Thursday , June 4 2026

Pinay nurse nasa ICU sa MERS-CoV

POSITIBO ang asawa ng isang Filipina nurse sa Riyadh, Saudi Arabia na gagaling pa ang kanyang kabiyak na kina-quarantine sa pinagtatrabahuan na ospital dahil hinihinalang nahawa ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV.

Sinabi ni alyas Toto ng Negros Occidental, sa kabila ng pagkakalagay ng kanyang misis sa Intensive Care Unit (ICU) at may tubo na inilagay sa baga ng kanyang asawa, malaki pa rin ang pag-asa niya na makare-recover pa dahil may isang Filipina nurse rin sa nasabing ospital ang nakabangon makaraan mahawa ng MERS-CoV.

Napag-alaman, may iba pang nurse sa nasa-bing pagamutan na kina-quarantine din dahil hinihinalang nahawa ng MERS-CoV at katulad ng misis ni alyas Toto, nakatalaga rin sila sa Emergency Room.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …