Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Kapitana, anak patay sa ambush 2 sugatan

dead gun police

TACLOBAN CITY – Patay ang isang barangay kapitana at kanyang anak habang dalawa pa ang sugatan makaraan pagbabarilin sa Brgy. Guinbaoyan Norte, Calbayog City, Samar kamakalawa. Ayon sa report ng Samar Provincial Police Office, kinilala ang mga namatay na si Barangay Kapitana Estrella Ollado, 56, at ang anak niyang si Ismael Ollado, 30, kapwa ng nasabing lugar. Habang sugatan sina …

Read More »

Tulak utas sa parak

shabu drugs dead

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher nang lumaban sa mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni QCPD Director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang napatay na si alyas Fidel, kabilang sa drug watch list ng QCPD Kamuning Police Station 10. Ayon kay Supt. Pedro Sanches, hepe ng …

Read More »

Status quo sa Marcos burial pinalawig ng SC

PINALAWIG pa ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order (SQAO) na walang mangyayaring libing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang Oktubre 18, 2016. Bago ito hanggang Setyembre 13 sana magtatapos ang unang SQAO ng SC. Kakatapos lang ng oral argument sa magkabilang panig at binigyan ng SC ng 20 araw para magsumite ng kanilang mga memoranda. …

Read More »

Japanese PM kay Duterte: Sikat ka sa Japan

LUBOS na ikinatuwa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Vientiane, Laos kamakailan. Sa bilateral meeting sa sidelines ng summit, ipinagbigay-alam ni Abe sa Pangulo na sikat na sikat siya sa buong Japan. “President Duterte, I would like to congratulate you on assuming the Office of …

Read More »

MULING nagkainitan ang magkabilang grupo ang pro at anti-Marcos, habang hinihintay ang resulta ng oral arguments kung papayagan na ilibing sa Libingan ng mga Bayani, ang dati at yumaong Pangulong Ferdinand Marcos. ( BONG SON )

Read More »

“Oplan Sagip Anghel”

EXCLUSIVE! Inasistehan ng MPD-Manila Action and Special Assignment (MASA) ang mga kawani ng Manila Social Worker (MSW) at Bureau of Permits and Sanitary sa isinagawang “Oplan Sagip Anghel” sa inspeksiyon sa KTV bar establishments sa lungsod, at mga empleyado nito partikular ang mga GRO kung mayroong kaukulang mga dokumento katulad ng health permits upang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan …

Read More »

Duterte rockstar sa ASEAN

MISTULANG rock star na pinagkaguluhan ng mga dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) si Pangulong Rodrigo Duterte at nag-unahan sila para makipag-selfie sa Punong Ehekutibo ng Filipinas. Sa press briefing kahapon sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagulat sila nang makita kung gaano kapopular si Pangulong Duterte sa mga dumalong leader at delegado sa ASEAN Summit …

Read More »

Duterte pinagitnaan nina Ban at Obama

PINAKAABANGAN ng lahat ang paghaharap nina US President Barack Obama, United Nations (UN) Secretary General Ban Ki Moon at Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit gala dinner sa Vientiane, Laos kagabi. Excited na ang media sa buong mundo sa magiging reaksiyon ng tatlong leader na magkakatabi sa gala dinner. “Presidents Duterte and Obama will be seated next to each other, …

Read More »

Walang banta ng terorismo sa Metro — NCRPO

WALANG banta ng terorismo sa Kalakhang Maynila, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Oscar Albayalde sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila. Iwinaksi niya ang mga balitang may banta mula sa sinasabing apat na babaeng  Muslim  na may planong maghasik ng karahasan bilang bahagi ng pananakot ng bandidong Abu …

Read More »

Pulis-Maynila sangkot sa EJKs

KINOMPIRMA ni NCRPO commander General Oscar Albayalde na nakahuli sila ng ilang pulis sa Manila Police District (MPD) na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade. Sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila kahapon, inilantad ni Albayalde na may mga pulis na sangkot sa pagtutulak ng droga at extrajudicial killings. “They hire gunmen,” ani …

Read More »

Exclusive subdivisions ‘di lusot sa Oplan Tokhang

GINAGALUGAD ng NCRPO maging ang mga gated subdivision sa Makati City, kasabay ng pagpapaigting sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Sabi ni NCRPO commander General Oscar Albayalde sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila kahapon, pinapasok ng NCRPO ang mga exclusive subdivision sa Makati tulad ng Forbes Park, at …

Read More »

Guidelines sa state of emergency inilabas na

ISINAPUBLIKO na ng Malacañang ang guidelines sa pag-iral ng state of national emergency kaugnay ng lawless violence na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 4, 2016 dahil sa pagpapasabog ng mga terorista sa Davao City. Batay sa Memorandum Order (MO) No. 3 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, alinsunod sa direktiba ng chief executive, iiral ang kautusan upang …

Read More »

Suspek sa Davao bombing estudyante ni Marwan

DAVAO CITY – Posibleng mga estudyante ng international terrorist at beteranong bombmaker na si Zulkifli Binhir alyas Marwan ang nagtanim ng improvised explosive device (IED) na ikinamatay ng 14 katao sa night market nitong lungsod. Ayon kay Police Regional Office II Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, marami nang naturuan si Marwan at posibleng sila ang gumawa sa nangyaring pagpapasabog. Tinitingnan …

Read More »

