MATUTUNGHAYAN na sa Mayo 16 at 17 ang mga dulang inihanda ng mga student director mula sa University of the Philippines, Los Banos bilang parte ng Theater Festival na Tingkala! Mapapanood ang mga dulang idinirehe ng mga estudyante sa THEA 109 Directing Class ang Miss Dulce Extranjera, na isinulat ni SIR Anril Pineda Tiatco sa Mayo 16 (4:00 p.m.) at …
Read More »TimeLine Layout
May, 2018
-
14 May
Mary Joy Apostol, umaarangkada ang showbiz career!
NAGSIMULA si Mary Joy Apostol sa mga short at indie films. Mula rito, dumating ang biggest break niya via Birdshot ni Direk Mikhail Red na tinampukan nila nina John Arcilla, Arnold Reyes, at Ku Aquino. Aminado si Mary Joy na wala sa hinagap niya na ito ang magpapabago sa kanyang showbiz career. Bukod kasi sa nanalo siya ng award at …
Read More » -
14 May
Kathelyn Dupaya, masama ang loob kay Ynez Veneracion
MASAMA ang loob ng kilalang businesswoman na si Kathelyn Dupaya dahil sa naging pahayag ni Ynez Veneracion na para siyang na-scam at iba pang celebrities ng isang businesswoman na ang isa sa negosyo ay loading sa mga OFW sa Brunei. Although walang pangalang nabanggit si Ynez, ang pagkakasabi raw sa OFW sa Brunei ang naging main reason para mag-react ang naturang businesswoman. “Hindi po ako scammer, hindi ako nanloko. Kasi, iba iyong scammer, iyong scammer, nawala ang pera mo, nangutang, o may kamuha ng pera mo. Iyong sa akin delayed po at sa transaction namin for how many years, si Sunshine (Cruz) four years mahigit, si Ynez almost two years. Do you think sir, scammer ‘yun? Naibalik ko ang puhunan niya… “Noong December po sir, nagpaalam siya (Ynez), kunin na raw niya lahat. Sabi ko, ‘Hindi tayo makapagbigay ng notice ngayon dahil December nagsisialisan lahat ng agents ko, nagbabakasyon, by January ako magbigay ng notice.’ Pero kahit ganoon pa man, kahit hindi pa nagsibalikan ang mga tao, my own pocket money nag-settle ako sa kanya. Kahit wala pa until now sir ‘yung P1.2 million niya, wala pa sa kamay ko, pero ako bayad na sa kanya,” naiiyak na pahayag niya. Si Ms. Dupaya ay kilalang negosyante sa Filipinas at Brunei na ang lifestory ay na-feature noon sa Magpakailanman. Kabilang sa business niya sa Brunei ang dalawang restaurants, bakery, tatlong spa, salon, at boutique. …
Read More » -
14 May
MPDPC Horse Racing Cup, tumakbo
TUMAKBO kahapon ang Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na ginanap sa Manila Jockey Club Inc., sa San Lazaro Leisure Park sa Lantic, Carmona, Cavite. Ang pakarera ay isang Charity Race na sponsored ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng medical and dental programs, bloodletting, feeding mission at office renovation. …
Read More » -
14 May
Hindi na dapat maulit
ANG kahihiyan na inabot natin sa Kuwait ay hindi na dapat maulit. Dapat na nating itigil ang pagluluwas ng lakas paggawa sa mundo. Humanap na tayo ng ibang paraan kung paano mapatatakbo ang ekonomiya ng bansa na hindi umaasa sa remittances ng overseas Filipino workers (OFWs). Dapat nang seryosohin ng pamahalaan ang pagtatayo ng mabibigat at magagaan na industriya at …
Read More » -
14 May
Kasong korupsiyon ‘iprinoseso’ laban kay ALCALA
When you don’t take a stand against corruption you tacitly support it. — Kamal Haasan PASAKALYE: Bumagsak ang trust rating ni Vice President Leni Robredo ng 13 puntos sa first quarter ng taong kasalukuyan, ayon sa resulta ng latest Social Weather Stations (SWS). Bumagsak ang rating ni Robredo mula sa +52 (very good) sa fourth quarter ng 2017 sa …
Read More » -
14 May
Matagal na ubo pinagaling ng Krystall herbal oil
Dear Sis Fely Guy Ong, Una nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil binigyan ka ng karunungan na magtukoy ng gamot mula sa kalikasan. Ito ang aking karanasan nagkaroon po ako ng ubo nang ilang taon, malagkit na laway at plema. Nang makita ko sa gawain ang Krystall Herbal Oil at Nature Herb. Sinubukan ko ito at okey gumaling nagtanong ako …
Read More » -
14 May
E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?
MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm). “Malisyoso na peke pa!?” Wattafak! Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned …
Read More » -
14 May
Mahigpit na paalala sa mga botante
NGAYONG araw ay huhugos tayong lahat sa mga nakatakdang poll precinct na naroroon ang mga pangalan natin para iboto ang Barangay officials at Sangguniang Kabataan. Paalala lang po — kinabukasan ng bawat barangay ninyo ang nakasalalay sa eleksiyong ito — lagyan po ninyo ng konsensiya ang inyong boto. Dapat ay alam ninyo kung ang mga iboboto ninyo ay hindi sangkot …
Read More » -
14 May
E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?
MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm). “Malisyoso na peke pa!?” Wattafak! Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com