Saturday , April 27 2024

MMK, pinakapinanonood na weekend TV program!

ni  Pilar Mateo

NANGUNA  ang Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN sa listahan ng pinakapinanonood na weekend TV program sa buong bansa sa nakuhang 30.4% national TV rating ng Tutong episode na pinagbidahan ng award-winning child actor na si Bugoy Cariño.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Mayo 3), ang MMK episode na  nagtampok sa kuwento ni Jose (Bugoy) na siyang naging batang magulang sa kanyang pitong kapatid na lumamang ng 11 puntos kompara sa nakuhang 19.1% ng katapat nitong programa sa GMA na Magpakailanman.

Samantala, martir na asawa at ina ang gagampanang karakter ni Carmina Villaroel ngayong Sabado (Mayo 10) sa Mother’s Day special ng MMK. At paano nga ba iispelengin ang pagtataksil?

Halos perpekto na ang pamilya ni Dina (Carmina) hanggang nagkalamat ang relasyon nila ng asawang si Carlo (Bernard Palanca) dahil sa pagtataksil nito at pagkakaroon ng dalawang anak sa kanyang kinakasama. Sa labis na pagmamahal, hindi nagawang kasuklaman ni Dina ang mister at tinanggap pa rin ito sa kabila ng ilang taong paghihiwalay.

Paano umabot sa sitwasyong si Dina na ang tumatayong nanay sa mga anak ni Carlo sa ibang babae? Hanggang saan kayang magtiis ng isang asawa at ina para sa kanyang pamilya?

Kasama rin sa MMK sa Sabado sina Yam Comcepcion, Paul Salas, Miguel Vergara, Carlo Lacana, John Vincent Servilla, Louise Abuel, Jhiz Deocareza, Ces Quezada, Boboy Garovillo, at Sonjia Calit. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Raz dela Torre, panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Juvien Galano.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,  MMK, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

MUKHA NI MARIAN, PABORITONG HAPLUSIN NI DINGDONG

IN a playful mood ang bagong endorser ng mga bagong procedures ni Dra. Vicki Belo sa launching nito as the endorser of laser hair removal and venus freeze ng beauty guru.

Tinanong ito kung anong parte ng katawan niya ang paborito ng kasintahang si Dingdong Dantes.

“My butt! Sabi niya kasi, bihira sa mga babaeng sobrang laki ‘yung kurba ‘yung may butt.”

Ang paborito nitong haplusin?

“Siyempre, ang face ko. Kaya nga sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tuwing ‘pag gising ko sa umaga at pagharap ko sa salamin pasalamat na lang ako nang pasalamat!”

That night may event na idaraos sa Art Space ng Ayala Museum na ie-exhibit ang mga painting ni Heart Evangelista. Nabalita na pinadalhan siya nito ng imbitasyon.

“Ha? Mayroon bang ganon. Allergic na ako sa mga ganyang tanong!”

Naaliw kami kay Marian dahil nakaalis na si Dra. Belo at anak nitong si Kristalle, ikot parin siya ng ikot sa kanyang mga tarpauline at pose nang pose at walang katapusan ang pagse-selfie. At inasikaso rin niya ang mga nanalo sa online promo ng Belo in line with her launch!

HEART PAINTINGS, SOLD OUT

SO, ang tinanong kay Heart Evangelista sa kanyang art exhibit na I Am Love Marie ay kung totoo bang pinadalhan niya ng invitation si Heart to grace her opening.

“I did! Through Dingdong (Dantes). But I would understand kung hindi sila makarating. We all know naman ang schedule ng trabaho namin.”

Samantala, ang may pakana ng lahat na kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero eh, hindi umaagaw sa limelight na naka-focus kay Heart.

“Okay na ako sa tabi-tabi. Marami na ang nagagalit at umaaway sa akin. Tonight is her night. Ang favorite kong painting niya is ‘yung ‘Three Sisters’ pero naunahan na ‘ata ako at may nakabili na!”

Ilang oras pa lang kasi ang lumilipas, sold out na ang 19 paintings ng dalaga.

And take note, anim na piraso umano ang binili ng Quezon City Mayor na si Herbert Bautista! Saan o kaninong walls ng bahay kaya nito isasabit?

Sabi ni Heart, three years old pa lang siya. May passion na talaga siya sa pagguhit. Marami na nga raw sana ito pero natupok nang magkasunog sa bahay nila sa Carmona years back kaya nauwi sa abo ang lahat.”

Ang pinakamahal na painting ay umabot ng P300K at ang pinakamura ay P60K.

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *