Tuesday , December 16 2025

Kung may asthma o COPD, hindi dapat magsuot ng face mask sa loob ng mahabang oras

MAHIGPIT ang babala ng mga kinauukulan ngayong panahon ng pandemyang COVID-19 — kailangan palaging magsuot ng face mask lalo kung lalabas ng inyong mga tahanan. Mayroong ilan na madaling tinanggap ang pagsusuot ng face mask, ilan nga sa kanila ay tinanggap na itong bahagi ng bagong fashion. Pero paano ang mayroong chronic respiratory condition gaya ng asthma o Chronic obstructive …

Read More »

Maraming pasaway sa Pasay

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

KAMAKAILAN ay sumailalim sa total lockdown ang Primero de Mayo St., sa lungsod ng Pasay dahil napabalitang  may nagpositibo sa COVID-19, pero heto na naman… mga pasaway! Mismong mga vendor ang walang face mask! Kapag nagawi ka sa mga nagtitinda, partikular sa tindahan ng niyog hindi nakasuot ng face mask ang mga vendor! Ang titigas ng ulo! Majority ng nagtitinda …

Read More »

Lolo at lola prayoridad sa Montalban (Sa gitna ng pandemya)

Motalban Rodriguez Rizal

TINIYAK ni Montalban Mayor Tom Hernandez na prayoridad sa kaniyang programa ang mga senior citizen lalo ngayong may krisis na kinahaharap ang bansa dulot ng pan­demyang COVID-19 sa ilalim ng MSWD ng LGU. Aniya, ang mga senior citizen ay nakatatanggap ng monthly financial assistance sa ilalim ng MSWD-Senior Citizen Office, tulad ng pang­kabuhayan, medical at health support mula sa lokal …

Read More »

4 adik sa Mandaluyong timbog sa pot session (GCQ binalewala)

drugs pot session arrest

ARESTADO ang apat kataong huli sa aktong sumisinghot ng ilegal na droga sa isang pot session kahapon ng madaling araw, 14 Hunyo, sa lungsod ng Mandaluyong. Kinilala ng Mandaluyong PNP ang apat na nadakip na sina Carlos Roberto, 52 anyos; Reynald Circulado, 26 anyos; Roel Jingco, 53 anyos; at Irish Capapas, 43; pawang mga residente sa Coronado St., Barangay Hulo, …

Read More »

Face-to-face classes sa Maynila, ‘di aprub kay Isko

HINDI pahihintulutan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang “face-to-face” classes at mga pagsusulit sa paaralan o unibersidad sa lungsod batay sa patakaran na isinaad ng Inter Agency Task Force (IATF) at Commission on Higher Education (CHED) sa ilalim ng umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila. Sinabi ni Mayor Isko, ang naturang pahayag makaraang maka­tanggap ng mga …

Read More »

Balik-ECQ sa MM, fake news — DILG

COVID-19 lockdown

‘FAKE NEWS’ ang balitang kumakalat ngayon sa social media na muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila matapos ang 15 Hunyo. Ito ang paglilinaw ni Department of Interior and Local Governmwnt (DILG) Sec. Eduardo Año, na siyang vice chairperson ng National Task Force Against COVID-19, kasabay ng pagsasabing walang katotohanan ang ulat. Sa 15 Hunyo (ngayong arw) …

Read More »

Buwis sa online selling wrong timing — Gatchalian

“WRONG timing.” Ito ang tahasang reaksiyon ni Senador Win Gatchalian sa panukalang buwisan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang online selling businesses. Ayon kay Gatchalian maganda ang panu­kalang pagbubuwis ngunit hindi sana ngayong mayroong pandemya. Binigyang-linaw ni Gatchalian na kung kaya lumawak ang online business ay dahil sa pagnanais ng mga kaba­bayan nating magkaroon ng kita para mabuhay ang …

Read More »

Sen. Ping magmamartsa sasama sa protesta (Anti-Terrorism Law kapag inabuso)