7 Chinese nat’l arestado sa underground shabu lab

shabu

CAMP OLIVAS, San Fernando City – Arestado ang pitong Chinese national, kabilang ang isang babae, sa pagsalakay ng mga operatiba ng PDEA at Central Luzon PNP sa tinaguriang underground shabu lab kahapon sa Magalang, Pampanga. Sa bisa ng search warrant na nilagdaan ni Executive Judge Johnmuel Mendoza ng RTC Cabanatuan, nilusob ng mga operatiba ang laboratoryo sa Brgy. San Ildefonso …

Read More »

Terible — Trump (Upak ni Duterte kay Obama)

NAGLABAS ng saloobin si US Republican presidential candidate Donald Trump kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay President Barack Obama. Sa pahayag ng business magnate sa kanyang Twitter account, naging sarcastic aniya si Duterte kay Obama. “China wouldn’t provide a red carpet stairway from Air Force One and then Philippines President calls Obama ‘the son of a …

Read More »

Kanseladong Obama-Duterte meeting tama lang — Clinton

IGINIIT ni Democratic presidential candidate Hillary Clinton, tamang desisyon ang ginawa ni U.S President Barack Obama na kanselahin ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte kasabay nang nagpapatuloy na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos. Ito ay kaugnay sa pagtuligsa ni Duterte kay Obama at pagtawag na “son of a bitch” na nagtulak sa White House na agad …

Read More »

Digong sa China: We are watching you

PHil pinas China

WE are watching you. Ito ang mensaheng nais iparating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China nang ipamahagi sa media ang mga larawan ng Chinese ships malapit sa Scarborough o Panatag Shoal, isa sa inaangking mga teritoryo ng Beijing sa South China Sea. Sa press briefing sa Laos, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, binigyan ng go-signal ni Pangulong Duterte ang …

Read More »

Japan nangako ng 2 barko sa PH

VIENTIANE, Laos – Panibagong commitment na tulong sa Filipinas ang ipinaabot ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang dito ang dalawang frigates o barkong kagaya ng BRP Gregorio del Pilar. Ito ay bukod pa sa naunang 10 coast guard patrol ships na ipinangako ng Japan para sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea. Una rito, sa kanilang …

Read More »

SSS pension hike bill aprub sa House Committee

APRUBADO ang House Committee on Government Enterprises ang panukalang dagdagan ang pensiyon na matatanggap ng SSS pensioners. Aabot sa 15 panukala ang nakasalang sa nasabing komite na ipinadaan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa omnibus approval. Karamihan sa naihaing mga panukala ay nag-uutos na dagdagan ng P2,000 ang SSS pension. Ngunit nababahala si SSS VP Gregory Ongkeko sa …

Read More »

Duterte hindi nagbaba ng Martial Law

MALINAW ang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring ikompara ang state of national emergency sa martial law na nagsususpinde sa lahat ng kalayaang sibil at politikal sa bansa. Para kay Policy Studies Group (PSG) National Capitol Region (NCR) head at concurrent PDP Laban Membership Committee NCR chief Jose Antonio Goitia, nakasalalay ang layunin ng proklamasyon sa dalawang bagay: …

Read More »

Pagbuhay sa BNPP ligtas ba o mapanganib?

NANINIWALA si Engineer Mauro Marcelo Jr., isa sa mga orihinal na inhiniyero ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) mula pa noong 1977, na ang nuclear energy ang nag-iisang paraan upang bumaba ang singil ng elektrisidad sa bansa. Sa media briefing na pinangunahan ng Department of Energy (DOE) sa Taguig, sinabi ni Marcelo na, “uclear energy is the safest in the …

Read More »

Huwag ipatapon, parusahan —Lobregat (Sa mga pulis na may record)

BINATIKOS ni Zamboanga City 1st District representative Celso Lobregat and Philippine National Police (PNP) sa sistema ng pagtapon ng mga pulis ‘na may record’ sa itinuturing na malalayong assignment bilang ‘parusa’ sa kanila at pag-iwas na sila’y muling masangkot sa mga ilegal o masamang gawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin. Ayon sa mambabatas, hindi maganda sa pananaw ng lipunan na …

Read More »

Pull out coal now

NAGKILOS-PROTESTA ang mga residente ng Barangay 105 Happy Land, Tondo, Maynila sa harapan ng Manila City Hall upang manawagan na tuluyan nang palayasin ang tambakan ng nakakalasong coaldust stockpile sa warehouse ng Rock Energy Corporations sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila. ( BONG SON )

Read More »

Abu sayyaf kakainin nang hilaw ni Digong (Sisingilin sa Davao bombing)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang kilawin ang mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) para makapaghiganti sa inihahasik na karahasan sa bansa. “Alam mo kaya kong kumain ng tao. Talagang buksan ko ‘yang katawan mo, bigyan mo ako, suka’t asin, kakainin kita. Oo, totoo. You, pagalitin mo akong talagang sasagad na, kaya kong kumain ng tao …

Read More »

Gambling politicians next target ng PNP — Bato

KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, inalok siya ng malaking halaga ng pera ng ilang gambling lords ngunit kanya itong tinanggihan dahil alam niyang malaki ang kapalit dito. Sinabi ni Dela Rosa, sa sandaling mag-umpisa na ang kanilang kampanya laban sa illegal gambling, wala siyang pakialam kung sino ang masagasaan. Ayon kay Dela Rosa, susunod nilang pagtutuunan …

Read More »