Friday , November 15 2024

Blog Layout

Unang titulo sa UAAP masarap — Sauler

SA UNA niyang taon bilang head coach ng De La Salle University, sinuwerte kaagad si Marco Januz “Juno” Sauler dahil nagkampeon agad ang Green Archers sa UAAP Season 76. Hindi binigo ni Sauler ang kanyang dating pamantasan nang dinala niya ang kanyang tropa sa makasaysayang 71-69 na panalo sa overtime kalaban ang University of Santo Tomas sa do-or-die na laro …

Read More »

San Beda vs Arellano

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan) 4 pm – EAC vs. Mapua 6 pm – San Beda vs. Arellano PIPILITIN ng Emilio Aguinaldo College at Arellano University na mapanatiling buhay ang pag-asang makarating sa F inal Four ng 89th National Collegiate Athletic Association NCAA) men’s basketball tournament sa pamamagitan ng pagkuha ng panalo kontra magkahiwalay na kalaban mamaya sa …

Read More »

Buwenas si Sauler

PARANG itinadhana ngang talaga na makakakumpleto ng ‘Cinderella finish’ si Juno Sauler sa 76th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Noong Sabado ay naihatid ni Sauler sa kameonato ang dela Salle Green Archers sa pamamagitan ng 71-69 overtime na panalo kontra sa University of Santo Tomas Growling Tigers. Actually, naunahan ng Growling  Tigers ang Green Archers nang …

Read More »

Tellmamailbelate, susubaybayan

May susubaybayan na naman tayo na bagong mananakbo mga klasmeyts at iyan ay walang iba kundi ang kabayo na si Tellmamailbelate na nagwagi sa kanyang maiden race nung isang araw sa pista Metro Turf . Sa largahan pa lang parang sinibat na siya at lumayo agad ng may limang kabayong agwat kahit pa nakapirmis lamang ng husto ang kanyang sakay …

Read More »

Insentibo para sa maliliit na horse owners

Philracom Incentive race sa non-placer, hahataw upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na kumita lalo na ang maliliit na horse owners at mapalaganap ang papremyo ng Philippine Racing Commission (Philracom)sa  isang pakarera nakatakdang ilunsad para sa mga hindi nagpapanalong mananakbong  kabayo. Biyayang maituturing para sa NON-Placer na mananakbo ang nakatakdang Philracom Incentive race para sa 2 at 3 year …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Mainam ang sandaling ito sa pag-aksyon.  Perpekto para rito ang iyong enerhiya. Taurus  (May 13-June 21) Kailangan mong iwasan ang tuksong mag-invest ng malaking halaga sa isang tao. Pag-isipan itong mabuti. Gemini  (June 21-July 20) Kailangan mong kumilos at direktang humakbang. Hinihintay ka nilang mauna sa pag-aksyon. Cancer  (July 20-Aug. 10) Minsan, kailangan mo munang tulungan …

Read More »

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 39)

UMUWING LASING NA NAMAN SI MANG PILO NA LABIS NA IKINAGALIT NI ALING OSANG “Tumatanda kang paurong,” simangot ni Aling Osang sa mister na naupong pasandal sa dingding ng barung-barong.  “Buti ‘ala tayong anak. Kung me anak tayo, pa’ano na? Konting kita, ipinang-iinom pa.” Tinakpan ni Mang Pilo ng palad ang magkabilang tainga upang hindi makulili ang pandinig sa pagbubusa …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »

1.6-M INC members dadagsa sa ‘Lingap’ (Trapiko tiyak apektado)

TINATAYANG may 1.6 milyong miyembro ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang inaasahang dadagsa sa gaganaping malawakang medical and dental missions na pangungunahan ng FYM (Felix Y. Manalo) Foundation ngayong araw sa lungsod ng Maynila. Sa kabila ng ginawang kautusan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga concerned local authorities partikular na ang Manila Police District upang mapanatili ang kaayusan …

Read More »

‘Alternatibong merkado’ solusyon sa OFWs ban sa Hong Kong

MAY nakahanda nang alternative  markets  ang gobyerno para sa overseas Filipino workers (OFWs) na posibleng maapektohan sa isinusulong na ban sa Hong Kong. Tiniyak ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, hindi pababayaan ng gobyerno ang mga kababayan sakaling maaprubahan ang kontrobersyal na panukala ng isang political party sa nasabing bansa. Una na rin umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa …

Read More »