Fish trader hinoldap ng tandem

ISANG negosyante ang  natangayan ng pambili ng isda nang tutukan ng baril at agawin ang kanyang bag ng riding in tandem, sa Malabon City kamakalawa ng madaling araw.

Hindi  nakapalag ang biktimang si Eva Arguelles, 47, fish trader, residente ng Gabriel Subdivision, Brgy. Hulong Duhat.

Mabilis tumakas ang dalawang suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo tangay ang bag na may laman P20,000, mga papeles at dalawang cellphone. Sa ulat, dakong 5:10 a.m.  naghihintay ng taxi ang biktima  upang magtungo sa  pondohan nang dikitan ng motorsiklo sakay ang mga suspek sabay tutok ng baril at sapilitang inagaw ang dalang bag. (rommel sales)