Sunday , December 7 2025

Sharon, pinababalik na ni Ms. Charo (Aga, babalik din ng ABS-CBN)

DARAGDAGAN namin ang nasulat ng katotong Nonie Nicasio rito sa Hataw na babalik na ng ABS-CBN si Ms Sharon Cuneta base sa panayam niya kay KC Concepcion. Yes Ateng Maricris, si ABS-CBN President, Ms Charo Santos-Concio Raw ang nag-udyok kay Megastar na bumalik na sa nasabing network basta’t magbawas siya ng timbang. Sa burol daw ni Mommy Elaine Cuneta nag-usap …

Read More »

Luis Manzano ayaw makipag-plastikan kay Jennylyn Mercado (Di raw alam ang magiging reaksyon kapag nagkita sila ng ex na aktres)

KUNG si Jennylyn Mercado ay handa nang makipag-usap sa dating nobyong si Luis Manzano dahil gusto raw ng actress ng good vibes, si Luis nang mainterbiyu kamakailan ay nagsalita na. Hindi raw niya alam kung ano ang magiging reaction niya sakaling magkita o magkasalubong sila ni Jenn sa isang lugar? Siguro kaya nasabi iyon ng TV host actor kasi hindi …

Read More »

Mga Bagitong fans magpapalaganap ng pag-ibig ngayong Pebrero sa pamamagitan ng ABS-CBN Mobile

  Paborito mo bang panoorin ang Bagito ni Nash Aguas sa TV? Mas kikiligin ka pa ngayong buwan ng pag-ibig gamit ang popular ng ABS-CBN Mobile. Hindi lang mapapanood, ang live streaming ng Bagito kundi mababalikan pa ang mga past episode gamit ang Smart phones na may ABS-CBN mobile SIMS. Puwede na ngayong ipahiwatig ng mga subscriber ang kanilang pagmamahal …

Read More »

Monique Wilson, pangungunahan ang One Billion Rising revolution

IBANG klaseng rebolusyon ang pangungunahan ng actress/singer na si Monique Wilson na magaganap sa February 14. Ito ay bilang pakikiisa ng Pilipinas sa 207 bansa sa buong mundo na magsasayaw para sa global day of protest and celebration. Si Monique ang siyang global director ng One Billion Rising. Ang One Billion Rising ay isang uri ng revolution na naglalayong gumawa …

Read More »

Purisima sinisi ni Miriam (Kung ‘di ka nakisali, buhay pa sila)

“KUNG hindi ka siguro nakisali doon, baka buhay pa sila.” Tahasan itong sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa nagbitiw na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Alan Purisima sa ikatlong araw ng pagdinig sa Senado sa Mamasapano incident. Kaugnay ito ng pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa operasyon sa Mamasapano na inap-rubahan ni Purisima. …

Read More »

Illegal terminal sa Elliptical Road QC namamayagpag pa rin

MAGALING rin talaga magtago ng kailegalan ang isang alyas ULO diyan sa Quezon City Hall. Mantakin ninyong ilang metro lang ang distansiya sa city hall ng Elliptical Road ‘e naitatago pa kina Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Madam Joy Belmonte ang mga ilegal na terminal ng mga jeep?! Ang ipinagtataka natin, bakit hinahayaan ang mga ilegal na terminal sa bungad …

Read More »

Illegal terminal sa Elliptical Road QC namamayagpag pa rin

MAGALING rin talaga magtago ng kailegalan ang isang alyas ULO diyan sa Quezon City Hall. Mantakin ninyong ilang metro lang ang distansiya sa city hall ng Elliptical Road ‘e naitatago pa kina Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Madam Joy Belmonte ang mga ilegal na terminal ng mga jeep?! Ang ipinagtataka natin, bakit hinahayaan ang mga ilegal na terminal sa bungad …

Read More »

Bi-Intel agent naka-tongpats sa notorious korean gangster!?

