Friday , December 5 2025

Blog Layout

Paaralan sa Iloilo tinupok ng apoy

Fire

TINUPOK ng apoy at matinding napinsala ang Alimodian National Comprehensive High School, sa bayan ng Alimodian, lalawigan ng Iloilo, nitong Lunes, 2 Hunyo. Sa paunang ulat ng Department of Education (DepEd), natupok ng sunog na nagsimula dakong 3:45 ng madaling araw kahapon ang limang silid aralan, ang kantina, klinika, band room, supply room, TLE office, at MAPEH office. Ayon sa …

Read More »

Wanted sa kasong murder MWP ng Calabarzon arestado

Arrest Posas Handcuff

DINAKIP ang isang lalaking nakatalang most wanted person sa regional level sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng 1st Laguna PMFC at PIU nitong Linggo, 1 Hunyo, sa bayan ng Alaminos, lalawigan ng Laguna. Sa ulat kay Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang suspek na si alyas Ruel, residente sa Los Baños, Laguna. Sa …

Read More »

Lalaki, aso nakoryente habang natutulog, patay

Dead Electricity

PATAY ang isang 28-anyos lalaki at kaniyang aso nang makoryente habang natutulog habang tumataas ang baha dahil sa high tide at inabot ang kanilang extension cord sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 31 Mayo. Kinilala ng Hagonoy MPS ng biktimang si Gene Darel Aguilar, residente sa Bgry. San Isidro, sa naturang bayan. Ayon sa ina ng biktima, …

Read More »

Sanggol lumabas sa tiyan
BUNTIS NA NURSE PATAYSA BUNDOL NG MVP, NILIGIS PA NG SEDAN 

Dead Road Accident

MALUPIT na kamatayan ang sinapit ng isang 36-anyos nurse na 6-buwan nang nagdadalantao nang mabundol ng isang multi-purpose vehicle (MPV) at maligis ng isang sedan sa Purok Proper North, Brgy. Taloc, lungsod ng Bago, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo ng gabi, 1 Hunyo.          Sa insidenteng ito, hindi pa maipaliwanag ng mga awtoridad kung paanong lumabas sa tiyan ng …

Read More »

AWOL na BuCor officer inaresto ng NBI

AWOL na BuCor officer inaresto ng NBI

ARESTADO ang pangatlo sa limang suspek sa pagdukot at pagpatay sa mag-ina sa Quezon City noong nakalipas na taon, pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI). Iniharap sa pulong-balitaan na pinangunahan ni NBI Director Jaime Bagtas Santiago ang suspek na isang absent without leave (AWOL) jail officer ng Bureau of Corrections (BuCor), ang siyang lumalabas na nakipagsabwatan sa mga kasamahang …

Read More »

‘Empleyadong’ 39 aliens sa major telco sa BGC, arestado sa Immigration

BGC Makati Taguig

ARESTADO ang39 aliens o mga dayuhan na nagtatrabaho sa isang major telecommunications company sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, ngunit lumalabag sa Immigration Laws ng Filipinas ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI). Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na estriktong ipatupad ang immigration laws sa bansa. Sa ulat …

Read More »

Tag-ulan idineklara ng PAGASA

rain ulan

OPISYAL na inihayagng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa. “Na-meet na ‘yung criteria kaya officially declared na ang rainy season,” pahayag ni Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA. Sa latest weather analysis at rainfall data mula sa selected DOST-PAGASA stations, ang malawakang kalat-kalat na pag-ulan na naobserbahan …

Read More »

Gerald iginiit sila pa rin ni Julia: she’s very mapagmahal

Gerald Anderson Julia Barretto Toni Gonzaga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARIING itinanggi ni Gerald Anderson na naghiwalay na sila ng girlfriend na si Julia Barretto. Ang paglilinaw ay isinagawa ni Gerald sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa online show nitong Toni Talks. Sa show ay napag-usapan ang estado ng relasyon nila ni Julia. Napag-uusapan kasi na break na ang celebrity couple matapos mapansin ng mga netizen na hindi na nagpo-post …

Read More »

MMDA, LTO nagbabala sa mga motoristang  ‘takip-plaka’ vs NCAP

Gabriel Go Atty Don Artes MMDA LTO NCAP

MAHIGIT sa 50 drivers ang posibleng humarap sa mga kasong kriminal dahil sa pagtatakip ng kanilang mga plaka upang huwag mahagip ng mga CCTV camera ng Non-Contact Apprehension Policy (NCAP).   “Sa loob ng isang linggo mula nang ipatupad ang NCAP, 90% ng mga nahuli ay may takip ang kanilang plaka, at kadalasang mga motorsiklo,” ayon kay Gabriel Go ng …

Read More »

Base sa hawak na ebidensiya at mga testigo
De Lima tiwalang guilty si VP Sara para mahatulan

Sara Duterte Leila De Lima Mison

BUO ang paniniwala ni dating Senador at ML Partylist congressman-elect Leila De Lima na base sa kanilang mga ebidensiya ay guilty at mahahatulan si Vice President Sara Duterte ukol sa isinampa nilang impeachment complaint laban dito. Ayon kay De Lima sa kanyang pagdalo sa media forum na The Agenda, sa Greenhills, San Juan City, malakas ang ebedensiya at testimonya ng …

Read More »