Tuesday , December 16 2025

Sanya Lopez, fan na fan ni Gabby

SA interview ng GMANetwork.com kay Sanya Lopez, inamin nitong hindi pa niya personal na nami-meet ang First Yaya leading man na si Gabby Concepcion. Gayunman, aminado rin ang aktres na certified fan siya ni Gabby, “’Yung kilig na parang fan, ganoon ‘yung pagkakilig ko sa kanya. And ‘yun ‘yung sinasabi ni Direk LA na ‘wag ko munang alisin ‘yun, ‘yung …

Read More »

Yasmien, nasa listahan na ng TikTok millionaires

ISANG throwback video ng kanilang mother-daughter bonding ang ibinahagi ni Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram na tumutugtog sila ng kanyang anak na si Ayesha ng piano. Sa caption ng video, ikinuwento ni Yasmien na mas nakilala niya ang anak sa gitna ng pandemya. Aniya, “Ang dami kong na-discover sa baby ko ngayong #StayAtHome, mas nakakapag-bond kami, nanonood ng movies together, …

Read More »

Poging aktor, ipinagpalit ni rich gay kay poging male star na magaling sumayaw

SINASABI ng isang rich gay, happy daw siya sa kanyang regular date sa ngayon na isang poging male star, na bukod sa magaling na artista ay magaling pang sumayaw. Ikinukompara niya iyon sa dati niyang naging regular date na isa ring male star, na pogi rin at may panahong sumikat nga nang husto. “Pero bukod sa may girlfriend na noon …

Read More »

Sandra Lemonon, may ibubulgar pa sa Miss Universe Philippines

SINASABI ng isa sa top 16 sa katatapos na Miss Universe Philippines, na si Sandra Lemonon ng Taguig na nag-iipon muna siya ng lakas bago niya ibulgar ang lahat ng sinasabi niyang mga hindi tamang nangyari sa beauty pageant. Wala naman daw siyang hinahangad kundi hindi na sana maulit ang hindi magandang karanasan nila sa mga susunod pang kasali. Sinasabi …

Read More »

Michelle at buong angkan, umalis na sa condo ni Super Tekla; Donita Nose, tinulungang maglinis ang kaibigan

MATAPOS na umalis sa condo ni Super Tekla ang live-in partner niyang si Michelle Lhor Banaag kasama ang buong pamilya na dating nakatira rin sa condo unit niya, ang unang nagpunta roon para maglinis ay ang kaibigan niyang si Donita Nose. Nang pumasok sila ay maraming nagkalat na basura na iniwan na sa loob ng condo, at iyong lababo sa …

Read More »

Kris, sa tunay na kalagayan ng kalusugan–There’s no cure

MARAMI ang nagtanong sa amin kung bakit sa condo nakatira ngayon sina Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby? At dahil hindi rin namin alam ang sagot kaya nagtanong din kami sa mga taong malapit kay Kris, “gusto n’ya po, he, he, he.” ‘Yun lang ang matipid na sagot sa amin at inisip na lang namin …

Read More »

Bistek, personal choice para maging tatay ni Kathryn

PERSONAL choice si Herbert Bautista ni direk Olive Lamasan na lumabas na tatay ni Kathryn Bernardo sa digi-series na The House of Arrest of Us. Dumaan si Herbert sa swab test pati lahat ng kasamang artista, production staff and crew. “Ang fear ko, ang fear ng lahat kasi nga nasa loob ka ng pandemic, kasi first ng lahat na mag-shoot …

Read More »

SEGURIDAD SA COTABATO CITY HINIGPTAN (Granada pinasabog sa residential area)

NAGDAGDAG ng checkpoint at nagtalaga ng karagdagang pulis ang Cotabato City Police Station matapos sumabog ang isang granada sa isang residential area sa lungsod ng Cotabato, sa lalawigan ng Maguindanao, noong Lunes ng gabi, 26 Oktubre. Bagaman walang nasaktan sa insidente, nagdulot ito ng takot sa mga residente ng San Pablo Village, sa naturang lungsod. Ani P/Capt. Rustom Pastolero, hepe …

