Friday , December 19 2025

Classic Layout

Malacañan CPP NPA NDF

NPA raid sa Iloilo ‘birth pains’ ng SOMO (Ayon sa Palasyo)

UMAASA ang Palasyo na bahagi ng “panganganay” o “birth pains” ng kasunduan na magpatupad ng suspension of offensive military operations (SOMO) ang pamahalaan at National Democratic Front (NDF), ang pagsalakay ng mga rebeldeng komunista sa police station sa Maasin, Iloilo kamakalawa ng umaga. Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, hindi lamang negosasyong pangkapayapaan ang nasapol nang …

Read More »

Shabu, armas, IEDs nakompiska sa Maute/ISIS

UMABOT sa 11 kilo ng hinihinalang shabu at matataas na kalibre ng armas ang nakompiska ng mga tropa ng pamahalaan makaraan makipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, patuloy na nakarerekober ng malalakas na armas, improvised explosive devices at shabu ang mga sundalo sa clearing …

Read More »

Himok ng AFP: Human Security Act ipatupad ng BI personnel

HINIMOK ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla ang mga opisyal at kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na palakasin ang kanilang hanay at mahigpit na ipatupad ang Human Security Act o Anti-Terror Law upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista sa Filipinas. Napaulat na may mga nakuhang passport sa napatay na foreign jihadist sa …

Read More »

30 naggagandahang dilag, maGlalaban-laban sa Miss Manila 2017

MULING nagsanib-puwersa ang syudad ng Maynila at MARE Foundation kasama ang VIVA Live para sa paghahanap ng susunod na  Miss Manila. Nasa ikaapat na taon na ang search na hindi lamang naghahanap ng woman of beauty, subalit ng empowerment, nagpapakita ng social awareness, at kinakikitaan ng tunay na pagiging Manileña with grace, passion, at optimism. Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw …

Read More »

Liza, puspusan na ang paghahanda sa Darna

PUSPUSAN na ang paghahanda ni Liza Soberano para sa Darna. Una sa mga ginawa niya ay ang makipag-meeting sa director nitong si Erik Matti. Ayon kay Liza nang makausap namin sa launching sa kanya bilang first celebrity endorser ng Megasound Brand, MP MegaproPlus, na nagkaroon na siya ng physical test para makita kung gaano siya kalakas. “And so based on …

Read More »

Kabataan bantayan vs int’l terror groups (Sa online recruitment)

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga magulang na bantayan mabuti ang mga anak na nalululong sa internet at social media dahil sa posibilidad na marekluta ng international terrorist organizations. Sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, sinasamantala ng mga teroristang grupo ang hilig ng mga kabataan sa internet …

Read More »
MRT

MRT system ng PH parang sirang plaka paulit-ulit ang sira!

BUTI pa ang plaka, katanggap-tanggap na maging paulit-ulit kapag sira, kasi ibig sabihin no’n puwede nang itapon. Pero ang Metro Trail System (MRT) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), kung paulit-ulit ang pagkasira, paulit-ulit din ang prehuwisyo sa mga komyuter. Prehuwisyo sa maraming aspekto. Prehuwisyo sa trabaho, sa oras, sa buhay ng bawat pasahero at higit sa lahat prehuwisyo …

Read More »

Pulis na walang armas sa NAIA terminals

NANGANGANIB ang halos 200 bagong rekrut na pulis (PNP-ASG) na itinalaga sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kawalan ng armas. ‘Yan ang sentimyento ng mga miyembro ng Aviation Security Group (Avsegroup) sa Airport lalo na ngayong mahigpit ang kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad at ilegal na droga. Mantakin n’yo naman, maghapon silang nasa …

Read More »

Celtics, Sixers nagpalitan ng draft picks

NAKATAKDANG sikwatin ng Philadelpia 76ers ang #1 pick mula sa Boston Celtics kapalit ang 3rd pick nito sa pagpapatuloy ng off-season at habang papalapit ang NBA Draft. Ayon kay David Aldridge ng TNT, nagkasundo ang Boston at Philadelpia sa prinsipyo ng naturang trade ngunit sa Lunes pa maisasapinal dahil gusto munang makita ng Sixers mismo ang personal workout ng potential …

Read More »

Ward pinataob si Kovalev sa rematch

PINATUNAYAN ni Andre Ward na hindi tsamba ang kanyang unang panalo nang patumbahin ang karibal na si Sergey Kovalev sa light heavyweight title rematch kahapon sa Las Vegas, Nevada. Napanitili ng Amerikanong si Ward ang kanyang WBO, IBF at WBO light heavyweight belts na naipanalo niya rin sa unang unification bout nila ng Russian na si Kovalev noong Nobyembre. Dinale …

Read More »