Saturday , May 17 2025

Rommel Gonzales

Anak ni Solenn, pinanggigilan ng ilang kapwa artista

BUMUHOS ang positive comments mula sa followers at kapwa celebrities sa ipinost ni Solenn Heussaff na cute photo ng kanyang mag-ama sa Instagram.   Ibinahagi ng aktres ang litrato ng asawang si Nico Bolzico habang karga ang kanilang anak na si Thylane Katana na nakasuot ng hooded bath towel. Kabilang sa celebrity friends na nag-post ng comment sa photo ni Thylane ay ang Mars Pa More host na si Iya …

Read More »

Love of my Life stars, may online reunion ngayong Biyernes

MAY sorpresa ang stars ng Love of my Life ngayong Biyernes (June 26). Samahan sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez sa isang masayang online get-together na sasagutin nila ang mga katanungan ng netizens tungkol sa pag-ibig at pamilya sa Let’s Talk Love. Bumuhos na agad ang intriguing at nakatutuwang questions mula sa netizens at kanilang supporters gaya ng ‘Ano nga ba ang ideal age for …

Read More »

Rodjun, excited na sa pagdating ng kanilang baby boy

NAGKAROON ng online gender reveal party sina Kapuso actor Rodjun Cruz at asawang Dianne Medina para sa kanilang first baby. Sa ini-upload na vlog sa YouTube channel ni Dianne, ipinakita ng mag-asawa ang masayang virtual gathering nila na dumalo ang matatalik nilang kaibigan at pamilya.   Para kay Rodjun, anuman ang gender ng anak nila, excited na siyang ibuhos ang pagmamahal niya rito. “Nagpe-prepare na rin ‘yung family namin. …

Read More »

Dingdong Dantes, markado ang pagiging Kapuso

WALANG duda na loyal Kapuso si Dingdong Dantes. Sa mahigit 20 taon niya sa GMA Network, pamilya na ang turing niya sa mga taong nakasama niya.   Aniya, “For me a Kapuso, it means na you’re part of a family, you’re part of the home. Lahat nang ‘to, na-realize ko noong quarantine. Nakapag-reflect ako na halos higit kalahati ng buong buhay ko ay Kapuso ako.” …

Read More »

Jeric, mahilig sa mas may edad sa kanya

WALANG kaso kay Jeric Gonzales kung bida man o suporta lamang siya sa isang proyekto.  “Oo naman, oo naman! Walang problema kasi ano eh, dumadaan naman talaga sa artista na ano, support ka man o bida or kahit anong role ‘yan, basta binigyan ka ng role kailangan talaga gawin mo and ibigay mo ‘yung best mo,” sinabi ni Jeric. At bago nagkaroon ng …

Read More »

Netizen na naninira kay Andre, kilala na, idinulog na sa CIDG

MAGKAKASAMANG nagtungo kahapon, June 25, sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Camp Crame ang mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana, at ang kasintahang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun, para paimbestigahan at sampahan ng  kaso ang netizen na nagkakalat na may hawak siyang sex video scandal ng binata ng aktres. Ayon pa sa netizen na ito, ilalabas niya ang sex video scandal ni …

Read More »

Mikael, may tips sa pag-edit ng vlogs

MAY dalawang simpleng tips si Mikael Daez sa mga aspiring vlogger na gustong pagbutihin ang kanilang editing skills. Isa sa ginagawa niya ay ang manual in-camera transition NA pagkatapos mag-film ay dahan-dahang inilalayo ang kamera mula sa subject o ang tinatawag na ‘panning out’.   “Ang nangyayari roon is nagkakaroon na kaagad ng transition at the very end of your video,” ani Mikael. …

Read More »

Barbie, matagal nang supporter ng GMA  

NAGPAPASALAMAT si Kapuso Primetime Princess at Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star Barbie Forteza sa walang sawang suporta at pagtitiwala ng Kapuso Network sa kanya magmula ng kanyang unang acting stint bilang batang Jodi sa Stairway to Heaven noong 2009.   “After ng ‘Stairway to Heaven,’ kinontak na kami ng GMA Artist Center at nag-sign kami ng contract. Doon na nag-start ang journey ko as a Kapuso. Roon …

Read More »

