Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

MPD official kinuyog ng Divisoria vendors (Napuno na ang salop?)

  NABALITAAN natin na hindi maganda ang naging karanasan at nanganib ang buhay ni Manila Police District BC DPSB chief S/Supt. Marcelino Pedrozo, Jr., sa Divisoria vendors. Naglunsad umano ng clearing operations ang grupo ni Kernel Pedrozo sa Divisoria area, pero nang pakialaman at tangkang sisirain o kokompiskahn ang mga paninda nila, nagalit ang mga vendor at kinuyog umao ang …

Read More »

Dalagita nabaril ng tatay, patay (Napagkamalang aswang)

KORONADAL CITY – Patay na nang idating sa ospital ang isang dalagitang nabaril ng sariling ama makaraan napagkamalang aswang sa bayan ng Tantangan, South Cotabato kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Carmelita “Nanette” Sandigan, 16, residente ng Purok Malipayon, New Iloilo, Tantangan. Ayon kay Brgy. Kapitan Ben Sandigan ng Brgy. Sampao, Lutayan, Sultan Kudarat, tiyuhin ng biktima, dakong 1 a.m. …

Read More »

US, PH nag-uusap sa bagong security deal

HABANG mainit ang umiiral na tensiyon sa West Philippine Sea, nagsimula nang mag-usap ang Filipinas at Estados Unidos para sa seguridad sa pinag-aagawang teritoryo. Habang nasa Honolulu, Hawaii, sinabi ni Defense Sec. Voltaire Gazmin, pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa ang General Security of Military Information Agreement (GSOMIA). Ang binabalangkas na kasunduan ay naglalayong lalo pang paigtingin ang daloy ng komunikasyon …

Read More »

Mga kidnaper protektado ng MILF?

PINOPROTEKTAHAN umano ng damuhong rebeldeng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga kidnaper, ayon sa ina ng isang estudyanteng dinukot sa Cubao, Quezon City may dalawang taon na ang nakalilipas. Sa isang ulat ay ibinunyag ni Norhata Dimakuta na kinidnap daw ang kanyang anak na si Muhamad, isang B.S. Architecture student, sa kanto ng P. Tuazon at Cubao …

Read More »

Suweldo ng airport employees sa NAIA laging delay…bakeet!?

MARAMI po tayong natatanggap na tawag, text and private messages na nagrereklamo dahil halos apat na buwan nang laging delay ang release ng suweldo ng mga airport employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noon kasi, 3 days  before the payday, nasa ATM na nila ang kanilang mga suweldo. Pero iba raw po ngayon. Late daw lagi ngayon …

Read More »

Hibang

ANG talumpati kamakailan ng ating espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa Marikina Elementary School na tiniyak niya na magiging “First World” ang ating bansa kung itutuloy lamang ng susunod na administrasyon ang kanyang “Tuwid na Daan” ang patunay na hindi nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa. Dangan kasi ang mga sinasabi ni BS. Aquino ay walang batayan …

Read More »

Ika-2 anibersaryo ng K-12 sinabayan ng protesta

SINALUBONG ng kilos protesta ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang national summit ng Department of Education (DepEd) sa Pasay kaugnay ng ikalawang anibersaryo ng K-12 Law.  Bitbit ang kanilang mga karatula, nagprograma ang grupo sa harap ng anti-riot police na maagang pumuwesto sa gate ng Philippine International Convention Center (PICC). Giit ni ACT national chairperson Benjamin Valbuena, imbes  gastusan …

Read More »

El Niño iiral hanggang 2016 (Mainit na panahon magpapatuloy)

MAS iinit pa ang panahon sa susunod na mga araw dahil sa pagtindi ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.  Batay sa pagtataya ng PAGASA, pinakamalakas ang El Niño sa Agosto 2015 at tatagal hanggang Marso 2016.  Gayonman, inaasahang bahagya na itong hihina pagsapit ng Enero 2016.  Nagbabala ang PAGASA na posibleng pito pang probinsiya ang maapektohan ng ‘drought’ habang …

Read More »

Penitensiya ng MRT, LRT riders

LALONG tumatagal ay lalong nagiging kahabag-habag ang sitwasyon ng mga pasahero ng MRT at LRT.  Ito ay sa kabila nang pagpataw ng dagdag-singil sa pasahe magkakalahating taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon ay wala pa rin naki-kita at nadaramang pagbabago ang mga pasaherong araw-araw na lang ay na-kikipagbalyahan, pumipila nang mahigit kalahating oras para lang makasakay sa sobrang bagal na …

Read More »

It’s Joke Time

Isang araw sa isang fastfood chain… Crew: Good morning sir ano pong order niyo? Lalaki: 1 large burger chaka isang large softdrink. Crew: Dito n’yo po ba kakainin sir? Lalaki: Uhm, pwedeng sa table na lang? Nakakahiya kasi kung dito may nakapila pa sa likuran? Crew: Sa table ho? Ayaw n’yo po bang sa plato para ‘di baboy tingnan?

Read More »