Monday , November 18 2024

Classic Layout

Mga numero uno, tampok sa Gandang Ricky Reyes

BAKIT ba nakukuha ng isang tao ang taguring “Numero Uno”? Panoorin ang lifestyle program ng GMA NEWS TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na magbibigay ng sagot na… Ikaw ay numero uno kung natatangi ka sa lahat, nasa tugatog ng tagumpay sa iyong piniling larangan at iginagalang ng iyong mga kapanabay at ka-propesyon. Sa GRR TNT …

Read More »

Pantasyadora pa rin!

ni Pete Ampoloquio, Jr. Hahahahahahahahahahahaha! Poor Fermi Chakita, umaatikabo pa rin ang ilusyon mereseng osla na siya at ayaw nang bigyan ng showbiz oriented show ng network na kanyang pinagtatrabahuhan. For who would be doltish and stupid enough to give a show to a personality whose rating happens to be a measly BSL? Below sea level mga titas. Hahahahahahahahahahahahaha1 Imagine, …

Read More »

Utak sa Enzo Pastor slay arestado

ARESTADO na ang mastermind sa pagpatay sa international race car champion na si Enzo Pastor. Kinilala ng QCPD-CIDU ang sinasabing mastermind na ang negosyanteng si Domingo ”Sandy” de Guzman III, naaresto ng pulsiya kamakalawa sa Muntinlupa City. Inaresto si De Guzman makaraan siyang ikanta ng gunman sa krimen. Nakuha sa posesyon ng negosyante ang dalawang armas. Habang kinilala ang gunman …

Read More »

Padaca muling kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng kaso sa Ombudsman si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ng kanyang kababayang abogado sa Naguilian, Isabela, dahil sa hindi pag-file ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) noong siya ay gobernador ng Isabela. Ang kasong paglabag sa Section 1, Rule 7 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards …

Read More »

Suspek sa DWIZ station manager ambush timbog (ALAM nagpasalamat)

DAGUPAN CITY – Arestado na ang suspek sa pagbaril sa DWIZ station manager na si Orlando “Orly” Navarro sa Lungsod ng Dagupan. Ayon kay Dagupan City Chief of Police Supt. Christopher Abrahano, naaresto ang suspek na si Rolando Apelado Lim, Jr., 46, residente sa Brgy. Pantal sa lungsod. Sinabi ni Abrahano, may hawak na silang malakas na ebidensiyang magpapatunay na …

Read More »

Misis uminom ng gasolina tigok

ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang isang ginang makaraan uminom ng gasolina na hinaluan ng katas ng nakalalasong halaman kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Juliet Limpar Malintad, 30-anyos, residente ng Brgy. Kabatan ng nasabing bayan. Kwento ng live-in partner ng biktima na si Oscar Alicaway, bago ang insidente ay nag-away sila ni Malintad dahil sa matinding selos …

Read More »

Usurero itinumba sa public market

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang usurero o nagpapautang ng 5-6, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa palengke ng Sta. Maria, Bulacan, kamakalawa. Sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Supt. Rodolfo ‘Boy’ Hernandez, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang biktimang si Ferdinand Libarra y Diaz, 45, residente ng Brgy. Catmon, sa naturang …

Read More »

Anti-political dynasty bill may basbas ni PNoy

INAMIN ng Palasyo na may basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsusulong ng Liberal Party na maipasa ang anti-political dynasty bill. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, narinig niya kay Interior Secretary Mar Roxas sa forum ng Koalisyon ng Mamamayan para sa Reporma (Kompre) noong Lunes, na kinonsulta niya si Pangulong Aquino nang magpasya ang LP na suportahan ang …

Read More »

Sanggol utas, ina sugatan sa boga ni tatay

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang sanggol na lalaki habang sugatan ang kanyang ina nang aksidenteng mabaril ng ama sa Sitio Mayada, Brgy. Libas, Tantangan, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ng Tantangan PNP ang biktimang namatay na si Carl Steven Cabel, isang taon gulang, tinamaan ng bala sa noo. Habang sugatan din ang kanyang ina na si Jocelyn Anton, …

Read More »

P5-M natupok sa Quiapo warehouse

TINATAYANG P5 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok makaraan ang limang oras na sunog sa isang warehouse sa Quiapo, Manila kamakalawa ng gabi. Aminado ang mga bombero na nahirapan silang apulain ang apoy sa Orozco Street. Napag-alaman, nagsimula ang sunog dakong 7:35 p.m. at umabot sa ikalimang alarma. Nakontrol ang apoy at naapula dakong 11:39 p.m. Ang nasabing bodega …

Read More »