Matapos natin i-expose ang katarantaduhan sa ating bansa ng isang notorious na Koreanong si PATRICK JUNG aka SHI-BAL, may natanggap tayong balita na nagyayabang pa raw ang nasabing Koreano at kailanman ay hindi raw siya kayang takutin sa pamamagitan ng diyaryo at maging ng immigration. Ipinagmamalaki raw ng ungas at mabantot na Koreano na wala raw siyang Immigration violation kaya …

Read More »

Napaiyak ang mga pulis kay OIC PNP Chief Espina

PINALAKPAKAN ng mga pulis at maging ng mga ­obsevers sa loob at labas ng session hall  ng House investigation sa Mamasapano “massacre” ang emosyonal na pagsalita ni Officer-in-Charge PNP Chief Leonardo Espina nitong Miyerkoles. Nagulat din ang lahat nang tumayo si ex-SAF Director Getulio Napenas mula sa kanyang puwesto at naglakad palapit kay Espina para yakapin ang lumuluhang opisyal. Tinapik-tapik …

Read More »

Bantang kudeta vs PNoy ibinunyag ni Sen. Miriam (Nagbantang arestohin!)

IBINUNYAG ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa pagdinig ng Senado sa kaugnay sa enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao, ang aniya’y nilulutong kudeta laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon sa senador, nakatanggap siya ng impormasyon na ang mga lider ng “alphabet soup acronym groups” ay nagpaplano na patalsikin ang pangulo sa puwesto. Ang nagpopondo aniya nito ay isang napakayamang tao na …

Read More »

PNoy, Binay at Erap magkakasabwat ba sa PAG-IBIG deal?

KAISA tayo sa nagha-hangad na malaman ang katotohanan sa likod ng brutal na pagpatay sa FALLEN 44. Nguni’t hindi dapat mabaon sa limot ang mga umalingasaw at mabubulgar pa lang na mga anomalya sa gob-yerno, gaya nang ginawa ng Senado kay Vice President Jejomar Binay. Huling isinalang sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee si president at CEO Darlene Berbe-rabe bunsod nang pagsisiyasat …

Read More »

Aiai – Richard romantic-comedy concert kanselado na!

ISA tayo sa mga nakahinga nang maluwag, nang mabalitaan natin na maging si Ms. AiAi (delas Alas) ay umatras na rin sa kanilang concert ni Richard Yap. Nang mabalitaan natin ang nasabing concert (Pebrero 12, 8pm, The Theater, Solaire Resort & Casino), binalak din natin manood. Bukod sa magaling na performer talaga si AiAi ‘e personal na rin naman natin …

Read More »

‘Peace at all cost’

LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan sa ating bayan subalit hindi ng katahimikang walang katarungan. Hindi tama ‘yung “peace at all cost” kung ang halaga nito ay katumbas ng buhay ng 44 na PNP-SAF na walang awang pinagpapatay. Mali ang kapayapaang hindi nakabatay sa katarungan. Mayroong ilan kasi na nagsusulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na walang inatupag kundi trabahuhin …

Read More »

Pag-etsapuwera kina Roxas at Espina, masyadong sablay — Lacson

Nilinaw ni dating Senador Panfilo Lacson na hindi totoong walang chain of command sa Philippine National Police at nilabag ito nina Pangulong Aquino at dating Chief PNP Alan Purisima nang ietsapuwera sina Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina sa pulong kaugnay sa operasyon sa Mamapasano, Maguindanao. Ani Lacson, kahit sibilyan …

Read More »

HDO inilabas vs Masbate ex-solon, 31 pa (Plunder sa pork barrel)

NAGPALABAS na ng hold departure order (HDO) ang fourth division ng Sandiganbayan laban kay dating Masbate Rep. Rizalina Seachon-Lañete. Si Lañete ay nahaharap sa kasong plunder at 11 counts ng kasong graft dahil sa pork barrel scam. Sa kaso ni Lañete, P112 million ng pork barrel niya ang involved na halaga at P108 million ang sinasabing kickback ng dating mambabatas. …

Read More »