WALANG suot na helmet, tuluyang napahamak ang 28-anyos na motorista na nasita sa checkpoint at nakuhaan ng P210,000 halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Pasig, nitong Miyerkoles, 9 Disyembre. Kinilala ni P/Col. Moises Villaceran, Jr., hepe ng Pasig police, ang nadakip na suspek na si Jayson Soriano, 28 anyos, nakatira sa Dr. Sixto Antonio Ave., Barangay Maybunga, sa nabanggit …
Read More »DA, mga katutubo sa Morong, Bataan pumirma ng kasunduan
LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Kanawan Magbukon Aeta Community sa bayan ng Morong, sa lalawigan ng Bataan nitong 5 Disyembre na may layuning paunlarin ang bahagi ng kanilang ancestral land upang pasiglahin ang agrikultura. Nilagdaan ang kasunduan nina Agriculture Secretary William Dar; at Chieftain Belinda Restum, at Vice Chieftain Joseph Salonga, kapwa kinatawan ng Kanawan Magbukun …
Read More »Kinainisang ugali ng staff kay Vice, susi ng kanilang tagumpay
MABILIS magalit at maiksi ang pasensiya. Ganyan daw si Vice Ganda, ayon mismo sa tatlong staff members niya na itinuturing ding mga kaibigan ng comedian-TV host. Ang tatlong ‘yon ay ang hairstylist na si Buern Rodriguez, ang make-up artist/road manager na si Glorious Asaral, at road manager/personal assistant na si Remigio “Erna” Piano. Kabilang sila sa Team Vice, tawag ng It’s Showtime host sa staff n’ya …
Read More »Mang Kepweng ni Vhong, suportado ni Vice Ganda
VHONG Navarro is back para sa ikalawang libro ng Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na mapanonood simula ngayong Disyembre 25 hanggang Enero 8, 2021. Sa virtual mediacon ng MK2 nitong Martes ng gabi ay inamin ni Vhong na hindi siya masyadong kabado ngayon dahil hindi niya makakatunggali sina Vice Ganda, Coco Martin, at Vic Sotto na taunang may entry sa MMFF. “Siyempre ‘yung totoo, nabawasan ‘yung kaba …
Read More »Kim, naiyak sa sobrang kasiyahan nang mapasama sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars
KABILANG si Kim Chiu sa pitong local celebrities na napasama sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars na inilabas kamakailan. Ang ibang local celebrities ay sina Angel Locsin, Marian Rivera-Dantes, Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Sarah Geronimo-Guidicelli. Ang mga nabanggit na pangalan ay walang kasing saya ang nararamdaman lalo’t malapit na ang Kapaskuhan na magandang regalo ito para sa kanila. Bukod dito, ka-level na nila …
Read More »Vhong, mala-Chiquito ang dating
DAHIL naging blockbuster sa takilya ang Mang Kepweng Returns, na pinagbidahan noong 2017 ni Vhong Navarro, kaya naman nagkaroon ito ng part 2, ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim. Isa itong collaboration project ng Cineko Productions at Star Cinema. Mula ito sa direksiyon ni Tofel Lee at isa sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2020. Sa digital media launch ng Mang Kepweng: Ang Lihim …
Read More »Cleaners ni Glenn Barit, nakakuha ng 10 nominasyon sa #PPP4SamaAll Awards Night
SIYAM mula sa 13 pelikula sa Premium Selection Section ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang ikinonsidera para pagpilian ng mga nominado sa #PPP4SamaAll Awards Night na gaganapin sa December 12 sa pamamagitan ng virtual awards. Tampok sa PPP Premium Selection ang mga titulong may limited release sa bansa o hindi pa naipalalabas kasama ang non-competition title, opening film tulad ng Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey …
Read More »Vhong Navarro, poging ‘di takot papangitin kaya klik sa komedya
SOBRANG natuwa ang Cineko nang pumatok sa takilya ang Mang Kepweng Returns kaya gumawa muli sila ng sequel nito. Ang Mang Kepweng : Ang Lihim ng Bandanang Itim. Ani Vhong Navarro sa virtual conference noong Martes ng gabi, “Baby raw po ng Cineko sa pagpo-produce ay ang Mang Kepweng kaya mula noon nag-promise po sila na gagawa ng part 2. Kaya naman po ang Cineko at Star Cinema …
Read More »Pasistang diktador pangarap ni Digong (Peace talks kaya ibinasura )
PINATAY ang peace talks dahil traidor at gustong maging pasistang diktador ni Duterte. Ito ang ipinahayag ni Jose Maria Sison kaugnay ng pahayag ni Pagulong Rodrigo Duterte sa peace talks. Ani Joma, pinatay ni Duterte ang peace negotiations dahil siya’y traidor na sumusunod sa dikta ni US President Donald Trump at ambisyong maging pasistang diktador. “He has killed the peace …
Read More »Impeachment ni Leonen daraan sa proseso – solons (Not just a numbers game)
GAYA ng dapat sundin, daraan sa normal na proseso, alinsunod sa Saligang Batas ang impeachment complaint na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen. Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, hinihintay lamang ng House Committee on Justice ang pormal na referral mula sa opisina ng speaker. “Once it is received by the committee by referral, there will be …
Read More »Babala ng Kamara: Toll operators puwedeng bawian ng konsesyon
MAAARING bawiin ng Kamara ang konsesyon ng dalawang operators ng North Luzon Expressway at ng South Luzon Expressway kung hindi maaayos ang problema sa RFID na nagdulot ng pahirap sa mga maglalakbay patungong hilaga at kanlurang bahagi ng bansa. Ayon kay Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang pinuno ng House committee on transportation, ang gobyerno ay maaaring mag-takeover sa pagpapatakbo …
Read More »Jueteng may illegal online betting na rin (Hindi lang sabong)
WANNA bet PNP chief, Gen. Debold Sinas?! Hindi lang sabong ang online ngayon, maging ang jueteng ay online na rin. Yes Sir! At kung dati ay tatlong beses lang ang bola, ngayon ay every 30 minutes na. Kaya ang jueteng ay hindi lang pang urban poor ngayon, kaya na nitong hikayatin tumaya kahit ang isang menor …
Read More »Jueteng may illegal online betting na rin (Hindi lang sabong)
WANNA bet PNP chief, Gen. Debold Sinas?! Hindi lang sabong ang online ngayon, maging ang jueteng ay online na rin. Yes Sir! At kung dati ay tatlong beses lang ang bola, ngayon ay every 30 minutes na. Kaya ang jueteng ay hindi lang pang urban poor ngayon, kaya na nitong hikayatin tumaya kahit ang isang menor …
Read More »P4.5T 2021 nat’l budget ratipikado sa senado
NIRATIPIKAHAN ng Senado ang panukalang P4.5 trilyong national budget para sa taong 2021. Ito ay matapos magkasundo ang bicameral conference committee na kinatawan ng mga mambabatas mula sa Senado at sa Kamara. Ang bicameral conference committee ang nag-ayos ng gusot o sa magkaibang bersiyon ng 2021 proposed national budget ng Senado at Mababang Kapulungan. Unang niratipikahan ng Mababang Kapulungan ng …
Read More »Fake news sa TikTok inalmahan ng solon
INIREKLAMO ng isang lady solon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakalat ng isang malisyosong video na inilathala sa popular social media platform na TikTok para sirain ang kanyang reputasyon. Nagtungo kamakalawa si Quezon 4th District Rep. Dr. Angelina “Helen” Tan sa NBI Lucena District Office para paimbestigahan ang pagpapalaganap ng malisyosong video ng social media account @sovereignph sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















