NAKATAKDA ngayong araw ang pagsagawa ang City Health Department ng mass testing sa hanay ng Malabon City Police sa PNP Catmon Station. Nasa 200 pulis na hinati sa tatlong batch ang sumailalim sa rapid test para sa COVID-19. Inaasahang malalaman ang resulta bukas. Bilang frontline warriors, ang pulisya ang nagbabantay sa national at city boundaries, bukod pa …
Read More »Bagong Barrio sa Caloocan City total lockdown
MATAPOS ang naitalang mataas na kompirmadong kaso ng COVID-19, isang barangay sa Caloocan City ang isailalim sa total lockdown ngayong 13-15 Mayo, ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan, kahapon. Inaasahang magsagawa ang alkalde ng ocular inspection sa Barangay 156 na may higit 5, 700 residente bago ang pagpapatupad ng total lockdown matapos ang naitalang 25 positibong kaso sa lugar, …
Read More »Allowance para sa estudyante, ipinamigay sa Caloocan City
NAIPAMAHAGI ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ngayong Linggo ang P500 cash allowance para sa mahigit 6,000 estudyante sa Barangay Deparo, ng nasabing lungsod. Nasa 270,000 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng naka-enrol sa mga pampublikong elementary at high school sa lungsod, na target bigyan ng allowance ng Caloocan local government. Napuno ngayong araw ng Linggo ang covered court ng …
Read More »NavoHimlayan Cremation libre sa namatay sa COVID-19
LIBRE ang cremation services ng NavoHimlayan, na pag-aari at pinangangasiwaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, para sa mga pasyenteng namatay sa coronavirus 2019 (COVID-19). Simula 22 Marso, 37 namatay na persons under investigation (PUI) o pasyenteng positibo sa COVID-19 sa Navotas ang na-cremate nang libre. Ang cremation services sa NavoHimlayan ay nagkakahalaga ng P12,000 hanggang P18,000. “Mahal …
Read More »Misis sinapak, binantaang papatayin, Mister deretso sa hoyo
SA KULUNGAN bumagsak ng isang 37-anyos driver matapos sapakin at pagbantaan na papatayin ang kanyang asawa makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega ang suspek na si Randy Dechaca, residente sa Anneth 1, Brgy. Marulas na nahaharap sa kasong physical injury at grave threat in relation to RA 9262 …
Read More »5 bagets arestado sa Valenzuela
ARESTADO ang limang bagets dahil sa paglabag sa curfew hour sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Nahuli ang mga bagets sa kahabaan ng Tamaraw Hills Extension, Brgy. Marulas sa nasabing lungsod. Agad dinala ang mga kabataang gala at maging ang kanilang mga magulang sa police station sa Marulas 3S Center para ibigay ng …
Read More »Bebot na tulak, timbog sa buy bust
KAHIT may lockdown dahil sa coronavirus (COVID-19), isang 25-anyos na babae ang walang takot na nagbebenta ng ilegal na droga na naaktohan ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Lourdes Caguia, alyas Enang ng Phase 1A, Hapaap St., Brgy. North Bay Boulevard …
Read More »Navotas, may kaso ng COVID-19 positive
NAITALA ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City, kahapon. Sa post ni Mayor Toby Tiangco sa kanyang Facebook account, ang PUI na namatay ay nagpositibo sa COVID-19 at inaasahan na mas darami pa ang bilang dahil ang namatay ay galing sa mataong lugar. Ang nasabing lugar naman ay laging nahuhulihan ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ). …
Read More »Market on wheels, nag-iikot na sa Valenzuela
NAGSIMULA na kahapon ang programang market on wheels ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela. Simula 7:00 am hanggang 10:00 am ay nagsimulang mag-ikot ang e-trikes na may dalang paninda sa mga lugar ng nasabing lungsod na malayo sa mga palengke. Kabilang sa unang schedule na iikutan ng maket on wheels ang Felo 1 Subdivision Covered Court, Barangay Rincon at C.F. Natividad …
Read More »Mag-ama arestado sa pagbebenta ng pekeng gamot sa COVID-19
ARESTADO ng mga awtoridad ang mag-ama sa isinagawang entrapment operation sa online selling ng mga pekeng gamot sa COVID-19 sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Northern Police District (NPD) director P/BGen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong suspek na kinilalang sina Ismael Aviso, Sr., at Ismael Aviso, Jr., kapwa residente sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS). Dakong 3:30 …
Read More »Sunog sa Malabon… 3 sugatan, 150 pamilya nawalan ng tirahan
TATLO katao, kabilang ang isang fire volunteer ang nasugatan habang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, dakong 3:00 am nang sumiklab ang sunog sa bahay na inuupahan ni Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, hanggang mabilis …
Read More »Wanted sa 2 kasong rape arestado
MATAPOS ang mahigit isang-taon pagtatago, isang lalaki na wanted sa dalawang kaso ng panghahalay at nasa listahan ng 6 most wanted person ang nasakote ng mga awtoridad nang tangkaing bumisita sa kanyang bahay sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Jaymart Gozon alyas Bench Evo, na hindi pumalag nang arestohin ng mga …
Read More »Umiinom sa kalsada… Mag-utol pumalag, pulis ‘tinakot’ na isusumbong kay Tulfo, arestado
