Tuesday , December 16 2025

Diesel P41.60; Unleaded P47.15; Prem. P47.55 sa Tarlac, ba’t ‘di ubra sa MM?

HANGGANG ngayon, hindi lamang mga operator/driver ng mga pampublikong sasakyan ang umiiyak sa presyo ng mga produktong petrolyo. Matagal nang dumaraing ang lahat kabilang na ang mga pribadong sasakyan, kaya hayun may isang grupo ng PUJ ang nais magpatupad ng fare increase kahit na hindi pa inaprubahan ng LRFTB. Ipinatupad na yata nila ito kahapon pero, may mga grupo ng …

Read More »

Krimen sa Caloocan lumalala

MASYADO yatang nagiging pabaya sa kanilang mga tungkulin ang pamunuan ng Caloocan City Police at ang Caloocan City government dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga opisyal ng barangay na ang may kinalaman ay pawang riding-in-tandem. Dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga opisyal ng barangay ay nangangamba ngayon ang mga residente sa posibilidad na lalo pang tumaas ang kriminalidad …

Read More »

185 CCTVs ikakabit sa Maynila

My salvation and my honor depend on God; he is my mighty rock, my refuge. —Psalm 62-7 ITO ang eksaktong bilang na mga Closed-Circuit Televisions (CCTVs) at nakatakdang ikabit sa mgastrategic areas sa Maynila, na may layuning ma-monitor ang trapiko, kriminalidad at iba pang kaganapan sa Lungsod. Ayos ‘yan mga kabarangay, magiging open windowna ang lahat ng sulok ng Maynila. …

Read More »

SEXtertainment strip at 1602 ng Las Piñas

KUNG ang Pasay at Parañaque ay may Roxas Boulevard na entertainment strip para sa mga babaeng naghuhubad at puwedeng i-”take home” na parang mga pagkaing ‘binalot,’ ipinagmamalaki (o dapat ikahiya) naman ng Las Piñas City ang Alabang-Zapote Road nito. Sa bahaging ‘yun ng lungsod ay naghilera ang 21 bar at spa (kuno). Ilan sa mga ito ang kunwaring KTVs pero …

Read More »

Honor pupil nalunod sa agos ng Labangan Channel

  NALUNOD ang 12-anyos batang babae na honor pupil nang tangayin ng agos sa Labangan Channel makaraan ang graduation ceremony sa kanilang paaralan sa Bulacan. Ang biktimang si Gianna Francesca Santos, 2nd honor pupil  ng Pinagtulayan Elementary School sa Brgy. San Isidro II, Paombong, Bulacan, ay nalunod nang tangayin nang malakas na agos ng tubig ng Labangan Channel, sa pagitan …

Read More »

PNoy bitin vs AFP report sa Cudia case

IBINALIK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay AFP chief Emmanuel Bautista ang initial report hinggil sa apela ni Cadet Jeff Aldrin Cudia. Sinabi ni Pangulong Aquino, hihintayin niya ang kompletong report sa loob ng isang linggo. Ayon kay Pangulong Aquino, may ilang puntos na wala sa investigation report ng AFP na nakita sa pag-interview kay Cudia at sa PMA …

Read More »

9 Martilyo Gang ‘nakatakas’ jaguar absuelto sa ‘negligence’ (Sa MOA incident)

SIYAM sa sampong nangholdap na hinihinalang grupo ng  Martilyo Gang ang ‘nakatakas’ sa naganap na holdap sa isang jewelry shop  sa Mall of Asia (MoA) sa Pasay City, kamakalawa ng gabi. Nakapiit na sa Pasay police detention ang nasakoteng  suspek na kinilalang si Bryan Bansawan alyas Mahdi L. Abedin, 23, na nahaharap sa mga kasong robbery, frustrated homicide, attempted homicide, …

Read More »

Int’l women’s group naalarma sa trato vs Andrea Rosal

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma si International Women’s Alliance Chairperson Liza L. Maza kaugnay sa pag-aresto sa siyam-buwan buntis na si Andrea Rosal nitong Marso 27 at sa ulat na pagkakait sa kanya ng access sa legal advice ilang oras makaraan siyang maaresto, na paglabag sa kanyang karapatan sa legal counsel at sa “UN Rules for the Treatment of Women Prisoners and …

Read More »

Koko atat na sa pork barrel scam report

NAIINIP na si Senador Koko Pimentel III sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa pork barrel scam. Naniniwala si Pimentel, panahon na para maglabas ng report si Senador Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, hinggil sa non-government organizations (NGOs) na konektado kay Janey Lim Napoles. Matatandaan, nang mabunyag ang pork barrel scam ay nakaka-siyam nang …

Read More »

Kontak na Pinoy ni Senator Yee pinangalanan na

KINILALA na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang Filipino national na sinasabing sangkot sa illegal arms deal ni California State Sen. Leland Yee sa Filipinas. Batay sa criminal complaint, tinukoy ang isang Dr. Wilson Sy Lim ng Daly City, sinasabing “associate” ni Yee sa mga transaksyon sa pagpupuslit ng armas. Batay sa rekord mula sa Dental Board of California, …

Read More »

Kapitan, ina pinatay sa Masbate (2 pa sugatan)

LEGAZPI CITY – Patay ang barangay kapitan at ang kanyang ina habang dalawang iba pa ang sugatan makaraan pagbabarilin sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa syudad ng Masbate. Kinilala ang mga namatay na si Barangay Kapitan Alan Marcos at ina niyang si Purita Marcos. Ayon sa inisyal na ulat, nabulabog sa magkakasunod na putok ng baril ang mga residente …

Read More »

Hirit ni Napoles vs DoJ ruling ibinasura ng CA

HINDI pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang inihaing petisyon ni Janet Lim Napoles na humihirit na ibasura ang naunang resolusyon ng Department of Justice (DoJ) na nagdidiin sa negosyante sa kasong serious illegal detention. Sa ipinalabas na desisyon ni Associate Justice Ramon Garcia, tinukoy ng appellate court na wala siyang nakitang matibay na kadahilanan para baliktarin ang desiyon ng …

Read More »

Jeepney drivers bantay-sarado ng LTFRB vs dagdag-pasahe

SA layuning ma-monitor ang mga jeepney driver at operator na magpupumilit na magpatupad ng dagdag-singil sa pasahe, nagpakalat ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng nakasibilyang mga tauhan sa mga lansangan. Sinabi ni LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera, kahit gaano man kaliit ay walang pahintulot ang ano mang fare increase. Isinagawa ng LTFRB ang pagkilos makaraan ang …

Read More »

4 bata sa DSWD sinaniban ng bad spirits

ILOILO CITY – Magsasagawa ng misa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Crisis Intervention Unit (CIU) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay makaraan ang ulat na sinaniban ng masasamang espiritu ang mga kabataan na sinaklolohan ng ahensya at pansamantalang nananatili sa CIU sa Brgy. San Pedro, Molo malapit sa regional office ng DSWD. …

Read More »

DoTC binatikos ng consumers

BINATIKOS ng isang consumer bloc ang Department of Transportation and Communications (DoTC) ukol sa pagpirma sa isang kasunduan sa pagitan ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit, at ng AF Consortium para sa ticketing system project na umano’y kabilang sa napakaraming iregularidad ukol sa bidding. Tila nauulit muli ang kasaysayan, ang mga opisyal ng DoTC at ilang opisyal ng …

Read More »