Thursday , November 14 2024

Blog Layout

P15-M cash for work para sa typhoon victims

NAGLAAN ng P15 milyong inisyal na pondo ang Department of Labor and Employment (DoLE) para sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyong Yolanda. Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakakasa na ang cash for work program ng DoLE sa mga lugar na matinding napinsala ng bagyo. Ang nasabing pondo ay laan para sa emergency employment na cash-for-work, ngunit kailangang …

Read More »

Akusadong mister nag-suicide sa justice hall (Suspek sa pagpatay ng sariling misis)

BABASAHAN na sana ng sakdal sa prosecutors office ang isang 44-anyos mister, na nahaharap sa kasong pagpatay sa sariling asawa  nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng Hall of Justice na  sa Las Piñas City, kahapon. Kinilala ni Las Piñas police  chief  Sr/Supt.  Adolfo Samala, Jr., ang biktimang si Siegfred Cabunoc, ng Blk 11-A, Lot 7 Onyx St., Pilar Village …

Read More »

Lolo patay nang iwan ng ‘Daisy’ sa motel

Pinaghahanap  ngayon ng pulisya ang isang ‘daisy’ na kasama ng isang negosyante na natagpuang patay sa loob ng isang motel sa Pasig City kahapon ng hapon. Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Mario Rariza ang biktimang si Ricardo Guillermo Hipolito Graza, 61, may asawa, negosyante, residente ng #29 Sta. Catalina St., Doña Juana, Brgy. Holy Spirit, Quezon …

Read More »

Babae, 100+ bahay naabo sa Kyusi

ISANG babae ang namatay at dalawa pa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa mahigit 100 bahay sa Baesa, Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni  Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, ang biktimang si Angelita Omedes, 57, na pinaniniwalaan sa kanilang bahay nagsimula ang sunog dakong 12:58 ng umaga. Ayon kay Fernandez , inamin ng  pamilya  Omedes …

Read More »

Sinto-sinto patay sa tarak (Abswelto sa asunto)

HINIHINALANG paghihiganti ang motibo sa pagpaslang ng hindi pa kilalang suspek sa 34-anyos lalaki na may kapansanan sa pag-iisip habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Ito ang hinala ng pamilya ng biktimang si Rosendo Dionio, Jr., residente sa Blk 79, Lot 26, 12th  & 21st Street, Brgy. Villamor, sa motibo ng pamamaslang …

Read More »

ASG member huli sa Zambo (Suspek sa Jehovah’s witnesses kidnapping)

ZAMBOANGA CITY – Isang wanted kidnapper na sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), ang naaresto sa Brgy. Tictapul sa Zamboanga City. Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay kinilalang si Ustadz Nijal Pajiran alyas Abdurahman at Abu Kudama. Nadakip ang suspek ng magkasanib na pwersa ng iba’t ibang unit ng Philippine National Police at militar kasama ang mga tauhan …

Read More »

Nigerian nilimas ng holdaper

ISANG 24-anyos Nigerian national ang hinoldap sa isang pampasaherong jeep ng dalawang armadong lalaki sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Nakulimbat sa biktimang si Chibuzor Maduforo, 24, ng 20 Sesame St., Amado Tapuc, Dagupan, Pangasinan, ang kanyang cell phone na nagkakahalaga ng P5,000, US$1,800 at Alien Student Card. Sa reklamo ng biktima sa pulisya, dalawa pang pasahero ng jeepney …

Read More »

Mason dedo sa koryente

  PATAY ang isang 49-anyos mason nang mahawakan ang isang live wire habang nagtatrabaho  sa ginagawang gusali sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mariano Tamidles, may-asawa, empleyado ng ITP Construction Corporation, residente ng 44 Sampaguita St., Happy Land, Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District …

Read More »

Nag-swimming nangisay sa pool

NALAPNOS ang katawan ng isang lalaki nang matapakan ang live wire matapos umahon sa swimming pool sa isang resort sa Binalonan, Pangasinan. Patay agad ang biktimang si Jestoni Dela Cruz, 23, ng Zone 1, Brgy. Bued, ng nabanggit na bayan. Nabatid na naliligo ang biktima at sa pag-ahon ay hindi namalayan ang live wire kaya natapakan ito. Depensa ng pamunuan …

Read More »

Cebu Pacific itinangging empleyado ang 3 tirador sa talamak na pilferage sa airport (Attn: MIASCOR)

MATAPOS po nating dalawang beses na ilabas ang TALAMAK na kaso ng pilferage sa Cebu Pacific, agad pong nakipag-ugnayan sa isa nating kaibigan ang nasabing kompanya. Agad daw po nilang ipina-CHECK ang tatlong tirador na sina CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO. ‘Yang tatlo pong ‘yan ay binansagan na ‘MATITINIK’ sa ‘ceasarian operation.’ Ang STYLE nga raw ng mga …

Read More »