Aiko, hinarana si VG Jay

HINARANA ni Aiko Melendez si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun!   Kung noong araw na uso ang harana ay hinaharana ng isang lalaki ang nililigawang babae, bilang isang millennial ay binago ni Aiko ang tradisyon.   At dahil panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, sa Facebook account niya inawitan ni Aiko ang kanyang kasintahan. Ang “one-song concert” ni Aiko para kay VG Jay ay bilang tribute sa …

Read More »

Kim, inayawan nang maghubad dahil kay Jaclyn

ROLE model kung ituring ni Kim Domingo  si Jaclyn Jose.   Ang 2016 Cannes International Film Festival Best Actress ang tinitingala niya sa showbiz.   Aniya, “Isa siya sa mga taong tinitingnan ko na balang-araw maging ganoon ako.”   Dahil nga rito ay sinusubukan niyang sundan ang yapak ni Jaclyn. Una na rito ang desisyon niyang iwan ang imahe ng pagiging sexy star.   “Inunti-unti …

Read More »

Back-to-back magical stories, tampok sa Daig Kayo Ng Lola Ko  

ISANG star-studded weekend bonding ang hatid ng well-loved GMA program na Daig Kayo Ng Lola Ko sa Linggo (June 28) dahil bibida sa back-to-back episodes ang mga paboritong Kapuso star.   Gaganap na isang taong-grasa si Marian Rivera sa unang kuwento ni Lola Goreng sa Grasya ang Taong Grasa.   Susundan ito ng magical story na Download Mommy na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mikee Quintos, at Manilyn Reynes.   Mapapanood ang Daig Kayo Ng …

Read More »

Relasyon nina Janine at Monching, cool lang

HINANGAAN ng netizens ang pagkakaroon ng close relationship ni Janine Gutierrez sa amang si Monching Gutierrez na kapansin-pansin sa recent YouTube video ng Kapuso actress.   Para sa kanyang Father’s Day vlog, special guest ni Janine si Monching na game na game namang sinagot ang mga nakaaaliw na questions ng anak.   Kuwento ni Monching, gulat ang naging reaksiyon niya nang malamang ipinagbubuntis noon ni Lotlot si Janine.   Proudest …

Read More »

Megan, aminadong apektado ng pandemya ang beauty pageants

AMINADO si Megan Young na naapektuhan na ng pandemya ang beauty pageant industry.   “I host Miss World every year and wala rin akong balita kung ano’ng mangyayari doon. It has definitely changed. As of now, I have no idea. But I think the first thing that we want to do is to make sure that everyone’s safe,” ayon kay Megan.    Napansin …

Read More »

Gabbi, ginawang photographer si Khalil

KAHIT stuck at home pa rin, sinisigurado ni Gabbi Garcia na maging productive ang kanyang araw.   Sa latest YouTube vlog ng aktres kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos, ibinahagi nila kung paano ginagawa ang photo shoots ng dalaga sa bahay.   Ilang tips ang ibinahagi ng couple sa kanilang vlog na si Khalil ang may hawak ng camera habang si Gabbi naman ang …

Read More »

Mikee at Andre, komportable sa isa’t isa

HINDI nakalagpas sa libo-libong fans ang kakaibang chemistry nina Encantadia stars Mikee Quintos at Andre Paras sa two-part vlog ng Kapuso actor na special guest ang dalaga.   Sa eksklusibong panayam nila sa 24 Oras, inilahad ng dalawa kung gaano nga ba sila ka-close sa isa’t isa. Kapansin-pansin naman ang natural na kulitan at pagiging komportable nina Andre at Mikee sa gitna ng interview.   Isa sa mga napag-usapan …

Read More »

Uge, napa-OMG sa regalo ni Marian

NAKATANGGAP ng napakagandang regalo si Eugene Domingo mula kay Marian Rivera.   Ibinahagi ni Eugene sa Instagram ang inorder na bulaklak mula sa business ni Marian na Flora Vida at hindi niya inaasahang may bonus itong kasama.   Aminado si Uge na bukod sa order ay marami pa siyang napupusuang bulaklak mula sa collections ni Marian. Kaya naman laking gulat at tuwa niya nang dumating ang order. …

Read More »

