Monday , November 18 2024

Rommel Sales

14 drug suspect tiklo sa buy-bust

shabu drug arrest

LABING-APAT katao ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa magkakahiwalay na lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela. Dakong 5:30 pm, nang maaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDIU) sa buy-bust operation sa pagitan ng 4th at 3rd Avenue, 2nd St., Brgy. 118, Caloocan City si Leonardo Astillero, 25, at Aubery Mae Bagood, …

Read More »

Sabungero nagbaril sa ulo (Sa VIP room ng Caybiga Cockpit Arena)

dead gun

WINAKASAN ng isang sabungero ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng air-conditioned room ng isang sabungan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Patay na nang matagpuan ang biktimang si Robertson Dela Cruz, 30, ng Malinis St., Valenzuela City, sa tama ng bala ng Glock .40 na natagpuan sa lugar. Batay sa ulat ng security guard …

Read More »

Trike driver utas sa kaalitan

Stab saksak dead

PATAY ang isang tricycle driver makaraan pagsasaksakin ng hindi naki-lalang suspek na kanyang nakaalitan sa Navotas City, kahapon ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rolando Padrigano, 24, ng Block 23, Lot 50, Phase 2, Area 1, Brgy. NBBS, ng nasabing lungsod. Ayon kay PO3 Paul Roma, dakong 6:20 am, naglalakad ang biktima sa …

Read More »

Malaysian nat’l todas kay misis

knife saksak

PATAY ang isang Malaysian national makaraan saksakin sa leeg ng kanyang misis, habang nagtatalo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Hope Hospital sa Quezon City ang biktimang si Mervin Roy Thanaraj, 27, ng Block 4, Lot 30, Bauhinia St., Tamara Lane, Kaybiga, Brgy. 166, ng nasabing lungsod. Sumuko sa pulisya ang misis na si …

Read More »

Dalagitang pipi’t bingi niluray ng sekyu

rape

SWAK sa kulungan ang isang security guard makaraan halayin ang isang 15-anyos dalagitang pipi’t bingi sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza, ang suspek na si Ricardo Dugan, Jr., 22, tubong San Jose, Camarines Sur, at pansamantalang nanunuluyan sa Romano Compound, Service Road, Brgy. Parada, ng nasa-bing lungsod. Sa imbestigasyon ng Valenzuela …

Read More »

3 katao pinasok sa bahay, pinatay (1 sugatan)

PATAY ang isang 58-anyos biyuda, kanyang live-in partner, at anak na lalaki, habang sugatan ang 5-anyos apo, makaraan pasukin at pagbabarilin sa kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente si Wilma Liwanag alyas Ada, anak niyang si Aries, 31, at live-in partner niyang si alyas Boy, 60, bunsod ng mga tama ng bala …

Read More »

Coed ginahasa, pintor arestado

prison rape

ARESTADO ang isang pintor makaraan gahasain ang isang 21-anyos estudyante sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ang suspek na si Ariel Ordeta Agapito, 35, taga-Block 27, Lot 20, Phase 2, Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod. Sa salaysay ng biktimang si “Jael,” 2nd year college student, kay PO1 Chona Riano ng Women’s and Children’s …

Read More »

Sa CaMaNaVa tigil-pasada tinapatan nang libreng sakay (sapilitang tigil-pasada itinanggi ng transport group)

NAPAGHANDAAN ang ikinasang transport strike ng mga tsuper ng pampasaherong jeep, sa pa-ngunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at International Transport Federation (ITF), sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela. Sa Caloocan City, maagang iniutos ni Mayor Oscar Malapitan ang libreng sakay gamit ang mga sasakyan ng pamahalaang lungsod at ng pulisya, …

Read More »

Pintor tinarakan ni misis

SUGATAN ang isang pintor makaraan saksakin ng gunting ng kanyang live-in partner, nang magtalo ang dalawa habang kapwa lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center, sanhi ng saksak sa dibdib si Danilo Macaraeg, 43, ng 57 Rosario St., Brgy. 155, Bagong Barrio, habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Michelle Aguilar, …

Read More »

1 patay, 1 kritikal sa buko juice

PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang kanyang kaibigan kaibigan, makaraan tumungga ng buko juice, sinasabing may lason, sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center  si Amado Mendoza Jr., 24, ng Block 12, Lot 32, Phase 3, Brgy. Longos, ng nasabing lungsod, habang inoobserbahan sa naturang pagamutan si Jaypee Cabillan, 20, ng …

Read More »

5,000 pamilya nasunugan sa Malabon

MAHIGIT 5,000 pamilya ang nawalan ng tirahan, makaraan ang halos pitong oras na sunog, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ayon kay Malabon Public Information Office head Bong Padua, bunsod nang lawak ng sunog, nagdeklara ng “state of calamity” sa Brgy. Catmon at Brgy. Tonsuya. Sinabi ni Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR) Regional Director, Senior Supt. Wilberto …

