Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

May, 2020

  • 29 May

    Aga, tinanggihan si Lea

    “Huwag na kayong umasang may makikita kayong guest,” ang nasabi lang ni Lea Salonga sa kanyang social media post, at iyon ay matapos na tanggihan ni Aga Muhlach ang imbitasyon niyang maging guest siya sa gagawing on line concert. Inimbita naman si Aga dahil sa kahilingan ng fans. Kung kami ang tatanungin, tama naman si Aga. Isa siyang actor, hindi naman singer, kaya ano ang …

    Read More »
  • 29 May

    Willie, good example sa pagsangga sa ‘biro’ ni Roque

    MABILIS na sinangga ni Willie Revillame ang “biro” ni Presidential Spokesman Harry Roque, na ngayon ay nag-iisa na lang siya at walang kalaban. May kinalaman ang biro sa franchise ng ABS-CBN. Pero mabilis na sinangga nga iyon ni Willie at sinabing ang gusto niyang mapag-usapan ay ang magiging kalagayan ng bansa dahil sa pandemic, at hindi ang problema sa franchise ng kalabang network. Inamin …

    Read More »
  • 29 May

    2015 Dodge Durango van  ni Angel, ibinebenta para sa Shop & Share

    HETO ulit si Angel Locsin, ibinebenta ang 2015 Dodge Durango van  para sa balik-launch ng itinayong Shop & Share para makalikom NG pambili ng Covid-19 testing kit. Base sa post ni Angel sa Shop & Share IG account, “We will officially launch SOON with some exciting pre-loved items from your favorite celebrities! Please visit www.shopandshare.store to sign up for notifications when we go live! “Shop & …

    Read More »
  • 29 May

    Lovi, nagbihis sa kalsada sa shooting ng Malaya

    MATAGAL nang inaabangan ang iWant original movie na Malaya nina Zanjoe Marudo at Lovi Poe dahil ang gaganda ng mga lugar na pinag-syutingan nila mula sa direksiyon ni Concepcion ‘Connie’ Macatuno. Kilala si direk Connie na mahilig sa magagandang location tulad ng Glorious nina Tony Labrusca at Angel Aquino na kinunan sa Sagada na hindi laging ipinakikita sa ibang pelikula. Isa kami sa na-curious sa magandang poster ng Malaya kaya tinanong namin si direk Connie kung saan …

    Read More »
  • 29 May

    Panganay nina Brad at Angelina, mas feel magpaka-lalaki

    HINDI lang pala Rito sa Pilipinas may mga artistang mapayapang tinatanggap ang pagkakaroon ng anak na tomboy o bading. Sa Amerika pala ay may siyam na celebrities na may mga ganoon ding anak at wala silang nakikitang mali sa ganoong sitwasyon. Ang napagtuunan ng pansin sa Amerika nitong mga nakaraang araw  ay ang anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie na si Shiloh dahil nagdiwang ito …

    Read More »
  • 28 May

    Maxene, naglahad kung paano napaglabanan ang mental health issues

    MENTAL Health Awareness Week pala ngayong linggong ito kaya’t nagpasyang i-share ni Maxene Magalona sa pamamagitan ng kanyang Instagram na @maxenemagalona ang naging karanasan n’ya tungkol dito. Ngayong linggo rin ay ibinahagi ni Ritz Azul ang pakikitungo n’ya sa kanyang ina na may pinagdaraanan ding mental health situation. Actually, lutas na ang sitwasyon ng kay Maxene at nakabuti ngang ibinahagi n’ya sa Instagram ang pinagdaanan n’ya ilang taon lang …

    Read More »
  • 28 May

    Ritz Azul, may kuwento ukol sa mental health ng kanyang ina

    KAILANGAN ng matinding pagtitiyaga at pag-unawa ang pagkakaroon ng mahal sa buhay na may mental health problems. ‘Yan ang pahayag kamakailan ni Ritz Azul kaugnay ng pagdiriwang ng Mental Health Week sa bansa. Ang ina ni Ritz ay may anxiety disorder, pagtatapat n’ya sa d’yaryong Ingles na Inquirer kamakailan. Pahayag ng aktres: “I was with her during the time her doctor first gave her medications, and …

    Read More »
  • 28 May

    Shalala, iniinda na ang tatlong buwang walang trabaho

    MALUNGKOT ang komedyanteng si Shalala dahil almost three months na rin siyang walang trabaho simula ng lumaganap ang Covid-19 at mag-house quarantine. Malaki ang epekto ng kawalan ng trabaho kay Shalala dahil breadwinner siya at may pamangkin siyang may karamdaman na sinusuportahan niya. Tanging tapings, shooting, at shows sa labas ang kanyang pinagkakakitaan. Kuwento nga nito nang makausap through FB messenger, “Dami ng apektado at …

    Read More »
  • 28 May

    Pagbubuntis ni Heart, fake news!

    MABILIS na sinagot ni Heart Evangelista sa kanyang Twitter account ang umugong na balitang buntis siya. Taong 2018 dalawang beses na nakunan ang Kapuso star kaya naman all eyes ang lahat na baka nga naman this time ay matuloy na ang pagbubuntis niya. Sagot ng misis ni Chiz Escudero sa kanyang social media account, “I am not pregnant … fake news. thank you for all your wishes but I …

    Read More »
  • 28 May

    Flores de Mayo sa Baliwag, kanselado na

    KANSELADO na rin ang traditional na Flores de Mayo sa Baliwag, Bulakan na dinarayo dahil sa bonggang prusisyon ng mga artistang imbitado. Marami kasing mga artista ang kasali sa sagala at ngayong taon lamang hindi iyon matutupad. Hindi rin naman magandang ituloy iyon at hindi rin magandang tingnan na naka-maskara ang mga paparada dahil baka mapagkamalang santa cruzan ng mga …

    Read More »