Read More »

LOLA SA QUEZON PATAY HABANG NATUTULOG (Bahay nadaganan ng puno)

BINAWIAN ng buhay ang isang 70-anyos lola matapos madaganan ang kaniyang kubo ng natumbang puno ng niyog sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Quinta sa bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon, noong Lunes ng tanghali, 26 Oktubre. Kinilala ang biktimang si Gloria Rivas, 70 anyos, residente sa Sitio Munting Ilog, Barangay Cagsiay 3, sa naturang bayan. Si Rivas ang kauna-unahang …

Read More »

P286-M pinsala iniwan ng bagyong Quinta sa Bicol (Sa pananim at impraestruktura)

TINATAYANG hindi bababa sa P286 milyong halaga ng mga pananim at impraestruktura ang napinsala ng bagyong Quinta nang manalasa sa rehiyon ng Bicol simula noong Linggo, 25 Oktubre. Sa ulat kahapon, 27 Oktubre, ng Office of Civil Defense ng Bicol, naitala ang P286,200,000 halaga ng pinsala sa agrikulutura at pangingisda, habang umabot sa P26,000,000 ang pinsalang naitala sa impraestruktura. Ayon …

Read More »

22 BARANGAY SA BULACAN LUBOG SA BAHA (Sa pag-apaw ng mga dam)

NANATILING nakalubog sa baha ang may 22 barangay sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, at Norzagaray dahil sa high tide at ulang dulot ng bagyong Quinta, na nagresulta sa pagpapawala ng tubig sa mga dam sa lalawigan ng Bulacan. Dahil dito, inilikas ang 10 pamilya sa bayan ng Calumpit bunga ng pagtaas ng baha sa mga barangay ng Calizon, San …

Read More »

HEPE NG PULISYA, NAYARI SA ‘TARI’ (Tupada sinalakay sa Northern Samar)

BINAWIAN ng buhay ang hepe ng pulisya ng bayan ng San Jose, sa lalawigan ng Northern Samar, nang mahiwa ng tari ang kaniyang hita habang inaaresto ang mga suspek sa sinalakay nilang tupada, dakong 1:00 pm nitong Lunes, 26 Oktubre. Nabatid na naitakbo pa si P/Lt. Christian Bolok, 38 anyos, sa Northern Samar provincial hospital sa bayan ng Catarman, ngunit …

Read More »

IPO DAM NAGPAWALA NG TUBIG (Mabababang bayan sa Bulacan inalerto)

NAGPAKAWALA ng tubig ang Ipo Dam na nasa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan dakong 8:00 pm nitong Linggo, 25 Oktubre, dahil ayon sa PAGASA, ang hydrological dam situationer ng water level ng naturang dam ay nasa 101.05 metro na. Mas mataas ito sa normal high-water level na 101 metro at ito ay bunsod pa rin ng ulang dala …

Read More »

Quinta nanalasa sa Oriental Mindoro

NATUKLAP ang mga bubong, nabuwal ang mga puno at mga poste ng koryente at bumaha sa maraming lugar sa lalawigan ng Oriental Mindoro, nang hagupitin ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan dulot ng bagyong Quinta nang mag-landfall nitong Lunes ng umaga, 26 Oktubre. Sa kanilang Facebook post, sinabi ng mga awtoridad ng Oriental Mindoro na nagsasagawa na sila ng …

Read More »

3 SASAKYANG PANDAGAT LUMUBOG SA BATANGAS (Sa paghagupit ng bagyong Quinta)

LUMUBOG ang tatlong sasakyang pandagat sa lalawigan ng Batangas nang hagupitin ng bagyong Quinta nitong Lunes, 26 Oktubre. Ayon sa ulat, nawawala ang isang crew ng yate na tumaob sa dagat sa lungsod ng Bauan, dakong 5:00 am, habang pitong miyembro ng crew ang nailigtas. Ayon kay Tomas de Rosario, kapitan ng yate, lumakas ang alon at napadpad ang yate …

Read More »