Friday , December 19 2025

Classic Layout

Heart, maselan ang paglilihi; pabango at prito, ayaw maamoy

Base sa eksklusibong panayam ng Manila Bulletin kay Heart Evangelista, masayang-masaya ngayon ang maybahay ni Senator Chiz Escudero at the same time ay kabado pero handang-handa nang maging mommy. Ayon kay Heart, ”As a woman, however, you’re never prepared. I’m super terrified and scared but excited at the same time. I thought I would cry, but I laughed because I was excited and I couldn’t believe it. …

Read More »

Ian Veneracion, may issue sa Kapamilya?

PALAISIPAN sa amin kung bakit walang follow-up teleserye si Ian Veneracion pagkatapos ng serye nila ni Bea Alonzo na A Love To Last na umere noong Enero hanggang Setyembre 2017 sa ABS-CBN. Kadalasan kasi kapag nag-click o mataas ang ratings ng isang serye ay binibigyan ng follow-up project ang lead actors, pelikula man o teleserye. Sa kaso ni Ian ay wala kaming alam na upcoming projects …

Read More »

Kris, hanga sa professionalism at husay ni Direk Giselle Andres

NAGUSTUHAN ni Kris Aquino kung paano magtrabaho ang kanilang director sa I Love You, Hater na siGiselle Andres. Napaka-professional at mahusay ani Kris ang bagong director dagdag pa ang kakaibang vision nito. Maging sa dalawang bagets na kasama ni Kris, sina Julia Barretto at Joshua Garcia ay gulat  siya sa pagka-seryoso sa trabaho. “Nagulat ako kasi when I was that young, I did …

Read More »

Bimby, crush na crush si Julia

BINATA na nga ang bunsong anak ni Kris Aquino, si Bimby. Hindi kasi nito ikinaila na crush niya si Julia Barretto. Ani Bimby, crush niya ang dalaga na katrabaho ng kanyang ina sa pelikulang I Love You, Hater ng Star Cinemadahil mabait ito. Bukod sa close rin si Julia sa ina nitong si Marjorie Barretto tulad niya sa kanyang inang si Kris, gandang-ganda rin siya sa dalaga. …

Read More »

3 paslit na mag-uutol patay sa Pasig fire

PATAY ang tatlong bata makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Pasig City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Princess Joy Navidas, 7; John Andrew Navidas, 4, at BJ Navidas, 2, residente sa San Isidro St., Centennial 2, Nagpayong 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, umalis sa kanilang bahay ang ina …

Read More »
gun dead

Kelot utas sa boga

PATAY ang isang lala­king namamahinga na ngunit tinawag ng mga katropa sa isang inoman makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Raymar Aquino, 30-anyos, resi­den­te sa Zapote St., Brgy. 141, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Calo­ocan police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel, …

Read More »

2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur

RAGAY, Camarines Sur – Binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Philippine Army nang makasagupa ang hinihi­nalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, sunod-sunod na putok ang nari­nig ng mga residente ng barangay nang magka­sagupa ang pinanini­walaang mga miyembro ng NPA at …

Read More »

Kasambahay, driver sabit sa pagpatay sa among doktora

NASA kustodiya na ng Las Piñas City Police ang kasam­ba­hay at driver na uma­min sa kanilang par­tisipasyon sa pag­pas­lang sa amo nilang dean ng isang medical school nitong naka­lipas na Biyernes. Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na ang live-in partners na sina Juvy Bandoy Acero, alyas Tata, 43, at Dindo Engcoy Legano, 39-anyos. Naunang inaresto ng pulisya si Acero …

Read More »

1,000 SK bets hindi agad ipoproklama (Kapag nanalo sa eleksiyon)

KAPAG nanalo, ang proklamasyon ng 1,000 youth candidates ay isususpende ng Commis­sion on Elections maka­raan makom­pirmang nilabag ang anti-dynasty provision ng Sangguniang Kabataan elections o lumagpas sa age require­ment para sa SK officers Sinabi ni Comelec acting chairperson Al Parreño, 4,000 hanggang 5,000 katulad na kaso ang under review baga­ma’t tapos na ang 2018 Barangay and Sanggu­niang Kabataan elections (BSKE) …

Read More »

Vote-buying beberipikahin

INILINAW ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kaha­pon, hindi maikokon­siderang “massive” ang vote-buying sa barangay at SK elections hangga’t hindi ito nabeberipika ng mga awtoridad. “Kaya ‘massive’ ang reports kasi one party will report vote-buying then the other party will also report vote-buying, kaya we have to verify it,” pahayag ni Albayalde sa press conference sa …

Read More »