PATULOY ang masinsinang pagtutok at pagtugis ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ipinagbabawal na drogang shabu at sa mga demonyong nagpapakalat nito. Akalain ninyong kamakailan lang ay natuklasan ng PDEA ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 bilyon na itinago sa dalawang magnetic scrap lifters sa loob ng isang container sa Manila International …
Read More »Anino ng terorismo
HINDI maitatanggi na hanggang ngayon ay may mga pagkakataon na nalililiman pa rin tayo ng anino ng terorismo na kahit paunti-unti ay biglaang nagpaparamdam ng kalupitan sa ating kawawa at walang kamalay-malay na mga mamamayan. Kamakailan nga lang ay muli itong naganap nang makalusot na naman ang mga terorista sa dapat sana’y mahigpit, tuloy-tuloy at walang puknat na pagbabantay ng …
Read More »Plantsadong balakin?
KUNG ikokompara sa sport na boxing ay masasabing nagwagi na si dating President Gloria Macapagal-Arroyo dahil naagaw na niya ang pinakamimithing titulo sa House of Representatives mula kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang Speaker of the House. Gayonman ay marami ang nagtaka kung bakit lumalabas na minadali ito at itinaon pa sa araw mismo ng pagbibigay ng State of the Nation …
Read More »Modelong opisyal
SA gitna ng santambak na intriga at kontrobersiya na kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) bunga ng katiwalian at kabalbalan ng ilang bugok nilang kasapi ay nakatutuwang malaman na may mga opisyal pa rin na tunay na may malasakit sa organisasyon at tumutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin na magpatupad ng batas, kahit may kabaro siyang masasagasaan. Halimbawa na rito ang …
Read More »Duterte mananahimik?
PUMAYAG umano si President Rodrigo Duterte na tumigil sa paglalabas ng mga pahayag tungkol sa simbahan matapos makipagpulong nang one-on-one sa pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si Archbishop Romulo Valles. Maaalalang naging kontrobersiyal ang sunod-sunod na pagbatikos ni Duterte laban sa simbahan na humantong sa pagtawag niya na estupido raw ang Diyos at pagkuwestiyon sa …
Read More »Ipit sa sitwasyon
BATID ng lahat na halos nakabaon pa rin ang puwersa ng buong Philippine National Police (PNP) sa kontrobersiya at kahihiyan bunga ng kapalpakan na nagawa ng ilang bugok nilang kabaro. Halos araw-araw ay may nauulat na pulis o kanilang opisyal na sangkot sa krimen tulad ng pagkakadawit sa ilegal na droga, pangongotong, panggagahasa o paggawa ng kalaswaan at iba pa. …
Read More »Mapagsamantala
MAPAGSAMANTALA. Mapang-abuso. Mapang-api. Ganid. Suwapang. Ito ay ilan sa mga salita na makapaglalarawan sa kahayupang inaasal at ipinakikita ng mga coast guard ng China sa sarili nating mga kababayan sa West Philippine Sea. Kamakailan lang ay tinalakay natin ang note verbale ng Filipinas laban sa China na naglalaman ng mga insidenteng naganap sa ating karagatan tulad ng instalasyon ng mga …
Read More »Isapubliko
HINIHIMOK ng ilang eksperto na isapubliko ng Filipinas ang diplomatic protests laban sa mga pinaggagawa ng China sa West Philippine Sea dahil hindi umano sapat ang pag-file ng Maynila ng note verbale laban sa Beijing. Naulat na tinukoy raw ni Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) director Gregory Poling na ang tanging paraan para makumbinsi ang China na ituring ang ating claims …
Read More »Umiiwas sa digmaan
BAGAMAN maliwanag na may katuwiran si President Duterte sa pag-iwas na makagawa ng hakbang na puwedeng ikagalit ng China para makipagdigmaan sa ating bansa, sa pananaw ng marami ay nagpapakita ang Pangulo ng labis na kahinaan sa kanyang ginagawa. Ayon sa Pangulo ay hindi niya kakayaning pumasok sa digmaan kung hindi siya magwawagi at magreresulta sa pagbubuwis ng buhay ng …
Read More »Impeachment, Quo Warranto
HINDI maitatanggi na naging kontrobersiyal ang pagpapatalsik ng Supreme Court kay Chief Justice Lourdes Sereno. Hindi ito naaayon sa Konstitusyon na nagsasaad na ang Pangulo, Bise Presidente, mga mahistrado ng Supreme Court, mga commissioner ng Civil Service Commission, Commission on Elections, Commission on Audit at ang Ombudsman ay maaari lang alisin sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment. Ang impeachment ang …
Read More »Tagumpay
SA wakas ay nagtagumpay ang mga pagsisikap ng mga opisyal ng Filipinas upang maprotektahan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait. Nakahinga nang maluwag ang mga OFW nang lagdaan ng Filipinas at Kuwait ang memorandum of agreement nitong nagdaang Biyernes na nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga OFW. Dapat purihin si President Duterte, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary …
Read More »Nakalilito, nakaliligalig
NAKALILIGALIG na ang ginagawa ng gob-yerno ng Kuwait sa mga Filipino, pati na sa mga opisyal ng embahada na ang tanging hangarin ay matulungan ang mga kababayan natin na inaapi sa naturang lugar. Maituturing na hayagang pambabastos ang pag-isyu ng Kuwait ng arrest warrants sa tatlong diplomat na Filipino habang nakapiit ang apat pang Filipino na naglilingkod sa embahada. Bukod …
Read More »Planong casino mga patakaran sa Boracay
MUKHANG hindi na matutuloy ang planong pagtatayo ng higanteng casino sa Boracay. Tahimik na ipinagbunyi ng marami ang pahayag ng Department of Tourism (DOT) na umatras na ang Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau sa pagtatayo ng casino na nagkakahalaga ng $500 milyon sa 23 ektarya ng lupa sa Boracay. Pero itinanggi ng Leisure and Resorts World Corporation, ang …
Read More »Resort-casino kailangan ba?
