MALUBHANG nasugatan ang isang 14-anyos grade 9 pupil makaraan dalawang beses saksakin ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Janwell Camaño, residente sa Brgy. San Agustin, sanhi ng da-lawang saksak sa likod. Ayon sa imbestigas-yon ni PO2 Diana Palmones, dakong 7:50 pm nang maganap ang insidente sa Matahong St., Brgy. San …
Read More »TimeLine Layout
January, 2018
-
11 January
2 drug couriers tiklo sa P1-M shabu sa Taguig
NAKOMPISKA ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa New Lower Bicutan, Taguig City, nitong Martes ng hapon. Ayon sa pulisya, a-restado sina Rojenn Manansala at Jimboy Kadelon na umano’y drug couriers sa lugar. Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Levi Ortiz, matagal nang sangkot ang mga suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga, …
Read More » -
11 January
Obvious bias ng PET justice tinuligsa ni BBM
BINATIKOS ni dating Senador Ferdinand R. Marcos, Jr. kahapon ang aniya’y “obvious bias” ni Supreme Court Associate Justice Benjamin Caguioa, ang ponente ng kanyang election protest na nakabinbin sa Presidential Electoral Tribunal (PET), laban sa kanya at pabor kay dating Camarines Sur Rep. Leni Robredo. Sa kanyang pagsasalita sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, sinabi …
Read More » -
11 January
Traslacion ng Nazareno umabot ng 22-oras
NAIBALIK na ang andas ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church dakong 3:00 ng madaling-araw nitong Miyerkoles, makalipas ang 22-oras makaraan magsimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand nitong Martes ng madaling-araw. Halos 2.5 milyong deboto ang sumabay sa 6.9-kilometer procession na nagsimula pasado 5:00 am nitong Martes mula sa Quirino Grandstand, at umabot ng 6.3 mil-yon nang makarating sa Quiapo …
Read More » -
11 January
3 Chinese arestado sa pagdukot sa Taiwanese
ARESTADO ng mga elemento ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese national na dumukot, nanakit at ilegal na nagdetine sa isang Taiwanese national sa isang hotel nitong 7 Enero ng madaling-araw dahil sa hindi nabayarang utang. Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., at Parañaque City Police chief, Senior Supt. Victor Rosete ang …
Read More » -
11 January
Taas-pasahe ‘di puwede (Hanggang Marso) — LTFRB
TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang mangyayaring dagdag-singil sa pasahe hanggang Marso. Ito ay makaraan ang sunod-sunod na hirit na dagdag-pasahe dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng ipatutupad na bagong excise tax sa petrolyo. Sinabi ni LTFRB board member at spokesperson Aileen Lizada, malayong aprubahan nila agad ang mga petisyon ng …
Read More » -
11 January
South Korean telco gusto mag-3rd player sa PH
ISANG South Korean telecommunications company ang interesadong makipagtunggalian sa China upang maging third party player sa Filipinas. Sa cabinet meeting kamakalawa, inihayag ni Department of Information and Communications Technology Officer-in-Charge Eliseo Rio Jr., nais ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T), kasama ang Korean telecom company, na mag-operate sa bansa. “DICT Acting Secretary Rio mentioned that so far two (companies) …
Read More » -
11 January
Wage hike ng titser hindi una sa Palasyo
HINDI prayoridad ng gobyerno ang umento sa sahod ng 600,000 pampublikong guro sa buong bansa, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno. Sa press conference kahapon, sinabi ni Diokno, mas tututukan ng pamahalaan ang mga proyektong pang-empraestruktura sa ilalim ng Build,Build, Build program, pagkakaloob ng proteksiyong panlipunan at pagkalinga sa mahihirap. “I think that is not our priority at this time. …
Read More » -
11 January
Propaganda war kakasahan ng Palasyo
PALALAKASIN ng Palasyo ang kanilang propaganda at hahasain ang kakayahan ng mga propagandista ng pamahalaan upang labanan ang ipinakakalat na pekeng balita laban sa administrasyong Duterte. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, magkakaroon ng “strategic communication center” sa gusali ng Philippine Information Agency (PIA) sa Quezon City para gamitin training ground ng mga propagandista ng pamahalaan mula lokal hanggang pambansang …
Read More » -
11 January
Piyansa ni Reyes kanselahin — Ombudsman (Aprobado sa Palasyo)
IKINAGALAK ng Palasyo ang hirit ng Ombudsman sa Sandiganbayan na kanselahin ang inilagak na piyansa ni dating Palawan Gov. Joel Reyes at iutos ang pag-aresto sa kanya. “That’s how it should be! I commend OMB for the order,” ayon sa text message ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga mamamahayag kahapon. Sa pahayag ng Ombudsman, may pangangailangan para pigilin maulit …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com