Wednesday , July 17 2024

LPG depektibo, kulang sa timbang kalat sa merkado (Poe sa DOE: Solusyonan mataas na presyo)

NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa pamunuan ng Department of Energy (DOE) na kagyat na gumawa ng aksiyon laban sa mga tiwaling negosyante na nagbebenta ng ‘pekeng’ liquefied petroleum gas (LPG) na kalimitan ay maliliit na mamimili ang nabibiktima.

Ayon kay Poe, naglipana sa merkado ang mga depektibong tangke ng LPG at walang pakialam ang mga negosyante kung anong kapahamakan ang maaaring mangyari sa consumers o pamilya na gumagamit ng kanilang ipinagbibiling produkto.

“Maraming rekla­mong nakararating sa aming opisina… kung minsan kalawangin daw at madalas malabo o walang brand ang LPG na kanilang nabibili. Ang masakit nito, kulang ang timbang at kulang sa 11 kilo ang nabibili nilang LPG,” pahayag ni Poe.

Sinabi ni Poe, kaila­ngang maging maingat at mapanuri ang consumers, at siguruhing maayos ang kanilang binibiling LPG tulad ng pagkakaroon ng tamang safety cap seal na may serial number na nakakabit sa bawat cylinder at mayroong dapat iniisyung official receipt.

Idinagdag ni Poe, bukod sa DOE, kaila­ngang kumilos din ang  Department of Trade and Industry (DTI) para imbestigahan ang ginaga­wang panloloko ng mga salbaheng negosyante sa kanilang mga mamimili.

Kasabay nito, hiniling ni Poe sa DOE na mabilisang solusyonan ang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng LPG na halos hindi na makayanan ng simpleng mga mamimili dahil na rin sa mahirap na kalagayang dulot ng pandemya.

“Saan pa pupunta ang mga kababayan nating mahihirap? Halos lahat ng presyo ng mga bilihin ay tumaas na at sumabay pa itong LPG. Dapat mayroong solusyong gawin ang DOE, kawawa naman ang mahihirap nating kababayan,” sabi ni Poe.

Matatandaang da­la­wang beses nang itinaas ang presyo ng LPG simula nang pumasok ang buwan ng Enero at Pebrero, at marami ang nanga­ngamba na tumaas pa ang presyo nito sa mga susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng Petron Gasul ay umabot na sa P820 ang bawat 11 kilo ng tangke. Ang Solane ay P837; Phoenix Super LPG, P782; Fiesta Gas, P765; at P760 naman ang presyo ng Regasco.

About hataw tabloid

Check Also

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …

arrest prison

Kapwa may asuntong Child Abuse
AKUSADO INARESTO SA PRESO
Isa pang MWP nasakote 

DALAWANG lalaki na nakatala bilang most wanted persons (MWP) ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay …

France Castro Satur Ocampo

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum …

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *