Monday , November 18 2024

Classic Layout

3 paslit nalitson sa Caloocan fire

PATAY ang tatlong paslit na magkakapatid nang makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ang magkakapatid na sina Janine Racel, 9; John Racel, 6; at Joshua Flores, 3, pawang residente ng Block 2, Sawata, Maypajo, Brgy. 35, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SFO2 Benedicto Tudla, arson investigator, dakong 6:35 a.m. nang lamunin …

Read More »

DND kinastigo ng Kamara (Sa lumang war materials na binili sa Amerika)

BINIRA ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbili ng mga luma at lipas nang mga kagamitang panggiyera sa ilalim ng Armed Forces Modernization. Sa isinagawang plenary debate ng 2015 national budget, nabulgar ang P53.166 bilyong ini-release para sa phase-1 ng AFP Modernization Program  at ang karagdagan …

Read More »

Purisima mag-leave muna — Poe

INIREKOMENDA ni Senator Grace Poe kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima na mag-file muna siya ng administrative leave habang iniimbestigahan ang kanyang kaso. Sa budget deliberations sa Senado, umapela si Poe kay Local Government Secretary Mar Roxas na gumawa ng rekomendasyon sa presidente para sa gagawing administrative leave ng heneral. Inihambing ni Poe ang tatlong senador …

Read More »

Purisima muling idinepensa ni PNoy

HINDI matakaw at hindi rin maluho si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Alan Purisima. Iyan ang pagkakakilala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Purisima na halos tatlong dekada na niyang kaibigan. “The way I know Alan… I have known him since 1987, I have never seen him na maluho o matakaw,” sabi ng Pangulo sa ginanap na media …

Read More »

Jinggoy sumalang sa MRI nang bantay-sarado

BANTAY-SARADO sa pulisya si Sen. Jinggoy Estrada nang isailalim sa magnetic resonance imaging (MRI) kahapon sa Cardinal Santos Medical Center. Isinalang sa nasabing proseso ang senador dahil sa nararanasang pananakit ng likod. Gayonman, tumanggi ang pamunuan ng ospital na isapubliko ang detalye ng naging pagsusuri.

Read More »

Bebot ginahasa ng 3 holdaper, 2 arestado (Sa harap ng nobyo)

ARESTADO ang dalawa sa tatlong holdaper na gumahasa sa isang 21-anyos babae sa San Fernando, Cebu kamakalawa. Kinilala ni PO1 Fernando Mata ng San Fernando Police Office, ang dalawa sa tatlong mga suspek na sina Kevin Cabrera at Arnel Ladica. Sa ulat ng pulisya, namamasyal ang 21-anyos biktima kasama ang 24-anyos nobyo nang holdapin sila ng tatlong armadong lalaki sa …

Read More »

PNoy binulabog ng aktibista sa US forum

BINULABOG ng mga aktibistang Fil-Am ang dinaluhang open forum ni Pangulong Benigno Aquino III sa Columbia University sa New York City, USA kamakalawa. Sinigawan  ng “Shame on you” si Pangulong Aquino habang nagsasalita ng pinaniniwalang mga kasapi ng Anakbayan–USA chapter). Hniyawan din ang Pangulo ng isang aktibista na “I look up to your mother. I am a Filipino woman and …

Read More »

Senado bukas sa death penalty

BUKAS si Senate President Franklin Drilon na pagdebatihan ang parusang death penalty na balak ibalik ng ilang mambabatas para masolusyonan ang lumalalang problema ng krimen sa bansa. Sinabi ni Drilon, dapat tingnan kung ang pagtaas ng insidente ng krimen ay dahil sa pagpapatigil sa death penalty law noong 2006 o dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng peace and order …

Read More »

Kelot na ‘di gusto namanhikan dalagita nagbigti

GENERAL SANTOS CITY – Nagbigti sa pamamagitan ng kumot ang isang 18-anyos dalagita nang mamanhikan ang lalaking hindi niya gusto sa lungsod ng Butuan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Diana Bilag, residente ng Uhaw, Brgy. Fatima, Butuan City. Isinugod ang biktima sa Mindanao Medical Center ngunit hindi na naisalba. Pinaniniwalaan ng mga kaanak na nagbigti ang biktima dahil hindi niya …

Read More »

Lider ng drug group todas sa onsehan

PATAY na at tadtad ng tama ng bala sa katawan nang matagpuan kamakalawa ng umaga ang lider ng Alex Daud group na responsable sa pagtutulak ng droga sa munisipalidad ng Rodriguez at iba pang kalapit na bayan sa lalawigan ng Rizal. Sa ulat ni Supt. Robert Baesa, officer in charge, kinilala ang napatay na si Alex Daud alyas Felix, nasa …

Read More »