Read More »

Binatilyo kritikal sa saksak ng karibal

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 19-anyos binatilyo, makaraan pagsasaksakin ng dating nobyo ng babaeng kanyang nililigawan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Christian Kenneth Cañares, ng 1284 Raja Matanda St., Brgy. Daanghari, ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Mark Phil Cruz alyas Mapi, nasa …

Read More »

2 sugatan sa rambol ng construction workers

construction

MALUBHA ang kalagayan ng dalawang construction worker makaraan masaksak nang magrambolan habang nag-iinoman sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi mga saksak sa likod ang biktimang si Marlon Bartolo, 29, at isa sa mga suspek na si Joselito Nabao, 35, may saksak din sa likod, kapwa stay-in sa Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. …

Read More »

Police official, kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalagayan  ng isang opisyal ng pulisya, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang lulan ng motorsiko sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Insp. Paul Dennis Javier,  41, residente sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila, nakatalaga bilang hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB), sa Malabon City Police. Ayon  …

Read More »

Softdrink dealer utas sa tandem (Nanalo ng P.5-M sa sabong)

PATAY ang isang softdrink dealer, habang sugatan ang kanyang driver, at ang garbage collector, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay si Alvin Delpin, 46, ng 683 Franvill-II Subd., Area A, Brgy. 175, Camarin, ng lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si Lemen Grana, 56, residente ng …

Read More »

Bebot timbog sa shabu

shabu drug arrest

KALABOSO ang isang 29-anyos babae, makaraan mahulihan ng shabu sa loob ng condom, sa gate ng Caloocan City Jail, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ellen Añasco, residente sa M. Ponce St., Brgy. 132, Bagong Barrio, ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat ng Caloocan City …

Read More »

Siklista utas sa motorsiklo

road traffic accident

PATAY ang isang 47-anyos factory worker makaraan bumangga sa motorsiklo ang sinasak-yan niyang bisikleta kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Hindi na umabot nang buhay Valenzuela Medical  Center ang biktimang si Teodoro Gepolongca, residente sa Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa, ng lungsod. Habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek si Joe Wennie Logronio, 49, ng Malibong …

Read More »

4 tulak laglag sa parak

shabu drug arrest

BAGAMA’T binuwag na ang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP), arestado sa mga awtoridad ang apat katao, kabilang ang isang babae, sa anti-drug operation sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) Chief Insp. Timothy Aniway, Jr. ang mga suspek na sina Thomas Ang, Jr., 35; Jinky Montebon, 30; Dominico Balat, …

Read More »

Kelot kritikal sa tandem

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 54-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Emerito Bilacaol, residente ng Block 10, Lot 24, Tanigue St., Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Caloocan Police deputy chief …

Read More »

Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)

dead gun police

PATAY ang isang 68-anyos lider ng informal settlers makaraan pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Milagros Masalio, re-sidente ng Rosita St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo. Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Rey Quintana, 24, ng Kaingin St., Brgy. …

Read More »

Kelot kalaboso sa binugbog na partner (Tinanong sa relasyon)

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan pagsusuntukin at tutukan ng patalim sa leeg ang kanyang live-in partner nang magalit makaraan kausapin ng biktima hinggil sa kanilang pagsasama, sa Malabon City kahapon. Kinilala ang suspek na si Zedric Piquing, 21, ng 10 Alumiño St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Salaysay ng biktimang si Ma. Lourdes Pedida, 25, kina PO2 Ma. …

Read More »

Kelot nakitulog sa kapitbahay, patay sa boga

PATAY ang isang lalaki na sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya kamakailan, nang pasukin at pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek habang natutulog sa bahay ng kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali. Agad binawian ng buhay si Manuel Sari, 46, stay-in painter sa Daang Hari, Navotas City, at residente sa Damata, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City. Ayon sa …

Read More »

3 pusher timbog sa anti-drug ops

TATLO ang arestado, kabilang ang isang ginang, hinihinalang pawang mga drug pusher, kamakalawa sa Navotas City. Kinilala ni Navotas de-puty police chief for operation, Supt. Bernabe Embile ang mga suspek na sina Rosalie Posadas, 41; Oliver Bernabe, 40; at Domingo Perez, 44-anyos. Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Section 5 (sale), Section 26 (cons-piracy) at Section 11 (possession) ng …

Read More »

Binatilyo, 1 pa utas sa ratrat

PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 16-anyos mangingisda, sa magkahiwalay na pamamaril ng hindi nakilalang mga suspek sa Navotas City kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Jhon Dela Cruz alyas Toto, 16, ng C-4 Road, Brgy. Bagong Bayan North, nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek dakong 12:20 am habang nakatayo sa tabi …

Read More »