Boyet, may pa-Father’s Day sa Magpakailanman

TAMPOK si Christopher de Leon sa upcoming Father’s Day special episode ng Magpakailanman. Dahil nalalapit na ang Father’s Day, hatid ng real life drama anthology na #MPK  ang kuwento ng isang ama na walang atubili sa pagtulong kahit siya mismo ay kapus-palad din. Tampok sa episode na pinamagatang Ama Namin: The Jesus ‘Boy’ Parungao Story ang beteranong aktor na si Christopher. Gaganap siya bilang si Jesus, na nakipagsapalaran …

Read More »

Voltes V, inspirasyon ni Michael V. sa Bubble Gang

ISA si Kapuso multi-awarded comedian and content creator Michael V. sa mga Pinoy na nahumaling at naging fan ng anime series na Voltes V noong dekada ’70. Unang ipinalabas sa GMA-7 ang series noong May 1978. Hanggang ngayon ay malapit pa rin sa puso ni Bitoy ang Voltes V kaya naman hindi siya tumitigil na mangolekta ng mga laruan na hango rito. At upang ipakita sa lahat ang pagmamahal …

Read More »

Glaiza de Castro, may YouTube channel na

MAY YouTube channel na sa wakas ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Noong Linggo, dalawang videos agad ang ipinost ng Encantadia star sa kanyang channel na Glaiza De Castro Official. Kuwento ni Glaiza sa kanyang first video, “I’ve been thinking of doing this for a long time now but the thought of speaking in front of the camera, as ironic as it may sound, sort of scares me. I …

Read More »

Benedict Cua, may special vlog para kay Kate

ISA si Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star Benedict Cua sa mga sikat na vlogger ng henerasyon ngayon na pinasok na rin ang showbiz. Para kay Benedict, hindi nagkakalayo ang matagal na niyang ginagawang pagba-vlog sa pag-arte. Kaya naman hindi kataka-taka na pareho itong nae-enjoy ni Benedict na gumaganap bilang vlogger na si Benny sa GMA series.  “I really enjoy both because they’re different …

Read More »

Brod Pete at mga kasama sa Ang Dating Doon, muling nagpasaya

SINO ba naman ang makalilimot sa mga nakatatawa at pilosopong sagot ng trio nina Isko Salvador o mas kilala bilang Brod Pete, Cesar Cosme bilang Brother Willy, at Chito Franscisco bilang Brother Jocel ng patok na segment ng Bubble Gang na Ang Dating Doon. Bilang regalo sa kanilang mga tagahanga na ang ilan ay nai-stress o ‘di kaya’y bored na sa bahay dahil sa umiiral na quarantine, nagsama muli ang tatlo sa isang …

Read More »

Unang online game stream ni Alden, tinutukan ng fans

TINUTUKAN ng fans ang unang online game stream ni Alden Richards, ang #ARGaming. Napanood ito sa official Facebook page ng aktor na ipinakitang naglalaro siya ng Mobile Legends at Ragnarok. Kuwento ni Alden sa stream, “Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko, so iba eh. Parang it’s a different world.”   Advice naman ng Centerstage host sa mga tulad niyang mahilig sa …

Read More »

#ThinkTok ng 24 Oras, patok sa viewers

MABENTA sa mga manood, mapa-bata o matanda, ang bagong segment ng 24 Oras, ang #ThinkTok. Base sa intro ni 24 Oras anchor Vicky Morales noong Biyernes, layunin ng #ThinkTok na sama-sama ang viewers na mag-aral ng iba’t ibang leksiyon sa pamamagitan ng telebisyon. Sakto sa Independence Day ang first topic dahil tungkol ito sa Philippine Flag. Pinangunahan nina Mariz Umali at ng Kapuso child star na si Yuan Francisco ang pagbibigay-kaalaman hindi lang sa …

Read More »

Ken Chan, may sorpresa para sa lucky fan

SA exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ken Chan, ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang paghanga sa babaeng hindi takot magpahayag ng kanilang nararamdaman sa taong gusto nila.   “Sobrang bilib ako sa mga babaeng malakas ang loob na gumawa ng first move kapag mayroon silang isang tao na nagugustuhan. Kasi ako personally, bilang isang lalaki, duwag ako sa ganyan eh. Mahiyain kasi talaga …

Read More »