Saturday , September 25 2021

Pagbatikos kay Angel tigilan

MARAMI ang nag-react sa akusasyon kay Angel Locsin na sinisisi pa dahil sa ginawang community pantry noong birthday niya.

Wow! walang kasalanan si Angel kung dumugin ang ginawa niyang community pantry. Paanong nangyayari at nag-aagawan sa pagkain ang mga taon? Bakit nangyayari ang ganito?

Ang dapat sigurong suriian eh ang mga taong nagpapalakad sa ating gobyerno. Hindi mangyayari ang ganito kung mayroong sapat na pagkain na nakararating sa bawat Filipino.

Tumulong si Angel para makapagbigay ng pantawid gutom tapos sisisihin pa. Hindi niya ito kasalanan.

Sana’y huwag nang makisawsaw ang mga kapatid sa showbiz na umaakusa kay Angel. Ang hangad lamang ni Angel ay ang makatulong. Sa totoo lang, hindi tumitigil ang aktres sa pagtulong. Sa anumang sakuna o simula pa nang magkaroon ng pandemia, nariyan si Angel para laging tumulong. Gumagawa siya ng paraan sa abot ng kanyang makakaya para makapagbigay-tulong. Kaya tigilan na si Angel ng mga taong namba-bash sa kanya.

‘Yung ginagawa ni Angel ay hindi nagagawa ng iba. Si Angel tumutulong ng walang hinihinging kapalit.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Vilma Santos, Isko Moreno

Yorme dadalhin ng mga Vilmanian

HATAWANni Ed de Leon UNANG-UNA yata si Boss Jerry Yap na nagdeklara sa kanyang social media account na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *