INILABAS na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holidays sa buong bansa para sa taon 2017. Batay sa Proclamation Number 50, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idinedeklara niyang regular holiday katulad ng New Year’s Day, Araw ng Kagitingan, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day, Rizal Day, …
Read More »Masonry Layout
SC ruling sa FM burial igagalang ng Palasyo
IGAGALANG ng Malacañang kung ano man ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) sa petisyon na isinampa laban sa nakatakdang libing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ito ang tiniyak ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod nang pagtatakda ng SC ng oral argument sa Agosto 24. Sa kabila nito, naniniwala si Atty. Panelo, walang legal na basehan …
Read More »45 ASG napatay sa Basilan — ASG
ZAMBOANGA CITY – Umaabot na sa humigit kumulang 45 kasapi ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ang napatay sa month-long operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lalawigan ng Basilan. Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ito ay base sa body counts na narerekober ng kanilang tropa sa mga lugar ng sagupaan at verified intelligence reports …
Read More »Murang konsultasyon, gamot, edukasyon hatid ng Ayala
PATULOY na namumuhunan ang Ayala Corporation sa iba’t ibang hanay ng pagnenegosyo upang mapagaan ang buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang serbisyo para sa konsultasyon, murang gamot at abot-kayang matrikula na may kalidad na edukasyon. Sa katunayan, ang itinayo na isang community based service sa pamamagitan ng Ayala Health Family Doc Clinic na napakamura ang konsultasyon …
Read More »CEB nagbunyi sa unang beybi sa himpapawid
IPINAGDIRIWANG ng Cebu Pacific ang kapanganakan ng isang babaeng sanggol, na isinilang habang ang eroplano’y nasa kalagitnaan ng biyahe mula Dubai patungong Maynila. Ito ang unang pagkakataon na may ipinanganak sa eroplano ng CEB habang nasa himpapawid. Ipinanganak ang sanggol na si “Haven” apat na oras makaraang lumipad ang flight 5J015 mula Dubai International Airport noong nakaraang Linggo, 14 Agosto. …
Read More »Parañaque kontra ilegal na droga, maingay na bars
DINALA ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang kanyang kampanya kontra-droga at kontra-ingay, sa mga restobars at club sa lungsod, bilang pagtugon kay PNP Chief Ronald “Bato” De La Rosa. Ipinatawag ni Parañaque Business Permits and Licensing (BPLO) Chief, Atty. Melanie S. Malaya, ang lahat ng owner at manager ng mga resto-bar at club sa kahabaan ng Aguirre sa BF …
Read More »De Lima naglilinis-linisan — Digong (May lover na driver-bodyguard at kolektor ng drug money sa Bilibid)
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila de Lima na nagpapanggap na konsensiya ng bayan pero nagmula sa illegal drugs at iba pang aktibidad na labag sa batas sa New Bilibid Prison (NBP) ang campaign funds. Tinukoy ni Duterte sa press conference sa Cebu Pacific Cargo sa Terminal 4 sa Pasay City ang pangalan ni De Lima bilang ang …
Read More »De Lima muntik maiyak nang sagutin si Duterte
HALOS pigilan ni Senadora Leila de lima ang pagtulo ng luha nang kapanayamin ng mga reporter matapos pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na senadorang may lover na driver-bodygurad at kolektor ng drug money sa Bilibid. Ayon kay De Lima masyadong below the belt ang naging pahayag ng pangulo. Ngunit tumanggi naman si De Lima na magbigay ng ano mang reaksiyon …
Read More »Duterte ihahatid sa libing si Makoy
MAKIKIPAGLIBING si Pangulong Rodrigo Duterte kapag inihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos sa kabila nang pagbatikos ng ilang grupo’t personalidad. “If I’m in good health and no pressing matters to attend to, I might,” anang Pangulo sa isang press conference Cebu Pacific Cargo Terminal sa Pasay City nang tanungin kung makikipaglibing sa pamilya Marcos. Giit …
Read More »CGMA at ex-FG Arroyo pinayagan bumiyahe
AGAN ng Sandiganbayan na makabiyahe sa labas ng bansa sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo. Base sa tatlong pahinang resolusyon ng anti-graft court, pinahintulutan ang mag-asawang Arroyo na makapunta sa Germany at France mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 3, 2016. Habang sa Hong Kong ay mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2016. Gayonman, inatasan ng …
Read More »Indonesian nakatakas (Pupugutan ng ASG)
ZAMBOANGA CITY – Masuwerteng nakatakas mula sa kamay ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ang isang Indonesian kidnap victim bago siya pugutan ng ulo ng mga kidnapper sa lalawigan ng Sulu. Sa impormasyon mula sa Western Mindanao Command (WestMinCom), ang biktimang si Mohammad Safyan, 28, ay nakita ng mga residente sa dalampasigan ng Brgy. Bual sa munisipyo ng Luuk. Napag-alaman …
Read More »Nabuhawi pumanaw na
TULUYAN nang binawian ng buhay kamakalawa ang isang security guard na malubhang nasugatan nang tamaan ng bakal sa ulo sa kasagsagan nang pananalasa ng buhawi sa lungsod ng Maynila nitong Linggo ng hapon. Sa ulat ni Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD) – Station 3, dakong 4:30 pm nitong Martes nang ideklarang patay ng mga …
Read More »San Miguel Bulacan dinaanan ng buhawi 17 pamilya apektado
UMAABOT sa 17 pamilya ang naapektohan ng paghagupit ng buhawi sa San Miguel, Bulacan nitong Martes. Bandang 9:30 pm nang manalasa ang buhawi sa Zone 2, 3, 4 sa Brgy. Sibul, ayon kay John Mendez ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. “Nasorpresa po ang lahat… Ang mga kabahayan po, karamihan, natangay ang bubong,” kwento ni Mendez. Walang nasaktan …
