Wednesday , December 17 2025

Balikbayan agrabyado sa trafik

Sa kabila ng malaking ambag ng overseas Filipino workers (OFWs) sa ekonomiya ng bansa, “hindi makatarungang buhol-buhol na trapik ang isasalubong natin sa mga umuuwing manggagawang Pinoy mula sa ibang bansa,” ayon sa mga kasapi ng The RED Advocates, isang kilusang nagsusulong ng respeto at disiplina sa mga lansangan ng bansa. Hinikayat ni RED Advocates President Brian Galagnara, sa isang …

Read More »

PNoy hinamon ng naulilang anak ni Talumpa (Hustisya sa magulang)

MATAPOS ihatid sa huling hantungan si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, ang alkaldeng pinaslang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Biyernes, may binitiwang hamon ang anak niyang si Rayamm kay Pangulong PNoy . Ngayong ulila  na sa mga magulang sina Rayamm Talumpa, mariin niyang hinamon ang Punong Ehekutibo na mabigyan ng hustisya ang marahas na …

Read More »

Power rate hike tuloy pa rin – ERC

AMINADO ang Energy Regulatory Commission (ERC) na “pampalubag-loob” lamang sa power consumers ang pagpapaliban nito sa nakaambang power rate hike para sa buwan ng Enero ng susunod na taon. Sa panayam kay ERC commissioner Josefina Patricia Magpale-Asirit, kinompirma ng opisyal na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng Manila Electric Co. (Meralco) sa naunang staggered billing scheme para sa babawiing P3.44 …

Read More »

2013 Miss International Bea Rose Santiago nasa bansa na

Nakabalik na sa bansa ang Miss International 2013 Bea Rose Santiago. Dakong 10:30 Sabado ng gabi, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan ng 23-anyos na beauty queen mula Japan. Matatandaang sa Japan kinoronahan si Santiago at naging ikalimang Pinay na nakasungkit ng titulo matapos ang kanyang talumpati tungkol sa pagtulong sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda. …

Read More »

PH 7th place sa SEA Games

Nagtapos sa ika-pitong pwesto ang Filipinas sa 27th Southeast Asian Games matapos makakuha ng kabuang 101 medalya, 29 gold, 34 silver at 37 bronze. Huling nakasungkit ng ginto sina Kristopher Uy at Kristie Alora sa Taekwondo at Preciosa Ocaya sa Muay Thai. Tinalo ni Uy si Quang Duc Dinh ng Vietnam sa 87kg finals habang sa women’s 73kg wagi si …

Read More »

Erap bumisita kay CGMA

BUMISITA kahapon si  dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Erap Estrada kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Quezon City Dakong 2:55 ng hapon dumating sa VMMC ang convoy ni Estrada para dalawin si Arroyo na naka-hospital arrest dahi sa kasong pandarambong. Sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, ikinatutuwa ng pamilya Arroyo …

Read More »

Kelot nanampal ng waitress (Toma at pulutan pinatungan?)

SA halip na magbayad nang nainom at napulutan, sampal ang inabot ng isang waitress matapos nitong singilin ang isang naglasing na kelot kahapon ng madaling araw sa Caloocan City Kasong Estafa, Alarm and Scandal at Physical Injury ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si Rubiano Fausto, 37-anyos, ng Visayas Avenue, Quezon City habang nakapiit sa detention  cell ng Caloocan City …

Read More »

Rehab effort ng gobyerno sa Zambo tatasahin ng Pangulo

NASA s’yudad ng Zamboanga si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang i-assess ang rehabilitation effort ng gobyerno, matapos ang tatlong buwan insidente na standoff ng pwersa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF). Sa pagdating ng Pa-ngulo sa siyudad, agad siyang nakipagpulong sa kanyang cabinet secretaries at ilang mga lokal na opisyal kabilang si Mayor Beng Climaco para hingan …

Read More »

Sariling bahay sinunog ng bangag na bebot

BUTUAN CITY – Pinaniniwalaang lasing at lulong sa bawal na gamot ang isang babae sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, nang sunugin ang sarili nilang pamamahay. Ayon kay PO3 Ferdinand Aguilar ng Cabadbaran City-Philippine National Police, nasa P50,000 ang danyos sa naabong bahay ni Cecilia Betonio Hanio, residente ng Purok 1, Brgy. Antonio Luna, Cabadbaran City, matapos itong silaban ng …

Read More »

Villar pinangunahan ang mangrove-planting activity sa LPPCHEA

PINANGUNAHAN ni Senadora  Cynthia Villar ang mangrove-planting activity na ginanap sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA). “Ako ay natutuwa dahil kasama ko kayo sa pa-ngangalaga ng mahalagang habitat area na ito. Dapat natin ipagmalaki ang LPPCHEA dahil ito ang hu-ling natitirang beach at mangrove area sa Metro Manila,”  ani Villar sa harap ng mahigit 300 katao na …

Read More »

54 sugatan sa S. Leyte road mishap

SASAMPAHAN ng mga awtoridad ng patong-patong na kaso ang driver ng Clemente bus matapos masangkot sa aksidente na ikinasugat ng 54 pasahero. Sa ulat mula sa Pintuyan, Southern Leyte police office, nangyari ang aksidente sa bulubundu-king bahagi ng Brgy. So-n-ok sa nasabing bayan. Sinasabing nagkaroon ng problema sa preno ang bus na may plate number na HVN 370 kaya sumalpok …

Read More »

80 pamilya sa North Cotabato itinaboy ng enkwentro

KORONADAL CITY – Umabot sa 80 pamilya ang lumikas dahil sa nangya-ring enkwentro ng dalawang grupo mula sa 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Rajah Buayan, Maguindanao. Ayon kay Rajah Bua-yan Mayor Zamzamin Ampatuan, nag-ugat ang kaguluhan sa isang kaso ng pamamaslang sa ka-tabing bayan ng Mamasapano sa naturang probinsya. Nananiwala naman ang opisyal na paghihiganti …

Read More »

Magdiwang nang may kabuluhan ngayong Pasko

MUKHANG bago matapos ang 2013 ‘e isang malaking eskandalo pa ang sasabog … Ito naman ay personal na palagay lang natin, dahil sa mga nakikita at nababasa natin sa social network at sa mga pahayagang malalaki. Naniniwala ako na mayroong ilang ‘UTAK’ at ‘PWERSA’ na nagtutulak sa mga pangyayaring ‘yan. Kung sino sila, sisikapin nating ‘ABUTIN’ sa mga susunod na …

Read More »

Pasay Chief of Police napalitan na naman!

IBA na naman pala ang CHIEF OF POLICE ng Pasay City ngayon. Si Supt. Florencio Ortilla na ang napili umano ng Office of the Mayor. Mabilis lang pala ang naging tour of duty ni Supt. Mitchel Filart … hindi man lang uminit ang kanyang puwet sa kinauupuan. Hmmmnnn … bakit kaya? Ansabe … ganyan daw sila sa PASAY. Kapag hindi …

Read More »

Rene Okampo x-pulis Maynila at Toto Lakson berdugo ng 1602 sa Pasay at SPD!

MALAPIT na raw SUMUKO ang ilang bagong BANGKA ng 1602 sa PASAY CITY. Kauumpisa pa lang umano ng bagong Bangka ‘e bigla nang nangawala ang kanyang mga KABO. Agad daw nasulot ni alias TOTO LAKSON at R.R. a.k.a. RENE OKAMPO dating lespu sa Maynila. Bukod d’yan, lagi pang hinuhuli ng mga taga-NCRPO-RPIOU ng Bicutan ang ibang player ng 1602. Habang  …

Read More »