Thursday , December 18 2025

Classic Layout

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, Leyte, ay binaril habang nakikipagpulong sa mga pinuno sa Barangay Tinag-an sa bayan ng Albuera Huwebes dakong alas-4:30 ng hapon, Abril 10. Ayon sa pulisya, naghihintay si Espinosa ng kanyang pagkakataon na magsalita nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman na nagtatago sa ceiling ng …

Read More »
Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkakamit ng mga layunin ng tanggapan, aktibong isinusulong ng Pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) na si Abgd. Julius Victor Degala ang internal recognition program na ipinagdiriwang ang kanilang pagganap at dedikasyon sa serbisyo publiko. “We are proud to recognize the …

Read More »
PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulation Commission (PRC), na itinatakda sa Setyembre ngayong taon ang pagpapatupad ng mga specialized licensure examinations batay sa mga teacher education programs. Para kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang matiyak na sinasalamin ng proseso ng licensure ang …

Read More »
Chiz Escudero Imee Marcos

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crimes Ambassador Markus Lacanilao.                Hindi lang desmayado kundi mapanganib, ayon sa Senadora, ang pagpapabayang makalaya si Lacanilao. Nauna rito, si Lacanilao ay pinatawan ng cited for contempt sa ginaganap …

Read More »
Vince Dizon DOTr

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas na paglalakbay ngayong panahon ng Semana Santa. Sa isang pulong balitaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sinabi ni Dizon na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang tumataas na demand ng pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong holiday …

Read More »
Dead body, feet

Bangkay ng scavenger natagpuan sa hukay ng DPWH sa Pasay City

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa isang hukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bahagi ng flood control project sa kanto ng Andrews Avenue at Domestic Road sa Pasay City kamakalawa. Positibong kinilala ang biktima na si Dante Alvarez y Villamor, 50 anyos, kilalang scavenger ngunit walang permanenteng address. Batay sa inisyal na impormasyon, habang …

Read More »
Arrest Posas Handcuff

Manyakis na helper swak sa selda

SA KULUNGAN bumagsak ng isang  manyakis na may kinahaharap na kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Bilang kautusan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na hulihun ang mga akusado na kabilang sa listahan ng ‘top 10 most wanted persons’ ay agad na ipinag-utos ang paghuli sa 28-anyos helper na sinamapahan ng …

Read More »
Sa P28-M drug bust sa Parañaque Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

Sa P28-M drug bust sa Parañaque
Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

NAPATAY ang sinabing high value drug suspect sa pakikipag-enkuwentro sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit apat na tauhan ng ahensiya ang sugatan sa buybust operation  na inilunsad sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City Miyerkoles ng gabi, 9 Abril. Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, 9 Abril, ikinasa ng Operating Unit ng PDEA …

Read More »
Antonella Berthe Racasa

Racasa kampeon sa Battle of the Calendrical Savants Tournament

NAPASAKAMAY ni Woman National Master at Arena FIDE Master Antonella Berthe Racasa sa mismong Araw ng Kagitingan, 9 Abril ang titulo bilang kampeon ng 1st Battle of the Calendrical Savants Tournament na ginanap sa Eurotel Vivaldi Tower sa Cubao, Quezon City. Dinomina ni Racasa ang eight-man field upang makuha niya ang titulo sa three-rounder contest na sinubok ang kakahayan ng …

Read More »
Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker (OFW) na biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa. Hina-harass, binabastos ng kanilang amo at kalahi. Masyadong minamaliit ang mga Pinoy – kung mamalasin pa nga, ginagahasa at pinapatay lalo na ang mga kababaihan. Ang masaklap pa nga, madalas na nangyayari ay nababaligtad ang lahat kapag …

Read More »