Friday , November 1 2024

Blog Layout

Records ng hulidap cops target ng NAPOLCOM

HINAHALUKAY na ng National Police Commission ang records ng mga pulis na sangkot sa EDSA hulidap noong Setyembre 1 sa Wack-Wack, Mandaluyong City. Binigyan ng isang linggo ni DILG Secretary Mar Roxas ang Napolcom para ibigay sa kanya ang records ng nasabing mga pulis. Ayon kay Napolcom director Eduardo Escueta, hindi lamang ang records ng mga pulis na sangkot sa …

Read More »

PNoy hihirit ng special powers vs power crisis

HIHILINGIN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang isang joint resolution sa Kongreso na magbibigay sa kanya ng special powers para maresolba ang power crisis sa 2015. Una rito, inirekomenda ni Department of Energy (DoE) Sec. Jericho Petilla ang emergency powers para kay Pangulong Aquino dahil sa minimum power deficiency na 300 megawatts sa susunod na taon. Sinabi ni …

Read More »

Tax evasion vs Jeane Napoles (Utos ng DoJ)

INIUTOS ng Department of Justice ang pagsampa ng kasong tax evasion laban sa anak ni Janet Lim Napoles na si Jean Napoles. Ayon sa DoJ, may probable cause para kasuhan si Jeane Napoles. Batay sa ulat ng Bureau of Internal Revenue na naghain ng kaso sa DoJ, nabigo ang batang Napoles na magbayad ng buwis na umaabot sa P32 million. …

Read More »

Bebot pinatay itinapon nang walang saplot

WALANG saplot na pang-ibaba ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi. Tanging bra lamang ang suot nang matagpuan ang biktimang hindi nakikilala at tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcon, dakong 8:40 p.m. nang matagpuan ang bangkay sa PRA, Baseco Compound, Port Area, Manila. …

Read More »

Misis kinatay ni mister saka nagpakamatay

BINAWIAN ng buhay ang isang 48-anyos na ginang makaraan pagsasaksakin ng mister niyang seloso na nagpakamatay rin makaraan ang insidente sa Brgy. Osmeña, Dangcagan, Bukidnon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Lolita Paler, asawa ng suspek na si Teburcio, 52-anyos. Ang biktima ay tinamaan ng mga sakask sa ulo at dibdib. Makaraan paslangin ang misis, nagpakamatay si Teburcio sa pamamagitan ng …

Read More »

Tanod tinaniman ng bala sa ulo

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang  barangay tanod makaraan barilin sa ulo ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center ang biktimang kinilalang si Amos Ilagan, 53, ng 7 Villa Maria St., Brgy. 3, Sangandaan ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

2 dalagita, ni-rape ibinugaw ng kagawad

ARESTADO ang isang 53-anyos barangay kagawad makaraan ireklamo ng panggagahasa at pagbugaw sa dalawang menor de edad sa Sta. Cruz, Maynila at Pasay City. Nakapiit sa Manila Police District-Women  and Children Protection Unit (MPD-WCPS) ang suspek na si Arturo Garcia, taxi driver, kagawad ng Brgy. 373, Zone 37, 3rd District ng Maynila, at residente ng 2517 Karapatan St., Sta. Cruz, …

Read More »

Skilled workers kailangan sa mega job fair

NANAWAGAN si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa mga residente na sumali sa magkasunod na Mega Job Fair na gaganapin kung saan prayoridad ang mga skilled workers sa mahigit sa isandaang kompanyang kalahok. Ayon kay Malapitan, pagkakataon na ito ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga may karanasan sa manufacturing, health care, direct company at recruitment agency na …

Read More »

Paraiso ng Batang Maynila binaboy ng madayang perya-sugalan!?

DATI ang Paraiso ng Batang Maynila d’yan sa Adriatico St., sa Maynila (malapit sa Manila Zoo) ay malayang napaglalaruan ng mga batang residente sa area ng San Andres at Leveriza at kahit na ‘yung mga batang ipinapasyal ng kanilang mga magulang sa Manila Zoo. Pero kamakailan lang, napadaan tayo sa area na ‘yan. Nagulat tayo nang makita nating puro kubol …

Read More »

DILG Sec. Mar Roxas linisin mo muna ang sariling bakuran

KAMAKALAWA, nagtalumpati at nagsermon si Secretary Mar Roxas sa mga pulis sa pamamagitan ng kanyang ipinatawag na press conference. ‘Yan ay dahil sa sunod-sunod na bulilyaso at kapalpakan ng PNP sa iba’t ibang lugar na talaga namang nakasisira ng kanilang imahe at reputasyon. Pero parang kabalintunaan (ironic) naman ang mga sinasabi ni Sec. Mar Roxas … Alam po ba ninyo …

Read More »