Wednesday , December 17 2025

Classic Layout

Ebidensiyang ilegal ‘pinindot’ — Duterte

ILEGAL ang pangangalap ng ebidensiya ng Office of the Ombudsman laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at idinaan lang sa ‘pindot.’ Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa sa harap ng mga sundalong binisita niya sa Marawi City. Ang paglalabas aniya ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang ng umano’y bank account niya na galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ay …

Read More »

New Generation Heroes na Advocacy film alay sa mga guro, showing na ngayon!

PALABAS na ngayong Oct. 4 ang New Generation Heroes, isang advocacy film na handog para sa mga guro sa World Teachers Day. Naging matagumpay ang premiere night nito na ginanap last September 29 sa Megamall Cinema-8. Maraming manonood ang na-touch sa pelikula, lalo ang mga guro mismo. Mapapanood dito ang iba’t ibang klase ng mga guro tulad ni Ms. Aiko na kailangan …

Read More »
Bulabugin ni Jerry Yap

Mabuhay DoJ 120th anniversary!

NITONG nakaraang Linggo ay ipinagdiwang ng Department of Justice ang kanilang ika-120 anibersaryong pagkakatatag. Ang selebrasyon ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na ang pangunahing panauhing pandangal ay si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang speech sa buong kagawaran, ini-emphasize ng Pangulo na hangga’t siya ang tumatayong presidente ng bansa isusulong pa rin niya ang tamang …

Read More »
MRT

Hanggang kailan magiging palpak ang MRT?

NASA ikalawang taon na ang administrasyong Rodrigo “Digong” Duterte pero parang walang nangyayaring pagbabago sa kalbaryong dinadanas ng mga commuter, partikular ang mga sumasakay sa MRT at LRT. Imbes matugunan ang malalang problema rito, tila lalo pa itong lumalala. Baka kalaunan, magigising na lang tayo na tapos na ang termino ni Duterte pero wala pa ring solusyon sa problema ng …

Read More »

Happy Anniversary DOJ!

KAHANGA-HANGA ang theme ng Department of Justice sa kanilang ginanap na 120th founding anniversary na “Grace and Justice: 120 Years of Service to the Filipino People,” the DOJ upholds its pledge to provide every person equal access to justice, to faithfully safeguard constitutional rights, and to ensure that no one is deprived of due process of law.” Napakaganda at kaaya-aya …

Read More »

Panlilinlang sa gobyerno?

NAKALULUNGKOT na makitang ang mga opis-yal ng Gabinete na itinalaga mismo ni President Duterte ang hindi sumusunod sa patakaran na inilatag ng pa-mahalaan. Pumutok kamakai-lan ang isyu na may mga reduction o pagbabago na napuna ang mga taga-media sa deklarasyon ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Gabinete sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) mula Disyembre …

Read More »
caloocan police NPD

Retraining sa 1,143 Caloocan cops sinimulan na

SINIMULAN na ang retraining kahapon sa 1, 143 pulis Caloocan  sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na tinanggal sa puwesto makaraan ang sunod-sunod na kontrobersiyang kanilang kinasangkutan. Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, Public Information Office chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tatagal ang nasabing retraining ng 30 hanggang 45 araw. Sila ay muling isasalang sa physical training, …

Read More »

Aiko Melendez, nahambal nang mapanood ang pelikula niya kay Direk Anthony Hernandez!

AIKO Melendez wrote on Facebook last Sunday night to express her discontent on how her role in the advocacy movie The New Generation Heroes has turned out. Originally, she was told that she would be its leading-lady. But much to her surprise and dismay, the film that was shown on its premiere night last Friday made her a major support in …

Read More »

Isnilon Hapilon, Omar Maute nasa Marawi pa

NASA loob pa ng war zone ang natitira sa Maute brothers at si Isnilon Hapilon, nanguna sa ilan buwan nang pagkubkob sa Marawi City, pagkompirma ng militar nitong Lunes. Napag-alaman, lagpas na ang militar sa itinakdang October 1 deadline para tapusin ang kaguluhan sa nabanggit na lungsod. Ang sinagip na mga bihag ay nagbigay ng “consistent information” hinggil sa kinaroroonan …

Read More »

Bebot itinumba sa Kyusi (Sumuko sa Tokhang)

PATAY noon din ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at dati nang sumuko sa pulisya sa ipinatupad na Oplan Tokhang, makaraang barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng umaga. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, dakong 9:00 am, nang barilin si …

Read More »