Saturday , December 20 2025

Tserman, 3 pa tiklo sa buy-bust

ILOILO CITY – Arestado ang punong barangay at tatlong iba pa sa buy-bust operation sa Dumangas, Iloilo kamakalawa Kinilala ang mga nahuli na sina Punong Brgy. Teofisto Gomez, 56, ng Brgy. Calao, Dumangas; Michael Libo ng Brgy. Cuartero, Jaro, Iloilo City; Mark Jason Diamante ng Brgy. Poblacion, Dumangas, at Judy Demafilis ng Brgy. Ilaya III, Dumangas. Ang mga suspek ay …

Read More »

Karibal sa tong tinarakan

PATAY ang isang lalaki nang tadtarin ng saksak ng kanyang karibal sa ‘tong’ sa padyak drivers sa tapat ng isang KTV bar sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot ang biktimang kinilalang  alyas Baho, 40-anyos, ng Brgy. North Bay Boulevard South sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Agad naaresto ang suspek na …

Read More »

Briton ninakawan ng syotang Pinay

INIREKLAMO  sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ng British national ang kanyang Pinay girlfriend nang tangayin ang kanyang mamahaling gamit at pera sa tinutuluyang hotel sa Maynila. Sa reklamo ni  Michael Stevenson Peter, 67, tubong England,  pansamantalang nanunuluyan sa Room 502 ng Orange Nest Hotel, 1814 San Marcelino St., Malate,  anim beses na siyang pinagnakawan ng girlfriend  na si …

Read More »

Fish trader hinoldap ng tandem

ISANG negosyante ang  natangayan ng pambili ng isda nang tutukan ng baril at agawin ang kanyang bag ng riding in tandem, sa Malabon City kamakalawa ng madaling araw. Hindi  nakapalag ang biktimang si Eva Arguelles, 47, fish trader, residente ng Gabriel Subdivision, Brgy. Hulong Duhat. Mabilis tumakas ang dalawang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo tangay ang bag na may …

Read More »

Pinay nurse nasa ICU sa MERS-CoV

POSITIBO ang asawa ng isang Filipina nurse sa Riyadh, Saudi Arabia na gagaling pa ang kanyang kabiyak na kina-quarantine sa pinagtatrabahuan na ospital dahil hinihinalang nahawa ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV. Sinabi ni alyas Toto ng Negros Occidental, sa kabila ng pagkakalagay ng kanyang misis sa Intensive Care Unit (ICU) at may tubo na inilagay sa baga …

Read More »

Ginang dedbol sa ratrat

DEDBOL ang isang ginang makaraang pagbabarilin sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Patay noon din sa harap ng isang sari-sari store ang biktimang si Aurora Ramos-Lumahan, 48-anyos, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 ba-ril sa ulo. Ayon sa isang Rolando Paraiso, may-ari ng tindahan, narinig niya nang kumatok ang biktima habang sila’y nano-nood ng TV sa loob …

Read More »

P1.5-M ari-arian naabo sa QC fire

Tinatayang nasa P1.5 milyon ari-arian ang naabo nang masunog ang isang lumang bahay sa Banawe St., Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Sa ulat, dakong 7:58 a.m. nag-umpisa ang sunog sa garahe ng dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Richard Tan. Sinabi ng nakasaksi, nakita ng caretaker na may narinig silang pumutok mula sa bahay. Ayon kay Sr. …

Read More »

Napoles list installment muna – Poe

PINAYUHAN ni Senadora Grace Poe si Justice Secretary Leila de Lima na gawing installment ang paglalabas ng lista-han ng mga sangkot sa pork barrel scam. Ipinaliwanag ni Poe na kung nangangamba si de Lima na madamay ang mga walang kasalanan ay unang ilabas ang pa-ngalan ng nga kompirmadong dawit sa scam. Nababahala si Poe na habang tumatagal ang paglabas ng …

Read More »

2 bus nagkarera sa tollway 1 todas, 40 sugatan

ISA ang patay habang 40 ang sugatan makaraan bumaliktad ang isang bus sa Star Tollway sa Malvar, Batangas kahapon ng hapon. Kinilala ang namatay na si Genora Sorat ng Makati City. Sinabi ni Malvar police Chief Insp. Gaudencio Aguilera, nawalan ng kontrol ang driver ng JAM Liner bus makaraan masagi ng DLTV bus. Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nag-kakarerahan ang …

Read More »

40 sibilyan hostage ng NPA sa ComVal

DAVAO CITY – Patuloy ang isinasagawang negosas-yon para sa agarang paglaya ng 40 sibilyan na hostage ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Mahayahay, bayan ng Maragusan sa Compostela Valley. Sinabi ni 10th Infantry Division spokesman Ernest Carolina, sinimulang i-hostage ang mga biktima 10 a.m. kamakalawa. Tinipon ang mga bihag ng mga armadong rebelde at hindi pa pinapakawalan. Ayon …

Read More »

“Recall petition” vs Bulacan governor tuloy!

TULOY ang pagrerebisa ng Commission of Elections sa “recall petition” matapos ma-lift nitong Biyernes ang inihaing temporary restraining order (TRO) na hiningi ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, walang jurisdiction  ang Regional Trial Court sa Comelec at irregular ang TRO na inilabas ni 2nd Vice Executive Judge Albert Fonancier. Matatandaang isinampa noong April 28, 2014 …

Read More »

Alex, makatagal kaya sa mga ipagagawa ni Kuya?

James Ty III MARAMI ang nagulat nang biglang inilagay si Alex Gonzaga sa Bahay ni Kuya bilang isa sa mga 18 housemates sa Pinoy Big Brother All In na inilunsad  kamakailan sa ABS-CBN. Tinaguriang “Sassy Sister ng Rizal” si Alex nang siya’y ipinasok sa Bahay ni Kuya nina John Prats at Robi Domingo at pati ang kapatid niyang si Toni …

Read More »

Michelle Gumabao, papasok sa showbiz pagkatapos ng PBB

James Ty III HINDI naman kami nagulat nang ipinasok ang sikat na volleyball player na si Michelle Gumabao sa Pinoy Big Brother All In bilang isa pang housemate. Sa tingin namin ay tuluyang iiwanan na ni Michelle ang pagiging volleyball player at papasok na siya sa showbiz dahil kahit sikat na ang volleyball, allowance lang ang bayad sa mga manlalaro …

Read More »

Dyesebel, rarampa na!

Maricris Valdez Nicasio MAKAPIGIL-HININGA at the same time exciting ang mga pangyayari  sa Dyesebel. Paano’y nakuha na ni Anne Curtis ang mahiwagang kabibe na magbibigay-daan sa kanya para magkaroon ng mga paa at makalakad. Natawa kami sa eksena kung paano nakuha ni Dyesebel ang mahiwagang kabibe. Ipinakita roon ni Anne ang mga natutuhan niya sa pag-aaral ng fin swimming. Naroon …

Read More »

Makabagbag-damdaming tagpo nina Coco at Cherry Pie, maka-panindig-balahibo

Maricris Valdez Nicasio NAKALULUNGKOT na ikinasal na si Isabelle (Kim Chiu) kay Franco (Jake Cuenca) noong Biyernes ng gabi. Samantalang bugbog sarado naman si Samuel (Coco Martin) dahil sa paghihiwalay sa kanila ng babaeng pinakamamahal niya at pagpigil sa kanilang pagpapakasal sana. Ramdam na ramdam tiyak ng mga sumusubaybay sa Ikaw Lamang ang lungkot at hinagpis ni Isabelle habang ikinakasal …

Read More »