Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Jay-R, balik-recording na

ISANG maayos ang hitsurang nag-guest ang singer-actor na si Jay-R Siaboc sa Cristy Ferminute noong Martes, kasama ang kanyang live-in partner na si Tricia at kanilang three year-old na anak na si Haley. Kamakailan ay naiulat na boluntaryong sumuko si Jay-R sa mga alagad ng pulisya sa Toledo City, Cebu kabilang ang mahigit 500 pang mga umano’y drug user at …

Read More »

Ano nga ba ang mahalaga kay Bea, career o love?

FOR the first time, magtatambal sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa pelikulang How To Be Yours sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas under Star Cinema. Ito’y romantic-drama na nakasentro kina Anj (Bea) at Nino (Gerald) na parehong may mga pangarap sa buhay. Sa takbo ng istorya, kailangang mamili sila kung career o love ang magiging priority nila sa …

Read More »

Angeline, may follow-up movie na agad

Sa kabilang banda, hindi naman nakasama si Mother Lily sa nakaraang meeting nina Ms. Roselle Monteverde-Teo at direk Manny Valera kaya hindi niya nakita si Piolo na balitang kinakikiligan ng lady producer. Kasama sa meeting sina Piolo, direk Joyce Bernal, at Erickson Raymundo na pawang producer ng Spring Films at ang direktor ng pelikula na si Santos. Binanggit ding may …

Read More »

Piolo, gagawa ng pelikula sa Regal

Piolo Pascual

ANG saya-saya ni Mother Lily Monteverde sa nakaraang presscon ng That Thing Called Tanga Na dahil positibo ang reaksiyon ng entertainment press ng mapanood ang trailer ng pelikulang ipalalabas na sa Agosto 10. Kumita kasi ang mga pelikulang ipinrodyus niya kamakailan kaya panay ang pasalamat niya sa mga tulong na ibinibigay sa mga pelikula niya tulad nitong huli na I …

Read More »

Vico Sotto, nagpaalam kina Vic at Coney para ligawan si Maine

TRULILI kaya na nagpaalam si Vico Sotto, anak ni Vic Sotto kay Coney Reyes na liligawan nito si Maine Mendoza at balitang pinayagan naman daw ng TV host/actor. Nakatsikahan namin kamakailan ang aming source na kaya sobrang asikaso ni Vico si Maine kapag nasa remote ang Eat Bulaga sa Barangay na nasasakupan nito sa Pasig City at dahil nga gusto …

Read More »

Pagkatapos ng FOI bilang EO… Ceasefire sa CPP-NPA idineklara (3 anak bawat pamilya isusulong nang todo)

NAGDEKLARA si  Pangulong Rodrigo Duterte ng unilateral ceasefire sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Inihayag ito ni Duterte bago ang joint session ng Kongreso sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). “I am announcing a unilateral ceasefire with the CPP-NPA-NDF effective immediately,” aniya. Dagdag niya, “I expect and call on our fellow Filipinos …

Read More »

Federalismo kapag naitatag Duterte sibat agad

NAGPAHAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte nang kahandaang bumaba sa puwesto kapag naipasa ang federal at parliamentary form of government sa pamamagitan ng constitutional amendments sa kanyang ikaapat o ikalimang taon sa posisyon. Aniya, dapat mayroong pangulo na mamumuno sa parliamentary and federal government. Gayonman, sinabi niyang ang mamumuno ay dapat na hindi siya. “I can commit today to the Republic …

Read More »

Koko Senate president, Alvarez new House speaker

HINIRANG na bagong pangulo ng Senado si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, sa ginanap na botohan kahapon ng umaga kasabay ng pagbubukas ng 17th Congress. Nakalaban ni Pimentel sa Senate presidency si Sen. Ralph Recto. Nakakuha si Pimentel ng 20 boto habang 3 boto si Recto. Si Sen. Pimentel ang lider ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido …

Read More »

Militante nakalapit sa Batasan

SA unang pagkakataon, nakalapit ang ilang militanteng grupo para sa kauna-unahang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Quezon City Police District, mismong ang pangulo ang nag-utos sa kanila na hayaang makalapit ang mga militante sa Batasang Pambansa. Pasado 8:00 am nang makalampas ang grupong militante sa Ever-Commonwealth mall habang si Bayan secretary-general Renato “Nato” …

Read More »

Mayor Sara naospital (Hindi nakadalo sa SONA)

HINDI nakadalo si presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag ni Jefry M. Tupas, Davao City Information Officer, pagdating ni Sara sa Maynila kahapon ng umaga ay nagtungo siya sa St. Luke’s Hospital para sa medical check-up ngunit hindi na …

Read More »