Monday , November 18 2024

Classic Layout

Isabela, Cagayan hinagupit ni Luis

MATINDING hinagupit ng bagyong Luis ang Isabela at Cagayan sa pag-landfall nito Linggo ng hapon. Sinabi ni Isabela Governor Faustino Dy, maraming lugar sa kanilang lalawigan ang walang koryente dahil sa mga bumagsak na poste. Linggo ng gabi pa aniya huminto ang pag-ulan at hangin sa kanilang lalawigan ngunit hanggang Lunes ng umaga, nananatiling walang koryente sa 60% ng hilagang …

Read More »

GRO binoga ng parak (Sumama sa ibang kelot)

NILALAPATAN ng lunas sa Mother and Child Hospital ang isang 22-anyos guest relation officer (GRO) makaraan barilin ng hindi nakilalang pulis sa loob ng videoke bar sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Pearlie Custodio, 48, C. San Jose Street, corner  Herbosa Street, Tondo. Ayon kay Chief Inspector Ariel C. Caramoan, hepe ng Manila Police District Don …

Read More »

P.2-M reward vs rape-slay suspect (Sa baby sa ilalim ng jeepney)

TUMAAS na sa P200,000 ang reward laban sa suspek na dumukot, gumahasa at pumatay sa 11-buwan gulang sanggol na iniwan sa ilalim ng pampasaherong jeep sa San Juan City. Ayon kay San Juan Mayor Guia Gomez, ang pabuya na dati ay P100,000 ay dinagdagan para sa agarang pagkaaresto sa suspek na walang-awang gumahasa at pumatay sa biktimang si Geralyn, anak …

Read More »

Lifestyle check vs PNP suportado ng Palasyo

SINUSUPORTAHAN Malacañang ang plano ng interior department na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal at miyembro ngPhilippine National Police (PNP) officials. Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang nasabing pagsusuri ay magiging confidential at ang resulta ay magagamit lamang kung may kaso na maipipila sa mga pulis. Ayon kay …

Read More »

Ex-MTPB member arestado

ARESTADO ang isang 52-anyos dating miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau makaraan mabisto na nanghuhuli ng mga sasakyan sa Paco, Maynila. Sinampahan ng kasong usurpation of authority at nakapiit na sa Manila Police District General Assigment and Investigation Section ang suspek na si Emiliano Polo, walang trabaho, ng 1340 Linao Street, Paco, makaraan maaresto dahil sa reklamo ni Dometrio Tupas, …

Read More »

Estudyante pisak 1 sugatan sa bulldozer

GENERAL SANTOS CITY – Nalagutan ng hininga ang isang estudyante makaraan madaganan ng sinasakyan niyang bulldozer kamakalawa. Ang biktima ay kinilala ni PO1 Muhammad Pangolima ng Malapatan Municipal Police Station, na si Maria Pablo, 16, ng Brgy. Kihan Malapatan, Sarangani province. Ang biktima ay kasama ng apat iba pa at naglalakad pauwi sa Brgy. Kihan nang madaanan ng driver at …

Read More »

Baha sa San Miguel isinisi sa Bulo Dam

BINAHA ang 18 barangay ng San Miguel, Bulacan bunsod ng pag-ulan dulot ng Bagyong Luis kamakalawa. Isinisi ng mga residente ng San Miguel ang pagbaha sa rekonstruksiyon ng Bulo Dam na ayon sa mga opisyal ay pipigil sa rumaragasang tubig mula sa kabundukan sa panahon ng tag-ulan. Kabilang sa mga binaha ang mga barangay ng Bagong Silang, Bantog, Bardias, Baritan, …

Read More »

Construction manager itinumba sa Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang construction manager nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang kasama ang kanyang asawang sales agent kamakalawa ng gabi sa Olongapo City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Angelito Pineda, 34, nakadestino sa motorpool ng 4B Constuction, sanhi ng mga tama ng .9mm kalibreng pistola. Habang nakatakbo at nagtago ang kanyang misis …

Read More »

Aprub tayo sa mungkahi ni Sen. Sonny Trillanes (Spot promotion pabor sa Pinoys UN peacekeepers)

BILANG mambabatas mula sa hanay ng mga sundalo, nauunawaan natin ang rekomendasyon ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na gawaran ng spot promotion ang 40 Pinoy UN peacekeepers na nagtaya ng buhay laban sa 100 Syrian rebels sa Golan Heights nitong nakaraang Agosto 31. Isa tayo sa mga nakahinga nang maluwag nang mabalitaan natin na natakasan ng mga sundalo natin …

Read More »

DoTC Sec. J.E. Abaya magtrabaho kayo!

WALA nga pala si Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya kasama siya sa European tour (working visit sa Spain, Belgium, France at Germany) ni PNOY mula September 13 hanggang September 20. Ang sama ng tiyempo, kung kailan wala si Abaya saka may lumubog na RORO (ferry boat). Kunsabagay hindi naman ito usapin na ‘yung nandito o wala si …

Read More »