MATAGAL n’yo na bang pangarap na makapanood sa Cultural Center of the Philippines (CCP) pero masyadong malayo, magastos sa pamasahe at pagkain, at ‘di mura ang ticket sa mga pagtatanghal? Sabi nga, sa bawat ‘di kaibig-ibig na kaganapan, may nakakubling biyaya (“blessing in disguise”). Dahil sa Covid-19 at sa pahaba nang pahabang community quarantine, sarado ang CCP. Pero maipagpapatuloy ang layunin nitong …
Read More »Sharon, umabot na sa P4-M ang donasyon ngayong Abril
UMABOT sa P4.2-M ang nalikom ng tatlong oras na digital birthday concert ni Regine Velasquez noong Linggo (April 25) para sa Bantay Bata 163 project ng ABS-CBN Foundation. Ang eksaktong suma ay P4,259,839.00 ayon mismo sa mga website ng ABS-CBN. Siguradong kasama sa suma na ‘yon ang P1-M na donasyon ni Sharon Cuneta. Pero hindi si Sharon mismo ang nagbalita ng abuloy n’yang ‘yon kundi ang ABS-CBN …
Read More »Iisang Dagat inalipusta, Imelda nakatanggap ng sanlaksang lait
BUTI na lang may quarantine ngayon at ‘di kailangang lumabas ng bahay at humara-hara sa kalye ang dating Juke Box Queen na si Imelda Papin. Kung makita siya ng maraming tao, baka i-boo siya nang walang patumangga dahil sa pagsali n’ya sa pagkanta sa promo recording na Iisang Dagat–promo ng Chinese Embassy tungkol sa umano’y pagtutulungan ng Pilipinas at China …
Read More »Marcelito Pomoy, may sariling Covid-19 relief operations
PARANG walang ginagawa si Marcelito “Mars” Pomoy para sa fans n’ya na apektado ng quarantine na dulot ng pandemic na corona virus. Bagama’t identified siya sa Kapamilya Network, kapuna-punang ‘di siya nakakasali sa Pantawid ng Pag-ibig, fundraising project para sa frontliners at sa mga apektado ng community quarantine. ‘Di rin nakakasama ang champion ng Pilipinas Got Talent sa proyektong Bayanihan Musikahan ng OPM singers na pinangangssiwaan ng National …
Read More »Lito Camo, may mga bagong kanta tungkol sa Covid-19 at ECQ
BALIK-AWITIN muna si Lito Camo na dating sikat na sikat sa novelty compositions n’yang pinasikat noon ng Sex Bomb dancers at nina Willie Revillame, Manny Pacquiao, at Bayani Agbayani. May mga komposisyon na rin siya tungkol sa Covid-19 at community quarantine. Kamakailan ay inilunsad n’ya sa Facebook account n’ya ang isang kanta na batay sa sarili n’yang karanasan. May kumatok umano na isang lalaki sa tarangkahan ng …
Read More »Kathryn B, Paulo Avelino nagbasa ng tula para sa frontliners
MUKHANG dahil kina Kathryn Bernardo at Paulo Avelino ay magsisimulang magkahilig ang mga tagasubaybay ng showbiz sa “spoken word.” Pero puwede ring sabihin na dahil sa covid-19 at sa extended community quarantine (ECQ) ay magkakaroon ng unang karanasan ang ilang showbiz followers sa pakikinig/panonood sa isang spoken word performance. ‘Yung mga sumubaybay noon at sumusubaybay ngayon sa On the Wings of Love’ nina Nadine Lustre at James …
Read More »Sharon, pinayagan si Frankie na i-release ang kantang napaka-daring ng lyrics
MUKHANG may problema ang mag-inang Sharon Cuneta (na nasa Pilipinas) at Frankie Pangilinan (na nasa New York, na roon nagka-college). Parang sadyang iniinis ni Frankie ang nanay n’ya sa mga ipinu-post sa Instagram n’yang @kakiep83 at sa Twitter n’yang @frankiepangilinan. Noong una ay nag-post siya sa Instagram n’ya tungkol sa pagkainis n’ya sa mga Pinoy rom-com (romantic comedy) dahil pare-pareho naman daw ang mga kuwento nito. Heto ang …
