Wednesday , November 20 2024

Classic Layout

Ayaw ni Grace kay Mar

SI Sen. Grace Poe ay tatakbong presidente sa darating na halalan sa 2016.  At kahit na magpabale-balentong pa si Pangulong Noynoy Aquino sa harap ni Grace, hindi na magbabago ang isip niya sa planong pagtakbo bilang pangulo. Kung inaakala ni PNoy na mabobola niya si Grace, nagkakamali siya. Kaya lang pinapatulan ni Grace  ang mga imbitasyon sa kanya ni PNoy …

Read More »

Balasahan sa PNP inaasahan

INAASAHAN na ang balasahan o major revamp sa key positions sa pambansang pulisya. Ito’y kasunod sa pagkakahirang kay Police Director General Ricardo Marquez bilang bagong PNP chief. Si Marquez ang Director for Operations ng PNP bago siya hinirang bilang bagong pinuno ng PNP. Dahil sa pagkakatalaga kay Marquez at pagreretiro sa serbisyo ni retired PNP OIC chief Leonardo Espina, ilang …

Read More »

9-anyos nilaspag rape suspect itinumba

PATAY ang isang lalaking hinihinalang gumahasa sa isang 9-anyos batang babae, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong kalalakihan na magkaangkas sa motorsiklo sa Baliwag, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa Baliwag Police, kinilala ang biktimang si Reynaldo Buenaventura, 53, may-asawa, at residente ng Zone 1, Brgy. San Roque, sa naturang bayan. Ayon sa ulat, naganap ang pagpaslang sa biktima sa …

Read More »

15-anyos nabaril ng 13-anyos pinsan

ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ng pulisya ang 13-anyos binatilyo na aksidenteng nakabaril sa 15-anyos dalagita sa Magay St., Brgy. Zone 4 sa Zamboanga City kamakalawa. Sa imbestigayson ng pulisya, ang baril na ginamit sa insidente ay pag-aari ng isang kasapi ng Philippine Navy na kinilalang si Sgt. Edris A. Mukattil, 37, residente nang nabanggit na lugar. Nabatid na …

Read More »

Kelot binoga sa lamayan (Nag-away sa pusoy)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng kanyang kalugar nang magtalo habang naglalaro ng sugal na pusoy sa isang lamayan ng patay kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Victor Pambid, 37, residente ng Lot 2, Avocado St., Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod, sanhi …

Read More »

Marcos highway isinara (Dahil sa landslide)

ISINARA pansamantala sa trapiko ang Marcos Highway, dakong 7 a.m. nitong Linggo. Ayon sa Tuba Police, dahil sa malaking landslide sa Brgy. Poyopoy, Taloy Sur sa Benguet kaya isinara ang kalsada. Inaabisohan ang mga motoristang aakyat sa Baguio City na gamitin na lang muna ang Naguilian Road partikular para sa mga truck at bus. Bukas din sa trapiko ang Kennon …

Read More »

2 paslit nalitson sa sunog sa Samar

TACLOBAN CITY- Patay ang dalawang paslit sa nangyaring sunog sa purok 1 Brgy. Rawis Calbayog City, Samar dakong 7 p.m. kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Arial Jasmine Pollis, 4, at Aldrin Pollis, 2, habang sugatan ang ilan pang miyembro ng pamilya Pollis. Sa inisyal na report mula kay PO1 Jeraldine Janap ng Calbayog PNP, na-trap ang dalawang paslit sa …

Read More »

12-taon kulong sa pang-aabuso sa senior citizen

MABIGAT na parusa ang haharapin ng isang taong mapatutunayang nanakit ng senior citizen oras na pumasa sa Kamara ang isang panukalang batas. Isinusulong ngayon sa Kongreso ang House Bill 5903 o ang “Anti-Violence Against Senior Citizens Act” na inihain ni Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla para bigyang proteksyon ang matatanda laban sa ano mang uri ng pang-aabuso …

Read More »

Supply ng bigas  sapat – NFA (Ngayong lean months)

TINIYAK ng National Food Authority na sapat ang supply ng bigas sa bansa ngayong lean months. Inilahad ni NFA Administrator Renan Dalisay, nitong Hulyo nagsimula ang lean season na inaasahang magtatagal hanggang Setyembre. Ngunit dahil sa epekto ng El Niño, maaari rin aniyang umabot ito hanggang Oktubre. Aniya, “Nagsimula na ang El Niño pero maganda naman na umuulan-ulan, nakikita natin …

Read More »

1 patay, 2 kritikal sa gun for hire

PATAY ang isang barangay executive officer habang nasa kritikal na kondisyon ang tinarget na barangay kagawad, at isang binatilyong tinamaan ng ligaw na bala makaraan barilin ng isang hinihinalang “gun for hire” kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Alexander Cabanangan, 46, barangay Ex-O ng Brgy. 276, Zone 25, residente ng 359 Alonzo St., Binondo, …

Read More »