HINDI nagpatinag ang isang kagawad ng pulisya sa pananakot na isusumbong siya sa Tulfo brothers sa ginawang pagdakip sa magkapatid kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas patungo sa Navotas Police Community Precinct (PCP) 4 si P/SSgt. Mar Arrobang dakong 9:30 pm upang magsimula sa kanyang tungkulin bilang shift supervisor. Nadaanan ni P/SSgt. …
Read More »Lalamove driver biniktima… 2 snatchers arestado sa shabu
SWAK sa kulungan ang dalawang snatcher na nambiktima sa isang Lalamove driver matapos masakote at makuhaan ng shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina Rafael Damian, 21 anyos, residente sa Brgy. 150, at Richard Martinez, 31 anyos, ng Milagrosa Ext., Brgy. 154, kapwa residente …
Read More »Pulis-Malabon nabiktima ng ‘basag kotse gang’
NABIKTIMA ng dalawang hinihinalang miyembro ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis matapos matangay ang inisyung baril sa kanya na iniwan sa loob ng saksakyan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at Ernie Baroy kay Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong 10:00 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. …
Read More »Truck driver hinataw ng tire wrench sa ulo
MALUBHANG nasugatan ang isang truck driver makaraang paghahatawin ng tire wrench ng isang kabaro nang magkainitan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Patuloy na ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang kinilalang si Teoro Padayhag, 46 anyos, ng Kalayaan, Kings Point, Bagbag, Quezon City, sanhi ng matinding tama ng palo sa ulo. Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na …
Read More »Pulis sinapak ng lalaking nabitin sa Mariang Palad
NABITIN sa ginagawang pagpaparaos sa sariling sikap ang isang electrician kaya sinapak ang isang pulis na bantay ng kanyang computer shop habang nanonood ng pornographic movie sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Nakapikit at kagat-labing tila maaabot na ni Aldrin Bangayan, 30 anyos, residente sa Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187, Tala ang rurok ng ligaya habang ginagawa ang …
Read More »“House of Kobe” sa Vale alaala ni Black Mamba
MANANATILING buhay ang mga alaala ng Black Mamba na si Kobe Bryant sa lungsod ng Valenzuela dahil sa binuong “House of Kobe” na makikita sa Barangay Karuhatan, ibinalita ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian. Isang tragic death ang biglang pagkawala ni NBA Legend Kobe Bryant, kasama ang 13-anyos anak na babae at pitong iba pa sa isang helicopter crash noong Lunes sa …
Read More »P1.8-M bato nasamsam sa 3 tulak
NASAKOTE ang tatlong tulak ng ilegal na droga makaraang masamsam ang mahigit sa P1.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na si Marvin Perales, 25 anyos, ng Brgy. Daang Hari; Marvin Turla, 30 anyos, ng Brgy. San Jose, at Cresencio …
Read More »6 tulak, arestado sa P442K droga
ARESTADO ang anim na sinabing notoryus na tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng P442,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Navotas City. Kinilala ni Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na sina Bernard Masangya, 30 anyos, John Arem Alinea, 38 anyos, Ronald Alinea, 48, Rady Pedragorda, 41, Roberto …
Read More »Kaibigang dalagita dinakma, binata kulong sa molestiya
SWAK sa kulungan ang isang 28-anyos binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa isang kaibigang dalagita na kabilang sa inimbitahan niyang uminom ng alak sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Batay sa ulat, inimbitahan ni Jeffrey Borromeo ang biktmang itinago sa pangalang Kyla, na kanyang kaibigan at apat pa sa isang inuman sa kanilang bahay sa #133 C. …
Read More »Bebot ninakawan ng puri, valuables ng 5-day lover
SISING-SISI ang isang magandang telecom company manager makaraang ibigay ang sarili at lasapin ang sarap kapalit ang isang oras na kaligayan sa kamay ng inakala niyang lover ngunit magnanakaw pala sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dakong 9:00 pm kamakalawa ng gabi nang mag-check-in sa isang motel sa Brgy. Potrero ang biktimang itinago sa pangalang Jovy, 47 anyos, kasama ang suspek na …
Read More »‘Kristo’ itinumba sa sabungan
PATAY ang isang ‘kristo’ o tagatawag ng pusta at taya sa sabungan na sinabing sangkot sa pandaraya sa mga sabungero nang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa parking lot ng sabungan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang si Alexander Francisco, 54 anyos, residente sa S. Pascual Beacum, Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod, sanhi ng …
Read More »P64K shabu nakuha sa 2 tulak
NAKUHA sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nasa P64,000 halaga ng shabu sa buy bust operation ng mga pulis sa Malabon City. Kinilala ni Malabon Police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Darwin Desierto, 39 anyos, pedicab driver; at John Romilo, 25 anyos, tattoo artist, kapwa residente sa Caloocan City. Sa imbestigasyon ni …
Read More »4 katao timbog sa pot session
APAT katao ang naaresto kabilang ang isang menor de edad estudyante na na-rescue ng mga awtoridad matapos maaktohang sumisinghot ng shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct (PCP)-1 P/Capt. Jeraldson Rivera ang mga naarestong suspek na sina Janis Ian Tamargu, 43 anyos, Rodel Punay, 55 anyos, Ramil Gonzales, 47 anyos at ang 17-anyos binatilyong …
Read More »