sa drug watchlist patay sa ambush
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang negosyante at ika-10 sa drug watchlist ng pulisya makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki kamakalawa. Ang biktima ay si Kokrit Verzola, 37-anyos, aresidente ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela. Ayon kay Chief Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Reina Mercedes Police Station, nakikipag-inoman ang biktima sa kanilang lugar nang dumating ang dalawang suspek na …
Read More »Duterte, gov’t funds ginagamit ng drug rings – CPP
IPINAGMALAKI ng Palasyo na umaani ng positibong resulta ang kampanya kontra-droga at krimen mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) hindi magtatagumpay ang “drug war” ni Duterte dahil hindi binibigyan ng solusyon ang ugat ng problema. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, batay sa ulat ng Philippine National Police …
Read More »P200-M passport scam buking (Hepe ng Muslim office ipinasisibak kay Digong)
IPINASISIBAK kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Muslim Affairs sa ilalim ng Office of the President dahil sa sinasabing P200-milyong anomalya kaugnay ng pagpoproseso ng Philippine hajj passports na iniisyu sa non-Filipino Muslims. Sa liham na kanilang ibinigay kay Duterte, sinabi ng concerned employees of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang maanomalyang pilgrimage passport processing ay talamak …
Read More »3 Chinese arestado sa drug raid sa Maynila
ARESTADO ang tatlong Chinese national na sinasabing sangkot sa pagbebenta ng droga sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Binondo, Maynila nitong Sabado ng gabi. Nadakip ang mga suspek nang halughugin ng NBI Anti-Illegal Drugs Division ang bahay ng isang Shenghua Zang sa Attaco building, Sto. Cristo St., sa bisa ng search warrant. Narekober sa nasabing bahay …
Read More »Ex-konsehal patay, 3 sugatan (Birthday party niratrat)
PATAY ang isang dating konsehal ng Malabon City makaraan pagbabarilin ng isa sa hindi kilalang kilalang riding-in-tandem habang sugatan ang tatlong kainoman kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Staff Duty Officer, Insp. Mark Flores ang napatay na si Eddie Nolasco, 61, siyam taon naging konsehal ng lungsod at residente sa 54 Mangoosteen St., Brgy. Potrero. Ginagamot sa Manila Central …
Read More »8 patay, 16 sugatan sa drug raid sa Cotabato
MIDSAYAP, North Cotabato – Naglunsad ng air to ground assault ang puwersa ng pamahalaan laban sa mga armadong grupo na sangkot sa illegal drugs sa probinsya ng Cotabato dakong 5:00 am kahapon na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao at 16 ang sugatan. Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Darwin Espaliardo ng Naval Forces, CPL. Jose Miraveles, at PFC …
Read More »2 karnaper patay sa shootout
PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper nang makipagbarilin sa nagpapatrolyang mga pulis makaraan sitahin sa hinahatak na motorsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga napatay sa alyas Sammy, 20-25 anyos, at alyas Intoy, 20-25-anyos. Ang mga suspek ay binawian ng buhay habang isinusugod sa Ospital ng Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, …
Read More »300 pamilya nasunugan sa Alabang
UMABOT sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Alabang, Muntinlupa nitong Sabado ng hapon. Sinasabing sumiklab ang apoy nang sadyain ng isang Michael Cabalquinto na silaban ang kanyang bahay sa Purok 13, Sitio Pag-asa. “Pagkakaalam ko may problema sa asawa (si Cabalquinto). Tapos addict pa,” anang isang residente. Umabot sa Task Force Charlie …
Read More »