Wednesday , November 20 2024

Classic Layout

C/Supt. Nana, 7 pulis pa kinasuhan sa Sandiganbayan (Press Freedom binastos)

NAKATAKDANG sampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang hepe ng  Manila Police District,  hepe ng NAIA PNP- Aviation and Security Group, at anim na opisyal pang pulis ng MPD kaugnay sa ilegal na pag-aresto sa dating presidente ng National Press Club sa kasong libel nitong nakaraang Abril, araw ng Linggo ng Pagkabuhay, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ang …

Read More »

PCSO hindi lang makupad, mahaba na rin ang pila sa PCSO

HINDI lang pala makupad ang proseso gayon sa Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO). NAPAKAHABA na naman ang pila ng mga tao. At kung  dati raw ay malusog pa ang pasyente at may pag-asa pang maka-recover. Ngayon daw ay mahina na ang pasyente at malapit nang mamahinga o kaya naman ‘tegas’ na bago pa makakuha ng assistance sa PCSO. Ano …

Read More »

Bakit binebeybi ng taga-Malakanyang ang MILF?

WALANG ipinagkaiba ang estilo ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ginagawa ngayon ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) na mas kilala ngayon bilang ISIS—puro terorismo. Nagsuko lamang ng 75 lumang armas at dinekomisyon bilang mga kawal ang 145 nakatatandang miyembro, may banta na ang MILF na hindi na sila papayag sa ikalawang yugto ng …

Read More »

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (2)

Ang totoo niyan, sa kabila nang mukhang pagiging moderno at lantarang pagyakap natin sa mga kaugaliang kanluranin lalo na sa idea ng nation-state ay nananatiling tribal o maka-tribu ang pananaw natin sa buhay. Ang pagkakaroon nang napakaraming mag-kakakumpetensyang tribal based Filipino associations sa ibayong dagat ay matibay na patotoo nang ating pagiging nationally fragmented. Dahil sa ating pagiging maka-tribu ay …

Read More »

Pag-angat ni Poe dedma sa Palasyo (Sa Pulse Asia survey)

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Palasyo ang pangunguna ni Sen. Grace Poe sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey sa 2016 presidential bets. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bagama’t ang resulta ng survey ay nagpapahiwatig kung sino ang napupusuang kandidato ng mga mamamayan, hindi prayoridad ng administrasyong Aquino ang 2016 elections. Nakatuon aniya ang atensiyon ng Pangulo at ng gabinete …

Read More »

Comelec dapat magmadali para sa 2016 polls — election lawyer

 INIHAYAG ng isang election lawyer na dapat nang ma-daliin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkakasa sa 2016 elections.  Idiniin ni Atty. Romulo Macalintal, hindi pa rin natutukoy ng Comelec ang sistemang susundin sa pambasang halalan, nasa isang taon bago ito sumapit.  Dahil dito, iginiit ng abogado na mas mabuti pang ipagpaliban na lang eleksyon kung hindi matitiyak na magiging …

Read More »

Binay etsapuwera sa special cabinet meeting sa Palasyo

ETSAPUWERA sa special cabinet meeting sa Palasyo kahapon si Vice President at housing czar Jejomar Binay kahit na ang agenda ay pabahay sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., si National Housing Authority (NHA) general manager Chito Cruz ang nagbigay ng update hinggil sa housing reconstruction projects sa Eastern Visayas …

Read More »

Ex-LP official bagong hepe ng CHR

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang dating mataas na opisyal ng Liberal Party bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR). Pinalitan ni Atty. Jose Luis Martin “Chito” Gascon, dating director general ng LP, ang nagretirong CHR chairwoman Loretta Ann Rosales, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte. Magsisilbi si Gascon bilang pinuno ng CHR hanggang Mayo …

Read More »

P268-B inilaan ng Army sa bala ng grenade launcher

NAGLAAN ng P268 milyong pondo ang pamunuan ng Philippine Army para sa pagbili ng mga bala ng grenade launcher. Sa ngayon, naghahanap ang Philippine Army ng magsu-supply sa kanila nang mahigit 100,000 bala ng grenade launcher. Ayon kay Army spokesperson Lt. Col. Noel Detoyato, mayroon nang nakalaan na budget na nagkakahalaga ng P268 million para sa pagbili ng 40 mm …

Read More »

P260-M Grand Lotto jackpot mailap pa rin

WALA pa ring masuwerteng nanalo sa mahigit sa P259 milyon jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi pa rin napanalunan ng sino mang bettor ang winning number combinations na 51-42-49-25-37-17. Ang prem-yo ng draw kamakalawa ay umabot na sa P259,824,472.00. Nabatid na dalawang buwan nang hindi napapanalunan ang premyo sa Grand …

Read More »