Monday , November 18 2024

Classic Layout

Utos ng Bulacan court: Palparan ilipat sa Bulacan jail

BITBIT ng mga militante ang larawan ng mga biktima na sinasa-bing ipinapaslang ni dating Maj. Gen. Jovito Palparan, sa kanilang muling pagsugod sa harap ng NBI kahapon. Iginiit ng militanteng grupo na panagutin si Palparan sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sheryn Cadapan noong 2006, kasabay ng kahilingan na huwag bibigyan ng VIP treatment ang …

Read More »

Pinsan ni FG arestado sa P230-M large scale estafa

SWAK sa kulungan sa Camp Crame ang pinsan ni dating First Gentleman Mike Arroyo, na dating banker na si Benito Ramon “Bomboy” Araneta dahil sa kasong large scale estafa. Naaresto ng mga operatiba ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO si Araneta sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Acacia Avenue sa Ayala, Alabang. Ayon kay PNP PIO head, Chief Supt. …

Read More »

15-anyos dalagita sinilaban ng ama

DUMANAS ng second-degree burns sa katawan ang isang 15-anyos dalagita sa Negros makaraan silaban ng kanyang sariling ama nitong Biyernes. Ayon sa ulat ng pulisya, binuhusan ng ama ang anak ng gas at sinindihan dahil hindi inalagaan ang nakababata niyang mga kapatid. Nang mahimasmasan sa kanyang ginawa, isinugod ng ama ang kanyang anak sa pagamutan. Tiniyak ng Children’s Protection Desk …

Read More »

Magkakarne inatado ng sekyu (Nahuling katalik ng dyowa)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang meat vendor makaraan tadtadin ng saksak ng security guard nang maabutan ang biktima habang nakikipagtalik sa kinakasama ng suspek sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Isagani Padernal, 32, residente ng Block 19, Nagpayo St., Pasig City. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na …

Read More »

Sariling misis ginahasa mister kalaboso

NAGA CITY – Hindi matanggap ng isang misis na ang mismong asawa niya ang gagawa sa kanya ng kahalayan sa Tiaong, Quezon. Ito ay makaraan siyang gahasain ng sarili niyang mister. Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakahiga ang dalawa sa loob ng kanilang kwarto nang kalabitin ng suspek ang biktima at hiniling na sila …

Read More »

1 utas, 3 timbog sa Oplan Galugad

NAPATAY ang isang armadong lalaki habang naaresto ang tatlo pang kalalakihan makaraan makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya sa isinagawang anti-criminality campaign kahapon ng umaga sa Alabang, Muntinlupa City. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Alvin Bacol, 30, alyas Itlog, ng Balbanero Compound, Alabang, Muntinlupa. Samantala, dinala sa himpilan ng Muntinlupa Police para imbestigahan ang nadakip na mga …

Read More »

84 TESDA students sugatan sa party (Plastic chairs depektibo)

LEGAZPI CITY – Sugatan ang 84 estudyante ng Technical Education and Skills Dvelopment Authority (TESDA) sa bayan ng Daraga, Albay, makaraan silang mahulog sa upuan kamakalawa. Sa ulat na ipinaabot ng presidente ng Student Council Organization ng nasabing paaralan na si Kevin Llona, nag-arkila sila ng 400 plastic na upuan mula sa isang tindahan sa bayan para sa kanilang aquaintance …

Read More »

Truck driver kritikal sa 3 hijackers

KRITIKAL ang kalagayan ng driver ng 14-wheeler truck na may kargang semento makaraan saksakin ng tatlong hijackers at inagaw ang minamaneho niyang sasakyan bago siya itinapon sa madilim na lugar kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta, Maria, Mexico, Pampanga. Ayon sa mga awtoridad, dakong 8 p.m. binabaybay ng biktimang si Ricardo Balmores, driver ng 14-wheeler truck, ang provincial road ng …

Read More »

Bebot kinatay ng kaaway

PATAY ang isang hindi nakilalang babae makaraan laslasin ang leeg at pagsasaksakin sa hita at kamay kamakalawa ng gabi sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila. Ayon kay SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay tinatayang 25-30 anyos, at 5’2 ang taas. Nabatid sa imbestigasyon, dakong 9 p.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa harap ng …

Read More »

6 Indonesian, 2 Pinoy timbog sa puslit na yosi

ANIM na Indonesian nationals at dalawang Filipino ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa illegal na pagpupuslit ng sigarilyo mula Indonesia sakay ng Sarangani Bay vessel sa Malapatan, Sarangani. Kinilala ang dalawang Filipino na sina Eduardo Crisostomo, 53; ng Uhaw St., Brgy. Fatima, at Elmer Pasculado, 27, ng Brgy. Tambler sa lungsod. Habang ang anim dayuhan ay sina …

Read More »