Monday , December 15 2025

TimeLine Layout

November, 2020

  • 17 November

    7 ‘Angels’ nina Robin at Mariel, ipinagpatayo ng apartment

    THE House of Us, ito ang titulo ng latest vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla na in-upload niya sa kanyang YouTube channel nitong Lunes ng madaling araw. Kaya ito ang titulo ay dahil ikinuwento ng wifey ni Robin Padilla ang latest project ng asawa na pinagawan nito ng tig-iisang pintong apartment ang mga kasama nila sa bahay na kung tawagin nila ay ‘Angels.’ Naantig ang damdamin ng host ng …

    Read More »
  • 17 November

    Enchong Dee, grabeng bumuyangyang sa Alter Me

    Tiyak na pag-uusapan ang mga revealing at daring scenes ni Enchong Dee sa Alter Me, his movie with Jasmine Curtis Smith that is slated to be shown at the streaming of Netflix starting Sunday, November 15. Opening scene pa lang, nagpakita na kaagad ng hubad na katawan ang aktor. Tiyak na masa-shock ang mga tao dahil hindi lang basta paghuhubad …

    Read More »
  • 17 November

    Direk Romm Burlat, underrated director no more!

    HINDI na paaawat si Direk Romm Burlat! Hayan at may bago na naman siyang nomination as Best Director for International Medium-Length film at the prestigious Brazil International Film Festival in Rio de Janeiro, Brazil. Dati, ni hindi nga ma-nominate sa sarili niyang bansa ang underrated na director. But when he started branching out to the different film festivals in different …

    Read More »
  • 17 November

    Reservoir hiniling ng Bulacan (Para sa sobrang tubig sa 3 dam)

    IGINIIT ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa pamahalaang nasyonal na isama sa mga prayoridad ang konstruksiyon ng mga reservoir upang maipon ang mga sobrang tubig mula sa tatlong dam sa lalawigan. Ito ay upang maisakatuparan ang proyektong ilang dekada nang pinag-uusapan at ipinapanukala upang tuluyan nang maresolba ang matagal nang problema ng pagbaha sa Bulacan tuwing may kalamidad. Nagbunsod ang …

    Read More »
  • 17 November

    15,000 bakwit siksikan sa Montalban

    NANANATILING puno ang 16 evacuation centers ng mahigit sa 15,000 bakwit, habang lubog pa rin sa putik at tambak ng basura ang kanilang mga bahay na sinalanta ng nagdaang bagyong Ulysses sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal. Sa rekord ng lokal na pamahalaan, ilan sa mga ginawang evacuation centers ang Aranzazu covered court, Burgos Elementary School, Manggahan National …

    Read More »
  • 17 November

    Magnitude 6 lindol yumanig sa Surigao del Sur  

    lindol earthquake phivolcs

    INUGA ng magnitude 6 lindol ang bayan ng San Agustin, lalawigan ng Surigao Del Sur nitong Lunes ng umaga, 16 Nobyembre. Naunang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magnitude 6.4 ang tumama sa naturang bayan ngunit kalaunan ay nirebisa sa magnitude 6. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang lindol na tumama 11 kilometro sa hilagang kanlurang bahagi …

    Read More »
  • 17 November

    21-anyos senior high patay sa hazing (Sa Zamboanga)

    hazing dead

    HINIHINALANG namatay ang isang 21-anyos estudyante ng senior high school sa lungsod ng Zamboanga, dahil sa initiation rites ng isang fraternity noong Linggo, 15 Nobyembre. Kinilala ang biktimang si Joselito Enviado, residente sa Sarangani Drive, Barangay San Jose Guzu, sa naturang lungsod, at Grade 12 student ng Zamboanga City National High School West. Idineklarang dead on arrival si Enviado sa …

    Read More »
  • 17 November

    10-anyos bata, 6 minero patay sa baha sa Quirino

    BINAWIAN ng buhay ang pito katao, kabilang ang isang 10-anyos bata, dahil sa matinding pagbaha sa lalawigan ng Quirino dulot ng pananalasa ng bagyong Ulysses. Sa Laging Handa Public Briefing nitong Lunes, 16 Nobyembre, sinabi ni Quirino Governor Dakila Carlo Cua, kabilang sa mga namatay ang isang 10-anyos batang nalunod, at anim na empleyado ng isang minahan sa boundary ng …

    Read More »
  • 17 November

    PH Consulate General sa LA, ‘super careful’ ba o ‘careless’ lang sa mga kababayang Filipino? (Sa limitado o makupad na serbisyo)

    EXTREMES ang nararamdaman ngayon ng mga kababayan nating Filipino sa Los Angeles, California.         ‘Yan ay dahil sa ‘limitadong serbisyo’ ngayon ng Philippine Consulate General sa LA na pinamumunuan ni Consul General Adelio Angelito Cruz.         Maraming Filipino-American (FilAm), ang desmayado sa nasabing limitadong serbisyo lalo’t alam naman ng konsulado na maraming Pinoy ang nais umuwi ng Filipinas para rito …

    Read More »
  • 17 November

    ‘Horror roll’ sa alokasyon ng 2021 national budget sapol (Sa Infra projects sa congressional districts)

    MULI na namang ipinamalas ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang talas ng kanyang ‘pang-amoy’ lalo na kung budget ang pag-uusapan. Tahasang pinuna ni Senator Ping ang “disparity” o unfair na hatian ng alokasyon sa infrastructure budget ng mga kongresista na tinukoy niyang bilyon-bilyong piso ang inilaan sa isang distrito sa Davao, sa Benguet, Albay, at Abra habang sa ibang distrito …

    Read More »