Friday , November 15 2024

Blog Layout

Pagdagdag ng koponan prayoridad ni Segismundo

NANGAKO ang bagong tserman ng Philippine Basketball Association board of governors na si Ramon Segismundo na pangungunahan niya ang planong expansion ng liga. Mula pa noong 2000 ay sampu ang mga koponan ng PBA dahil may ilang mga kompanya ang nawala at nabili ng ibang mga prangkisa tulad ng Globalport na nakuha ang prangkisa ng Coca-Cola habang nakuha ng Meralco …

Read More »

Almazan MVP ng NCAA

HALOS inaamoy na ni Raymond Almazan ng Letran ang pagiging MVP ng National Collegiate Athletic Association para sa Season 89. Ayon sa mga nakahawak ng statistics ng liga, milya-milya ang layo ng 6-7 na si Almazan mula sa mga humahabol sa kanya para sa parangal. Naga-average ngayon si Almazan ng halos 16 puntos, 12 rebounds at dalawang supalpal bawat laro …

Read More »

Miranda itinapon ng Petron

INAYOS kahapon ng Petron Blaze at Globalport ang isang trade habang ginaganap ang planning session ng PBA board of governors sa Sydney, Australia. Sa ilalim ng trade, ililipat ng Blaze Boosters si Denok Miranda sa Batang Pier kapalit ni Chris Ross. Naunang nakuha ng Globalport si Ross mula sa Meralco kasama si Chris Timberlake kapalit naman nina Gary David at …

Read More »

Kaso ni Koga iniimbestigahan na ng NCAA

NAGSIMULA nang mag-imbestiga ang National Collegiate Athletic Association sa kaso ng point guard ng San Beda College na si Ryusei Koga na umano’y naglaro sa isang ligang pambarangay kamakailan. Sinabi ng tserman ng Management Committee ng NCAA na si Dax Castellano ng punong abala ng College of St. Benilde na magkakaroon ng desisyon tungkol sa bagay na ito ngayong araw. …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Mapakikinabangan ng iyong personal and professional relationships ang enerhiya ngayon. Taurus  (May 13-June 21) Ang mahabang biyahe patungo sa malayong lugar ang maaaring pangunahing nasa isip mo ngayon. Gemini  (June 21-July 20) Mauubos ang iyong oras sa pagtuon sa kalagayan ng iyong pananalapi. Cancer  (July 20-Aug. 10) Ang business o romantic partner ay maaaring dumating na …

Read More »

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 56)

MALUNGKOT NA NAGPAALAM  SINA MARIO AT DELIA KAY ALING PATRING  NA TUMAYO NILANG IKALAWANG INA Tumango ang kanyang asawa at ipinakita ang maliit na supot na telang nakasabit sa leeg nito. “Meron na tayong pang pasahe sa barko,” ani Delia nang ipahawak sa kanya ang salaping napagbilhan nito sa kanilang mga gamit at kasangkapang-bahay. “Mula rito, diretso tayo ng Maynila …

Read More »

Peping, POC, PSC officials kinasuhan sa pekeng NSAs

KINASUHAN ni Sen. Antonio Trillanes IV ng malversation sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay ng inilaan na pondo sa mga bogus na National Sports Associations (NSAs). Kinompirma ni Trillanes ang kanyang paghahain ng kaso sa kasagsagan ng pagdinig ng Senate sub-finance committee sa pondo ng PSC para …

Read More »

Napoles ‘nilayasan’ ni Kapunan (Natakot sa death threats)

NAGBITIW na si Atty. Lorna Kapunan bilang legal counsel ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa pork barrel scam. Ayon kay Kapunan, pangunahing dahilan ng kanyang pagbibitiw sa legal team ni Napoles ay dahil sa natatanggap niyang death threat. Nagsimula aniya ang pagbabanta sa kanyang buhay nang madawit ang pangalan ng negosyante sa pork barrel scam. Inamin ng abogado na …

Read More »

DAP muling ipinagtanggol ni PNoy (Sa 10-minutong mini-SONA)

“Hindi kami nagnakaw, at hindi kami magnanakaw; kami ang umuusig sa magnanakaw.” Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang sampung minutong President’s Address to theNation  kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III bilang buwelta sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanyang administrasyon bunsod ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Tinukoy ni Pangulong Aquino ang mga sangkot sa pork barrel scam, …

Read More »

Paslit bawal sa sementeryo

BINAWALAN ng Manila police ang mga magulang na dadalaw sa puntod ng mga yumao nilang mahal sa buhay na huwag nang bitbitin ang kanilang mga paslit na anak sa Undas. Paalala ni Chief Inspector Claire Cudal, tagapagsalita ng Manila Police District (MPD), dahil na rin sa taunang problema sa pagkawala ng mga paslit na dala ng mga magulang sa Manila …

Read More »