Read More »Joma Sison nagpasalamat kay Duterte
PINASALAMATAN ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalaya sa mga consultant ng National Democratic Front (NDF) para makalahaok sa peace talk sa Oslo, Norway mula Agosto 20-27. Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Sison, batayan ng katatagan nang kanilang pagiging magkaibigan ni Duterte, ang matagal nang kooperasyon at parehong pagnanasang …
Read More »CPP-NDF panel abala sa peace talks
SAGOT ng Royal Norwegian Government (RNG) ang lahat ng gastusin ng mga kinatawan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa paglahok nila sa peace talks sa Oslo, Norway. Sinabi ni dating Bayan Muna representative at NDF panel member Satur Ocampo bilang third party facilitator, ang RNG ang gagasta para sa transportation at accommodation …
Read More »Dagdag peace panelist aprub sa GRP at MILF
DINAGDAGAN ang bilang ng mga peace panellist na tatalakay sa implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), anunsiyo ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar kahapon sa isang press conference sa Malate, Maynila. Mula 15 ay napagkasunduang gawing 21 ang miyembro ng Bangsamoro Transition Committee (BTC), ang grupong binuo tungo sa pagpapatupad ng CAB, sa meeting na ginanap sa …
Read More »Tripartite agreement para sa seguridad ng Sulu at Sulawesi
MAGKAKAROON ng tripartite agreement ang Filipinas, Malaysia at Indonesia para sa seguridad ng bahagi ng karagatan na sakop ng tatlong bansa, ayon kay press secretary Martin Andanar. Inihayag ng kalihim sa linggohang Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila sa pagtalakay ng kanyang misyon kamakailan sa Kuala Lumpur para makipagpulong kay Malaysian prime minister Najib Razak. “Isa …
Read More »Media outlets ng pamahalaan palalakasin
KASUNOD ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order (EO) para sa Freedom of Information (FOI), ipinamahagi na sa lahat ng ahensiya ng gobyerno ang template sa pagpa-patupad ng nasabing batas. Ito ang ibinalita ni press secretary Martin Andanar sa Kapihan sa Manila Bay sa Malate, Maynila para ipagbigay-alam ang sinseridad ng Pangulo na maging bukas sa puna at …
Read More »7 senador pinulong ni Digong
ISANG linggo bago simulan ng Senado ang imbestigasyon sa sinasabing extrajudicial killings dulot ng “drug war,” pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pitong senador sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sa meeting sa State Dining Room sa Palasyo, nakasalo sa hapunan ni Pangulong Duterte sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito Estrada, Cynthia Villar, Alan Peter Cayetano, Ralph Recto, Richard Gordon, at …
Read More »21-anyos bebot ibinugaw ng parak sa kapwa preso (May kasong droga)
ARESTADO ng kanyang mga kabaro ang isang pulis makaraan magsumbong sa isang police official ang 21-anyos babaeng preso na sapilitang ibinugaw sa isang inmate sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela City police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang suspek na si PO3 Fernando Mariano, 38, nakalataga sa Valenzuela Detention Cell Unit at residente sa Lot 7, Blk. …
Read More »Kontrol sa pulisya at militar igigiit ni Duterte (Sa peace nego sa CPP)
IGIGIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling kontrolado niya ang pulisya’t militar sa idaraos na usapang pangkapayapaan ng kanyang administrasyon at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Oslo, Norway. Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi, inilahad ng Pangulo na sa kanyang pulong sa NDF panel sa Malacañang, tinalakay nila kung paano …
Read More »Tiamzons mananatili sa PNP Custodial Center (Tatlong court order wala pa)
MANANATILI sa PNP Custodial Center ang mag-asawang komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon. Ayon kay PNP Headquarters Support Service (HSS) Chief Supt. Phillip Phillips, isang court order pa lamang ang natanggap nila para sa pansamantalang pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon. Sinabi ni Phillips, hinihintay pa nila ang release order mula sa tatlo pang ibang korte na may kasong kinakaharap ang …
Read More »Drug ring sa killings tukoy na ng PNP
IBINUNYAG ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, isang malaking sindikato ang nasa likod ng nagaganap na extrajudicial killings sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi ni Dela Rosa, may ideya na ang PNP kung sino-sino ang nagpapatayan ngayon. Pahayag ng PNP chief, magugulat na lamang ang publiko dahil kanila itong ibubunyag lalo na kapag nakita ang data na …
Read More »Death toll sa habagat 8 na — NDRRMC
UMAKYAT sa walo ang patay dahil sa pananalasa ng malakas na pag-ulan bunsod ng habagat na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa. Iniulat ni National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, dalawa ang naitalang namatay sa Metro Manila, dalawa sa General Nakar sa Quezon province nang mag-collapse ang tunnel doon habang …
Read More »5 miyembro ng mag-anak nakoryente, patay
DAGUPAN CITY – Patay ang isang mag-anak na may limang miyembro makaraan makoryente sa Brgy. Bacondao East sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Arnel Conasco, Henry Mendoza, Michael Mendoza, Rochelle Mendoza at Grade 3 pupil na si Geann Conasco, pawang residente sa nasabing lugar. Sa impormasyon, aksidenteng nahawakan ni Rochelle ang live wire sa kanilang …
Read More »