Read More »Gary V’s solo digital concerts, nakalikom ng P6.8-M
NAKALIKOM ng P6.8 million ang dalawang gabing solo digital concert ni Gary Valenciano na itinanghal sa Facebook page n’ya noong Abril 18 at 19. Para makalikom ng ganyang kalaking halaga, ibig sabihin ay napakatindi pa rin ng dating ni Gary sa madla. After all, isa siya sa mga binansagang “Total Performer” sa halos apat na dekada n’ya sa industriya ng musika. Simpleng Hopeful ang titulo …
Read More »IamEthylGabison, magbabalik bilang Charot
NAKATAKDANG maging aktibo muli ang kontrobersiyal na Twitter account na IamEthylGabison na itinatwa na ng comedian-singer na si Ethel Booba na siya ang may-ari at mismong nagtu-tweet. Ang Admin (administrator) ng Twitter account na tinawag ni Ethel na “Fake” ang nagbalita mismo sa lumang Twitter account na “IamEthylGabison” ang pagbabalik nito. Buhay na muli ang account na may bagong titulong Charot, pero ‘di muna maglalagay …
Read More »Baron, tinawag na ‘rapist’ si Ping Medina
IDEMANDA kaya ni Ping Medina si Baron Geisler dahil sa akusasyon nitong “rapist” siya? Posible. Kung ‘yon ang ipapayo kay Ping ng mga abogadong kokunsultahin n’ya tungkol sa akusasyon ni Baron. Sa Twitter, ipinahayag ni Baron ang bintang na iyon, at agad itong nag-trending. Actually, nag-react lang si Baron sa tweet na nai-share sa kanya tungkol sa umano’y mga akto ng sexual …
Read More »Nurse na kapatid ni Marvin, umaming mababa ang morale nila sa Canada
KUNG alalang-alala si Vice Ganda para sa kapatid n’yang doktora rito sa bansa, si Marvin Agustin naman pala ay may nakatatandang kapatid na babae na isang Nurse sa Canada. Awang-awa rin siya para sa ate n’ya (na ang pangalan ay Cheng). Kahit pala kasi sa Canada ay napakahirap at nakaninerbiyos ang maging frontliner. Noong Huwebes, April 9, ipinost ni Marvin sa Twitter ang screenshot ng …
Read More »Julia at mga kapatid, nakalikom ng P650K para sa emergency quarantine facility ng isang ospital
PARANG nananahimik lang si Julia Barretto tungkol sa kung may personal project siya o wala kaugnay ng Covid-19. Parang ang nai-publicize lang na involvement n’ya ay doon sa Pantawid ng Pag-ibig ng Kapamilya Network na patuloy pa rin namang tumatakbo hanggang ngayon. Pero may personal fundraising project naman pala siya na may kinalaman sa kasalukuyang pandemic. Kasama n’ya sa proyektong ParaMayBukas ang ate n’yang si Dani at ang …
Read More »Ben & Ben, sumusulong ang career kahit naka-ECQ
HINDI kailangan ng folk-pop band na Ben & Ben ang ingay ng mga palakpak at masisiglang sigaw ng live audience para maging inspirado sa paggawa ng mga bagong awitin para sa fans nila at sa madla. Nitong mga nagdaang araw ng extended community quarantine, dalawang bagong kanta ang nalikha nila at isa roon ay magiging first international single nila. Doors ang titulo ng …
Read More »Umuupak kay Liza, sinalag ni Angel
HINDI ang buong tent donation project ni Angel Locsin ang ipinatitigil ng Department of Health (DOH) kundi ang pagpapatayo lang n’ya ng sanitation tent na tinatawag ding “misting tent” o “spraying tent.” Pinapayagan pa rin ang grupo n’yang UniTENTWeStandPH na magtayo ng sleeping tents para sa frontliners. Ipinost ng aktres ang paglilinaw na iyan kamakailan sa lahat ng kanyang social media accounts, kabilang na …
Read More »May nananakot ba kay Ethel Booba?
