Wednesday , December 17 2025

Recent Posts

1 taon kulong, P.5-M multa vs magbo-botcha

MAS mabigat na parusa sa pagbebenta ng “botcha” o hot meat, ang isinusulong ngayon sa Kamara de Representante para pigilan ang paglaganap nito sa bansa. Base sa House Bill 4190 nina Reps. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez Jr. (Party-list, Abante Mindanao), papatawan ng parusang pagkakakulong ang importers, distributors at nagbebenta ng “double dead” na …

Read More »

Anak ng tserman todas sa barilan (Napikon sa tagayan)

PATAY ang anak ng isang barangay chairman at isang barangay tanod nang magbarilan nang kapwa mapikon sa kanilang tagayan sa Maasin, Iloilo kamakalawa. Tig-isang tama ng punglo sa katawan ang ikinamatay nina Leo Vallejo, anak ng barangay chairman, at Dametillo Diaz, barangay tanod. Ayon kay PO3 Elmer Lentija, ng Maasin Municipal Police Station, nag-iinoman ang mga biktima sa Brgy. Trangka, …

Read More »

Special child, 2 pa sugatan sa umiwas na jeepney (Ambulansiya biglang sumulpot)

SUGATAN ang isang special child at dalawang iba pa nang araruhin ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng kontrol dahil sa pagsulpot ng isang ambulansiya sa Taft Avenue, Ermita, Maynila kahapon. Kinilala ang mga biktimang si Lola Lucy dela Peña, residente ng #2120 Amparo St., Sta. Ana, Maynila, at ang mag-inang sina Roselyn Agapito, at Nene, special child, kapwa residente …

Read More »