Tuesday , July 23 2024

Pacquiao-Marquez 5 ‘di pa done deal

SINABI ni Bob Arum nung isang araw na naka-program na sa November  sa Macau ang posibleng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, pero hindi pa ito matatawag na done-deal.

Pag-uusapan pa ang nasabing laban sa pagtatapos ng June ayon kay Arum.

Sinabi ni Arum sa press conference ng Featherweight Fury sa Venetian’s CotaiArena na si Marquez ang nasa itaas ng listahan ni Pacquiao para sa susunod nitong laban.

Pero ayon sa organizers ng CotaiArena, kailangang palitan ni Arum ang iminumungkahing petsa dahil may concert sa November 8 sa nasabing venue si Celine Dion.   At maging ang November 15 na gusto ng promoter ng top Rank ay naka-booked na rin sa laban ng UFC pay-per-view.

Nakatakdang magkita sina Marquez at Arum sa New York sa susunod na Sabado sa  magiging laban nina Miguel Cotto at Sergio Martinez sa Madison Square Garden .   At aalamin niya dito kung interesado pa ito sa ikalimang paghaharap nila ni Pacquiao.

“Marquez is coming to New York for the fight so at that point I will be able to talk with him and see what his plans are,” paniniguro ni  Arum.

Si Marquez ay presko pa sa panalo nito kay American Mike Alvarado noong nakaraang buwan at atubili ito ngayon na harapin si Pacquiao sa ikalimang pagkakataon.

Ang rekord ni Pacquiao kay Marquez ay 2-1-1.

About hataw tabloid

Check Also

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

PBA draft 2024 Justine Baltazar

Justin Baltazar, no.1 pick sa PBA Season 49 Draft

PINILI ng Converge Fiberxers team si Justine Baltazar, 27 anyos, 6-foot-9 UAAP Champion noong 2016, …

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang …

Tristan Jared Cervero Chess

Cervero naghari sa Marikina chess tournament

Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *