Monday , November 18 2024

Classic Layout

‘Boy Balugbog’ inireklamo sa MPD-GAIS

ISANG kasapi ng Manila Police District (MPD) na binansagang ‘Boy Balugbog’ ang inireklamo ng pambubugbog sa isang miyembro ng Pasang Masda na pinaghinalaan niyang ‘nambuburaot’ ng mga pasahero na naging sanhi ng pagsisikip ng trapiko, sa panulukan ng Rizal Ave., at Tayuman St., sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon. Nagtungo sa tanggapan ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang …

Read More »

Babaeng tsekwa pinatawan ng multa (Nagwala, nanira sa hotel)

PINAGBABAYAD ng halos P11,000 ng tinuluyang hotel ang isang babaeng Chinese national makaraan buhusan ng ihi ang LCD matrix TV 32” na nasa loob ng kanyang kuwarto bago mag-check-out sa isang hotel sa Malate, Maynila, kamakalawa. Dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) nina PO1 Ramil Escarcha at PO1 Ryan Gabon, ng Tourist Police si Wenna Zhao, …

Read More »

AFP modernization inaapura ng DND

MINADALI ng Department of National Defense ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, ito ay upang hindi na umasa pa sa second hand na gamit ng mga sundalong Amerikano ang mga sundalo natin gaya ng sattelite communication. Sinabi ni Gazmin, malaking tulong ang sattelite communication ng tropang Amerikano sa mga operasyon ng …

Read More »

PBA board magpupulong sa Korea

  GAGAWIN sa Lunes, Setyembre 29, ang planning session ng Philippine Basketball Association Board of Governors sa Incheon, Korea, para sa paghahanda ng liga sa pagbubukas ng ika-40 na season sa Oktubre 19. Pangungunahan ng bagong tserman ng lupon na si Patrick Gregorio ng Talk n Text ang nasabing planning session bilang kapalit ni Ramon Segismundo ng Meralco. Ilan sa …

Read More »

Alas papuntang NLEX

HINDI na matutuloy ang pag-trade sa rookie ng Rain or Shine na si Kevin Alas sa Talk n Text. Ayon sa isang source, lilipat na lang si Alas sa North Luzon Expressway kapalit ang isang first round draft pick sa 2015. Dahil dito, muling lalaro si Alas sa kanyang koponan sa PBA D League at makakasama niya sina Asi Taulava, …

Read More »

Altamirano: Hindi kami pressured sa Ateneo

  KAHIT dalawang beses na kailangang talunin ng National University ang Ateneo de Manila sa Final Four ng seniors basketball ng UAAP Season 77 ay hindi natitinag ang head coach ng Bulldogs na si Eric Altamirano. Tinalo ng Bulldogs ang Eagles, 78-74, noong Huwebes upang maipuwersa ang rubber match na gagawin sa susunod na Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Matatandaan …

Read More »

Pinas 3 medalya sa Wushu

SA limang araw na pakikipagsapalaran ng Philippine team ay mailap pa rin sa kanila ang gold medal sa nagaganap na 17th asian Games sa Incheon, Korea. Kinapos si Jean Claude Saclag kay Hongxing Kong ng China, 2-0, sa men’s Sanda -60kg sa Wushu kaya silver medal ang naikuwintas sa Pinoy. Silver medal din ang nasungkit ni Daniel Parantag sa taijiquan …

Read More »

John, nag-propose na rin kay Isabel

TAON talaga ngayon ng pagpo-propose. Pagkatapos alukin ng kasal ni Dingdong Dantes si Marian Rivera at ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista, nag-propose na rin noong Miyerkoles ng gabi si John Prats kay Isabel Oli. Magka-birthday sina Heart at John (February 14). Ayon sa balita, isinagawa ni John ang pagpo-propose matapos ang flash mob sa Eastwood Mall sa Quezon …

Read More »

James, nahulog sa stage

MASAMA ang pagkakahulog ni James Reid mula sa entablado habang kumakanta para sa taunang Cosmopolitan’s Bachelor’s Bash. Ayon sa balita, kumakanta si Reid nang humakbang ito patalikod at ‘di namalayang ‘di pantay ang entablado. Ayon kay ABS-CBN News’ Ginger Conejero, kinailangang alisin kaagad ang aktor sa naturang the fashion show. ni Maricris Valdes Nicasio

Read More »