KUNG mapanuri na siya noong tinatalakay pa lamang sa kanyang komite sa Senado, mas maigting na pagbabantay ang gagawin ni Senador Panfilo Lacson oras na maging batas na ang Anti-Terrorism Act of 2020. Tiniyak ito ni Lacson bilang tugon sa mga nagpapahayag ng pagkabahala at pag­katakot sa magiging uri ng pagpapatupad ng mga awtoridad oras na ganap nang maging batas ang …

Read More »

Anti-Terror bill naramdaman’ ng 2 negosyanteng Muslim — Hataman (Sa Araw ng Kalayaan)

npa arrest

MATINDING pangamba sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ang ipinahayag ni Deputy Speaker Mujiv Hataman matapos ares­to­hin ang dalawang nego­syanteng Muslim kahit walang arrest warrant. Ayon kay Hataman, ang Anti-terror Bill kapag naging batas ay madaling abusohin ng mga awtoridad. Kaugnay nito kinon­dena ng Basilan representative na si Hataman ang pag-aresto sa dalawang Muslim na negosyante sa San Andres, Maynila at …

Read More »

Mayor’s permit tinanggal ng BIR sa listahan ng documentary requirements

permit money BIR

MARAMING negosyante ang natuwa kahapon, matapos ihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pabibilisin nila ang registration process para sa mga negosyante sa pamamagitan ng pagtanggal sa Mayor’s Permit sa listahan ng mga rekesitos. Pinagtibay ito ni Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa inisyung Revenue Memorandum Circular 57-2020, na nagtapyas sa proseso saka nirebisa ang listahan ng documentary requirements …

Read More »

Mayor’s permit tinanggal ng BIR sa listahan ng documentary requirements

Bulabugin ni Jerry Yap

MARAMING negosyante ang natuwa kahapon, matapos ihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pabibilisin nila ang registration process para sa mga negosyante sa pamamagitan ng pagtanggal sa Mayor’s Permit sa listahan ng mga rekesitos. Pinagtibay ito ni Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa inisyung Revenue Memorandum Circular 57-2020, na nagtapyas sa proseso saka nirebisa ang listahan ng documentary requirements …

Read More »

Gambol ni Digong (Desisyon ngayon)

ITINUTURING ng Malacañang na ‘gamble’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilalahad na desisyon ngayon sa magiging kapalaran ng Metro Manila at Metro Cebu sa mga susunod na araw kasunod ng paglobo ng bilang ng mga nagposistibo sa coronovirus disease (COVID-19). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa pagpapasya ay hindi lamang ibinabatay ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency …

Read More »

Huling quarantine facility sa Maynila binuksan ni Isko

IPINASA na at ipinaubaya ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pinakahuling quarantine facility na ipinatayo ng lokal na pamahalaang Maynila sa Tondo.   Ayon kay Mayor Isko, ang Gregorio del Pilar Elementary School sa Tondo ay may kabuuang 48 kama bilang  karagdagan sa mahigit 250-kamang quarantine facility na nabuo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.   Nabatid, ang Gregorio …

Read More »

Marinerang Pinay nagpatiwakal sa loob ng cabin (Habang naghihintay ng repatriation flight)

KINOMPIRMA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na isang Filipina seafarer ang nagpakamatay habang naghihintay ng repatriation flight. Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Locsin na isang 28-anyos marinera ang nagkitil ng sariling buhas sa kanyang cabin habang stranded sa barko. Sinasabing hindi nakauwi agad sa Filipinas ang Pinay crew member dahil sa suspensiyon ng gobyerno sa pagpapabalik …

Read More »

Senglot na parak na pumatay ng aso wanted  

gun shot

IMBES makipagharap sa barangay, naglahong parang bula ang lasing na pulis na itinurong bumaril sa isang aso na inakusahang kumagat sa kanya, sa Sampaloc, Maynila.   Hanggang sampahan ng kaso ng tagapag-alaga ng aso na si Rene Timbol ay hindi pa rin sumipot ang suspek na pulis na kinilalang si Mark Lyndon de Ocampo, sinabing nakatalaga sa Philippine National Police …

Read More »