Saturday , December 6 2025

Blog Layout

6-anyos pamangkin ‘kinalkal’ saka inutusan mangalakal ng stepbro ni mom (Pinagparausan na pinaghanapbuhay pa)

ISANG 6-anyos batang babae ang nakaranas ng pang-aabuso sa stepbrother ng kanyang ina nang sekswal na abusuhin nang paulit-ulit saka pinagpulot ng mga plastic na kalakal para kanilang ipangkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Aries Lozano, 32, ng Valdez Compound, Brgy. Paso de Blas, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 habang nasa detention …

Read More »

Hustisya sa Maguindanao massacre victims malabo pa rin (Pagkatapos ng apat na taon)

PATULOY ang panawagan ng mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na sana’y bigyan sila ng pag-asa para sa hustisya ngayong apat na taon na mula nang mangyari ang malagim na krimen. Ayon kay Mary Grace Morales, secretary general ng Justice Now Movement, desperado sila na makamit ang hustisya para sa kanilang mga kaanak na walang awang pinatay noong …

Read More »

Halos 5,000 na, Yolanda death toll sa Region 8

TACLOBAN CITY – Umaabot na sa 4,927 katao ang naiulat na namatay sa nangyaring pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Region 8. Ito’y batay sa inilabas na report kahapon ng Office of Civil Defense (OCD-8) mula sa Ormoc City, Tacloban City, Baybay City at Borongan City. Kasama rin sa naturang bilang ang casualties na nagmula sa lalawigan ng Leyte, Western …

Read More »

Mel Tiangco Kapuso Foundation namimili ng donasyon?

AYAW nating tawaran ang KREDIBILIDAD ni Madam Mel Tiangco (pasintabi po) kung charity work ang pag-uusapan. Ilang panahon din naman nating nakita kung paano niya ipinakita sa MADLA ang kanyang KAPUSO charities … Nadesmaya lang tayo nang marinig natin sa kanya na itigil na raw ang pagpapadala ng mga damit at tubig para sa mga kababayan nating sinalanta ng super …

Read More »

Lalong sasambahin ng mambabatas si P-Noy

DAHIL wala nang pork barrel ang mga mambabatas, matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang kanilang inimbentong priority development assistance fund (PDAF), tiyak na lalong sasambahin ng mga mambabatas si Pangulong Noynoy Aquino. Bakit? Kasi si P-Noy nalang ngayon ang may pork barrel. Opo! Daan daang bilyon ang pork ng ating Pangulo, ang kanyang President’s Special …

Read More »

Senator Enrile, ‘guru’ ng P10-B pork barrel scam, destabilization

Si SEN. JUAN PONCE-ENRILE ang itinuturong utak sa panggagahasa sa kaban ng bayan, partikular ng P10-B pork barrel scam sa Senado at mga destabilisasyon. Matapos ang mahigit apat na dekada sa gobyerno, walang mag-aakala na ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang magtutuldok sa bisyo ni Enrile na lustayin ang pera ni Juan dela Cruz. “The repetitious but unwarranted …

Read More »

P7-M halaga ng bigas, donation ng Port of Cebu sa Yolanda victims

MULING pinatunayan ng Port of Cebu, Bureau of Customs ang malasakit sa mga kababayang nangangailangan nang MAG-DONATE kahapon ng P7-milyon halaga ng nasamsam na bigas para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda. Sa memorandum na may petsang Nov. 21, 2013, inatasan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang bagong district collector ng Port of Cebu na si retired B/Gen. Roberto …

Read More »

Kongreso laban sa konstitusyon

NAGDESISYON na ang Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang “Pork Barrel” na tinatawag ng Kongreso na “Priority Development Assistance Fund.” Ang resulta ng botohan ng mga mahistrado ay 14 – 0 sa pagsasabing illegal ang nabanggit na pondo maliban sa isang nag-abstain. Samakatuwid, matagal na palang lumalabag sa Saligang Batas ang mga mambabatas. At idagdag pa natin na …

Read More »

Annual Star sa Feng Shui

SA feng shui, ang terminong annual star ay ginagamit para sa annual movement ng mga enerhiya alinsunod sa classical feng shui school na tinatawag na flying stars (Xuan Kong). Ito ay paraan ng pagtunton sa good at bad feng shui energies (stars) kada bagong taon. Mayroong 9 feng shui annual stars, five beneficial (1 Water, 4 Wood, 6 Metal, 8 …

Read More »

Nepomuceno new BoC-EG Dep Comm (Dating DND-OCD director)

SA PATULOY na paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa smugglers sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagreporma sa ahensya. Itinalaga ni Pangulong Aqunio si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement …

Read More »