Wednesday , December 17 2025

Classic Layout

blind item woman

Female star-TV host, nahihilig sa bagets

MAYROON din palang isang male star na naging bahagi ng isang youth oriented program na sikat noong araw na na-pick up din ng isang female star-TV host na mahilig sa mga bagets. Mukhang iyon na ang kanyang nakahiligan simula noong wala na ring manligaw sa kanya matapos na mahiwalay siya sa rati niyang asawa. Mahilig siya ngayon sa mga bagets …

Read More »

Tribute concert para kay Rico J. Puno, sa Nov. 23 na

SA November 23 mapapanood sa The Theater at Solaire ang Music and Laughter, tribute concert para kay Rico J. Puno. Tampok sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez. Guest singer naman sina Dr. Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Nanette Inventor, at Eric Morales. Gaganap sa stage bilang Rico ang anak niyang si Tosca Puno. Nagpapasalamat sa mga sumuportang kaibigan ng yumaong ama …

Read More »

Tetay, galit sa magnanakaw

WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya sa pera. Sa wakas, natukoy na ang pagkakakilanlan ng taong ‘yon bilang si Nicko Falcis, na ipinuwesto ni Kris sa kanyang production company. Kaagad din namang to the rescue ang abogadong kapatid nito para itangging hindi ito sumibat sa bansa para …

Read More »

Paring nangmolestiya kay Bea Rose, dapat matukoy

PAANO kung hanggang ngayon ay nangmomolestya pa rin ng mga bata sa Masbate ang pari na ‘yon na nanglapastangan kay 2013 Miss International Bea Rose Santiago noong bata pa siya? ‘Yan ang dahilan kung bakit may mga mamamayan na nagsasabing kailangang ibunyag ni Bea ang pangalan ng pari na ‘yon, lalo pa’t sa pagsasalita n’ya sa kanyang Facebook post, matatanto na parang alam n’ya …

Read More »

‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?

ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna? Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy na iyan at ang magiging bida ulit ay si Angel Locsin. Maraming sinasabing naghahanda na si Angel, pero hindi natuloy dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang likod at kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Nagpa-opera naman si Angel sa …

Read More »

Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad

HINDI nakaligtas sa pamamansin ng mga tao ang isang post na ginawa ni Janno Gibbs sa kanyang social media account na sinasabi niyang “September pa ako pumirma ng contract sa Star Music, naalala ko lang. Baka sila hindi na nila ako naaalala.” Pero pagkatapos niyon, inalis din naman niya ang nasabing post. Siguro may nagsabi sa kanyang alisin iyon at …

Read More »

Toni Gonzaga, umamin na

NOW it can be told, hindi maididirehe si Toni Gonzaga ng kanyang asawang direktor na si Paul Soriano. Inamin ito mismo ng aktres sa Tonight With Boy Abunda na it’s not a bed of roses ang kanilang relasyon bilang mag-asawa dahil may panahong hindi sila nagkaka-sundo. Puwede silang mag-produce ng pelikula pero never maididirehe si Toni ng asawa. “Paano naman kasi, iniiwasan ko na baka ‘yung ‘away’ namin …

Read More »
Lito Lapid Angel Aquino Tony Labrusca

Sigaw ng mga suki ng Ang Probinsyano: Lito at Angel, lagyan ng halikan

BLAME it sa mainit na eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa digital film na Glorious na nagpakita sila ng matinding laplapan. Heto na ngayon ang twist ng istorya, sumisigaw ang mga suki ng Ang Probinsyano na lagyan ng love angel sina Lito Lapid at Angel Aquino na tiyak makadaragdag sa tindi ng mga eksenang napapanod sa serye. Halata naman sa karakter ni Lito na may gusto kay Angel. STARNEWS …

Read More »

Manager ng Clique V na si Len Carillo, desmayado kay Rocky Rivero

HINDI itinanggi ng manager ng Clique V na si Ms. Len Carillo ang pagkadesmaya  kay Rocky Rivero. Si Rocky ang dating miyembro ng all male group na Clique V na inalis na dahil sa pagiging pasaway nito. “Na-hurt ako, na-hurt ako. Kahit sinong tao mahe-hurt, ‘di ba,” sambit ni Ms. Len. Dagdag niya, “Dumating ako sa point na na-disappoint ako, normal …

Read More »

Junar Labrador, mapapanood sa trilogy movie sa episode na Gun Raid

MULING mapapanood sa pelikula si Junar Labrador, this time sa isang trilogy. Ito’y mula sa Trilogy Films, a VNS Pro­duction Presentation na sinulat at pinamahalaan ni Vic Tiro. Kuwento ni Junar, “Ito’y tatlong kuwento sa isang one full length film. First episode ay ‘yung Gun Raid an action-drama starring Jonan Aguilar, Vanessa Jane Rubio, Arkin Raymund Da Silva, at ako. …

Read More »