MAINIT pa rin ang talakayan hanggang ngayon kung dapat ba talagang magtayo ang China ng isang resort-casino sa Boracay. Maging ang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Roy Cimatu ay umamin na ang pagsisikap upang mapaluwag ang Boracay ay hindi tumutugma sa plano ng Galaxy Entertainment Group na nakabase sa Macau na magtayo ng casino …
Read More »Ibawal ang political dynasty
SA kabila ng katotohanang mandato ng Kongreso batay sa 1987 Constitution na magpasa ng batas sa anti-political dynasty upang mapigilan ang pananatili sa kapangyarihan ng ilang angkang politikal ay patuloy pa rin silang namamayagpag. Ayon sa Article II Section 26 ng ating 1987 Constitution, “The state shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as …
Read More »Ilegal na sugal hindi matuldukan
NAKALULUNGKOT isipin, sa kabila ng masinsinang kampanya ni President Duterte laban sa lumalabag sa batas ay hindi matuldukan ang pamamayagpag ng ilegal na sugal. At lalong nakagugulat na may maliliit na perya na binansagang ‘pergalan’ na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng “color games” at “drop ball” na garapalang tumatakbo kahit malapit sa mga himpilan ng pulisya na …
Read More »Tuloy ang laban
SA tingin ng iba ay nagiging desperado ang ilang mambabatas, lalo nang hilingin ng ilang miyembro ng oposisyon ng Kongreso na makialam si President Duterte sa pagsisikap ng gobyerno na imbestigahan ang pagkasawi ng mga bata na naturukan ng kontrobersiyal na bakuna na Dengvaxia. Sa tingin nila ang Pangulo ang dapat magresolba sa isyu at utusan si Public Attorney’s Office …
Read More »Problemang STL
MASALIMUOT ang sitwasyon na kinalalagyan ngayon ng Happy Cool Gaming Inc., dahil maaari umanong ma-revoke ang lisensiya nito dahil sa hindi pagbabayad nang husto sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang Happy Cool Gaming ang may hawak ng prangkisa ng small town lottery (STL) sa southern Metro Manila kaya natural lang na may obligasyon silang bayaran ang Presumptive Monthly Revenue …
Read More »Pagbabalik ng drug war sa PNP
KUNG may natutuwa man ay marami ang nababahala sa balita na balak ibalik ni President Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa kanyang kampanya laban sa droga. Nangangamba sila dahil mula nang masimulan ang giyera ng Pangulo sa ilegal na droga nitong nakalipas na taon ay naging kontrobersiyal ito sa dami ng mga nasawing suspek. May mga nagsasabi …
Read More »Bayaning pulis
MAY mga pulis man na dapat kainisan dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan at paggawa ng katiwalian ay may mga kabaro rin sila na tunay na maipagmamalaki ng sambayanan. Patunay na rito ang kabayanihan na ipinakita nina PO3 Cyril Gobis ng Sta. Cruz Municipal Police Station ng Laguna Police Provincial Office at PO2 Joselito Lantano ng Police Security and Protection Group …
Read More »Walang puknat ang ilegal na sugal
SA wakas ay umaksiyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at hinuli ang saklaan sa Malibay, Pasay City na pinatatakbo ni Rom Bakla noong nakaraang Miyerkoles. Gayonman, sa Pasay ay patok na patok ang ilegal na sugal sa Pilapil Street, Humildad Street, Maricaban area, Malibay area, Santo Niño area, Pasay Boulevard, Muñoz Street, Estrella Street at Maginhawa Street. Bukod …
Read More »Ilegal na sugal namamayagpag
PATULOY nga ba na kumakalat ang ilegal na sugal nang hindi man lang nalalaman ng matatapang at magigiting nating pulis? Mahirap yata itong paniwalaan dahil batid naman ng lahat na matindi ang pang-amoy ng mga pulis kapag may ilegal na aktibidad na nagaganap sa kanilang nasasakupan. Dito nga lang sa Pasay ay patok na patok ang ilegal na sugal sa …
Read More »Pagbangon
HALOS isang linggo matapos ideklara ni President Duterte na malaya na ang Marawi sa terorismo ay nagpahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagwakas na ang 154 araw ng pananakop ng Maute group na sinuportahan ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Ayon sa militar ay nasawi sa digmaan ang 920 terorista bukod pa sa mga bangkay na hindi …
Read More »Hulidap?
MAY panibagong anggulo sa pamamaslang sa 19-anyos na si Carl Arnaiz na ibinunyag ang Public Attorneys’ Office (PAO) na pinamumunuan ni Persida Acosta. Posible umanong insidente ito ng hulidap na sinusubukang kotongan ng mga tiwaling pulis ang kanilang inaresto upang hindi kasuhan. Umalis si Carl sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal noong 17 Agosto 2017 at nawala nang 10 araw. …
Read More »Panlilinlang sa gobyerno?
NAKALULUNGKOT na makitang ang mga opis-yal ng Gabinete na itinalaga mismo ni President Duterte ang hindi sumusunod sa patakaran na inilatag ng pa-mahalaan. Pumutok kamakai-lan ang isyu na may mga reduction o pagbabago na napuna ang mga taga-media sa deklarasyon ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Gabinete sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) mula Disyembre …
Read More »