NERBIYOS na nerbiyos siguro sa panahong ito ang bagong ina na si Ethel Gabison, na higit na kilala bilang ang comedian-singer na si Ethel Booba. Sa tindi ng nerbiyos, itinatwa n’yang siya ‘yun “Ethyl Gabison” na may sikat na sikat na Twitter account na umabot sa mahigit sa 1.6 million ang followers. “Fake” raw ‘yon. Wala raw siyang kinalaman sa account na ‘yon. …
Read More »Ruffa, natutong magluto dahil sa ECQ
BUKOD sa pagliligtas sa pagkakaroon ng Covid-19, marami pang ibang maidudulot na kabutihan ang ngayon ay sapilitan nating pinagdaraanan na extended community quarantine. Para kay Ruffa Gutierrez, ang isa sa mga kabutihang iyon ay ang pagsisimulang matutong magluto ng iba’t ibang klaseng ulam. Ang unang matagumpay n’yang nailuto ay ang binansagan n’yang Ruffa’s Lemony Chicken Garlic. At kaya ganoon …
Read More »Coney Reyes, never ikinompara ang mga anak sa iba
“HINDI kami pinalaki ng mommy ko na ikino-compare ang sarili sa iba,” mistulang pagsusuma ni LA (Lawrence Anthony) Mumar kung paano sila dinisiplina ni Coney Reyes, ang butihing ina nila nina Vico Sotto at Carla Mumar. Ang pamosong basketbolistang si Larry Mumar ang ama nina LA at Carla. Siguradong alam n’yo nang si Vic Sotto ang ama ni Vico. Sampung taon ang tanda ni LA kay Vico kaya mas una siyang nakilala …
Read More »Pagpopostura nina Angelica, Sunshine at KC, gayahin kahit naka-ECQ
KAMAKAILAN ay nag-post sa kani-kanilang social media account ng pictures nila sina Angelica Panganiban, Sunshine Cruz, at KC Concepcion na naka-outfit na parang may mga lakad. Of course, gaya rin nating karaniwang mamamayan, taumbahay din ang mga artista sa panahon ng enhanced community quarantine. Ni sa ordinaryong restoran, hindi tayo pwedeng pumunta. Ang mga artista man ay ganoon din. Sa unang post …
Read More »Vice Ganda, sobra-sobra ang pag-aalala sa kapatid na doktor
HINDI pala mag-isa lang na namumuhay si Vice Ganda sa mansion n’ya sa kung-saan-man (bagama’t ang alam ng marami ay sa Quezon City siya naninirahan). Kapiling pa rin pala n’ya ang pamilya n’ya. At isa sa mga kasama n’ya sa bahay ay ang kapatid n’yang doktora na nagtatrabaho sa isang ospital. Worried siya at awang-awa sa kapatid n’ya dahil tuwing nasa …
Read More »@Angel Locsin Staffed faked; Pagsasamantala, nabuking
TALAGANG inililigtas ng Maykapal sa pagsasamantala ng masasamang nilalang ang mga tao na kasimbuti nina Angel Locsin at Neil Arce. Sa gitna ng mga problema ngayon na ‘pag ‘di nabigyan agad ng solusyon ay mauuwi sa kamatayan ng marami, may mga nilalang pa rin na ang makapanloko ang tanging layunin sa buhay. Ilang araw lang ang nakalipas, may mga tao na …
Read More »Angel, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-fundraising
Sa kabilang banda, sa unang pagkakataon ay nag-fundraising na rin si Angel sa pamamagitan ng Internet para maipagpatuloy ang nasimulan na n’yang pagtatayo ng tent sleeping quarters sa compound ng mga ospital, o sa mga lugar na malapit sa ospital, para sa frontliners na ‘di na nakauuwi ng bahay at sa mga pasilyo na lang ng mga ospital natutulog. “Unitentwestandph” …
Read More »Ivana, namigay ng food packs mula sa kinita ng kanyang sexy vlog
MASASABING mala-Angel Locsin ang baguhang si Ivana Alawi sa ginawa n’yang paghahanda ng daan-daang food packs gamit ang sarili n’yang pera. Nag-post siya kamakailan sa Facebook at Instagram ng dalawang litrato n’ya, kasama ang ina at isang kapatid na babae, na napaliligiran ng mga isinupot nilang edible goods na ipamimigay sa mga kababayan nating ‘di nakapaghahanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine. “Pasensya na kayo sa hitsura namin. …
Read More »Neil Arce, binara ang propesor (daw) na tinawag na peke at pam-publicity lang ang pagtulong ni Angel
MAY Sociology professor (daw) na nag-post sa Facebook ni Neil Arce ng akusasyon na “fake” ang sensiridad ni Angel Locsin sa mga pagtulong sa panahong ito, at lahat daw ‘yon ay “pure publicity and self-promotion” lang. Pati ang umano’y kita ni Angel na “P500, 000 per taping day” ay pinakialaman ng propesor. “Overpriced” daw ‘yon at kawalan ng hustisya sa mga Pinoy na mas mahirap ang trabaho pero …
Read More »Mayor Vico Sotto, magaling mag-basketball
“Magaling ‘yun… shooter siya!” ‘Yan ang pagbubunyag at papuri kay Pasig City Mayor Vico Sotto ng isang mahusay na basketbolista: walang iba kundi ang half-brother n’yang si LA Mumar. Magkapatid sila sa ina. Parehong si Coney Reyes ang ina nila. Sampung taon ang tanda ni LA kay Vico. Kung ang ama ni Vico ay ang comedian-producer na si Vic Sotto, ang ama naman ni LA ay …
Read More »Gown designer Michael Leyva, nagpatulong kay Angel sa pamamahagi ng PPEs
PUWEDENG mag-feeling ramp model o celebrity ang mga frontliner at mapapalad na makatatanggap ng face masks at mga kasuotang pang-iwas na madampian ng corona virus na idinisenyo ni Michael Leyva, isa sa mga sikat na designer-to-the-stars dito sa bansa. ‘Di lang idinisenyo ni Michael ang mga ido-donate n’yang personal protective equipment (PPEs). Pati ang tumahi ng mga ito ay ang mga …
Read More »