Tuesday , December 16 2025

Classic Layout

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli ang kanilang content partnership. Nag-ugat ito sa umano’y hindi pagbabayad ng ABS-CBN ng revenue share na P1-B kapalit ng pagpapalabas ng ilang Kapamilya shows sa TV5. Ang mga programang ito ay ang FPJ’s Batang Quiapo, The Iron Heart, Dirty Linen, Everybody Sing, at ASAP Natin ‘To. Dahil sa …

Read More »
Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan (CPIMP) sa Bulacan, inilabas ni Gob. Daniel Fernando ang Executive Order No. 22, series of 2025, na nagbibigay ng direktiba sa pagbuo ng Provincial Infrastructure Coordinating Council (PICC). Binigyang-diin ng gobernador ang kritikal na pakikiisa ng lahat ng lokal na pamahalaan, mula barangay hanggang mga …

Read More »
Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, responsableng pamumuno, at mabuting pamamahala, kinilala ang Bulacan bilang SubayBAYANI Award Exemplar for 2025 sa ginanap na prestihiyosong pagpaparangal kamakailan sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila. Kinikilala ng SubayBAYANI Awards ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang naghahatid ng konkretong resulta at magandang …

Read More »
Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre. Batay sa ulat ng mga hepe ng pulisya ng San Jose Del Monte, Hagonoy, Pulilan, Meycauayan, Malolos, at Bocaue C/MPS, nagsagawa ng magkakahiwalay na drug bust operations ang kani-kanilang Station Drug Enforcement …

Read More »
Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang 450 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3,060,000 ang nakumpiska sa matagumpay na buybust operation na isinagawa ng mga awtoridad nitong Huwebes ng hapon, 4 Disyembre, sa Brgy. Caypombo, bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat ni P/Lt. Col. …

Read More »
Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik ng unutilized PhilHealth funds sa National Treasury, maraming detalye ang hindi naunawaan ng publiko. Kaya mahalagang ilatag ang malinaw na konteksto. Ang pagsauli ng pondo ay hindi eksklusibo sa PhilHealth. Ito ay mandato sa lahat ng GOCCs, kabilang ang PDIC. Ang layunin ay simple: alisin …

Read More »
DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice supply chain sa Siapo Elementary School sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro — na nagpapakita na ang paglago at makabuluhang pag-unlad ay maaaring maging reyalidad kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang komunidad ay nagkaisa. Ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU)  sa pagitan ng National …

Read More »
Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC Branch 265 at nagpiyansa para sa mga kasong graft kaugnay ng kontrobersiyal na POGO hub sa kanyang bayan. Nagsumite si Capil ng cash bond na P630,000, kaya binawi ng korte ang utos nang pag-aresto na may petsang 27 Nobyembre at ang inilabas na warrant of …

Read More »
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na droga, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre. Ayon kay P/Lt. Col. Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo CPS, naganap ang insidente kahapon ng umaga sa Purok 5, Zone 8, Brgy. Cupang, sa nabanggit na lungsod. Aniya, inalok ng biktima ang …

Read More »
Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio Lizares, lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 2 Disyembre. Ayon kay P/Maj. Rhazl Jim Jocson, deputy chief ng Talisay CPS, tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 anyos ang biktimang hubad baro at nakasuot ng pulang short pants. Ani Jocson, nakita ng may-ari …

Read More »