BALAK ng ilang kong-resista na mailipat sa House of Representatives ang kapangyarihan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na mag-isyu ng lisensiya sa mga casino. Ito ay ibinunyag ni Majority Leader Rodolfo Fariñas sa isinagawang pagsisiyasat ng House joint committee sa pagwawala na ginawa ni Jessie Javier Carlos sa Resorts World Manila (RWM) noong Hunyo 2. Si Carlos ay …
Read More »Hanggang saan tatagal ang Maute?
GAANO katatag ang Maute group sa paki-kipaglaban sa gobyerno? Ipinakikita nila ang kanilang tapang na lalong pinalakas ng suporta na nakukuha mula sa mga dayuhang teroristang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Ang kanilang samahan ay pinamumunuan ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute, dating tapat na tagasunod ng yumaong Hashim Salamat, na pinuno noon ng Moro …
Read More »Pinoys maging mabuting mamamayan (Panawagan ni Digong sa ika-119 Araw ng Kalayaan)
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na suklian ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan. Sa kanyang mensahe para sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, inihayag ng Pa-ngulo ang kanyang paki-kiisa sa sambayanang Fi-lipino sa paggunita sa mga sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para palayain ang …
Read More »Sindak sa martial law
HANGGANG ngayon ay marami ang nagkikimkim ng sindak sa puso kaugnay ng martial law na idineklara ni President Duterte sa buong Mindanao. Bagaman ilang dekada na ang nakalilipas ay hindi pa rin nila nalilimot ang kalupitan at pang-aabuso na nalasap sa kamay ng mga sundalo habang umiiral ang batas militar na idineklara noon ng yumaong dating President Ferdinand Marcos. Sa …
Read More »Martial law dapat ba?
HANGGANG ngayon ay may agam-agam ang marami kung nararapat magdeklara ng martial law si President Duterte sa buong Mindanao. Ang ugat nito ay kapalpakan ng puwersa ng gobyerno na mahuli si Isnilon Hapilon, isang pinuno ng Abu Sayyaf at lider umano ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Southeast Asia, na wanted hanggang sa Amerika dahil sa pagi-ging …
Read More »Protektahan ang Philippine Rise
MISMONG si President Duterte na ang nag-utos na protektahan ang Benham Rise laban sa poachers at illegal fishers dahil sa atin ang naturang lugar na matatagpuan sa malawak na continental shelf ng Luzon. Sa katunayan ay inutos ng Pangulo na palitan ang pangalan nito sa Philippine Rise dahil matagal na itong pinangingisdaan ng mga Filipino bago pa ipangalan sa US …
Read More »Simpatiya kay Gina
ANG pagkabigo ni Gina Lopez na masungkit ang napakahalaga at inaasam niyang kompirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA) na maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay pagkabigo rin ng taong-bayan. Umani siya ng paghanga nang sa unang pagkakataon ay nakita ng mga mamamayan sa katauhan ni Lopez ang isang opisyal ng DENR na hindi kayang …
Read More »Pergalan hindi mapigilan
ANG mga perya ay maliliit na karnabal na madalas makitang nagsusulputan kapag may piyesta o kaya ay malapit na ang Pasko, upang pasyalan ng mga tao na ibig magsaya sa kanilang handog na rides na tulad ng Horror Train, Ferris Wheel at Merry-Go-Round. Ang mga ‘pergalan’ naman ay maliit na perya sa paningin ng tao na naghahandog ng bawal na …
Read More »Economic sabotage
ITO ang ikakaso ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa matutuklasang nagtatago ng bigas sa kanilang mga warehouse. Una rito ay binalaan na ng kalihim ang mga negosyante ng bigas na huwag palalabasin na may kakulangan sa bigas kahit wala naman. Kapag hindi sila sumunod ay hindi mag-aalinlangan si Piñol na hilingin kay President Duterte na bumuo ng task force na …
Read More »Matuto sa mga nagma-marijuana
HABANG nagtatagal ay lalo tayong nabibigla sa mga natutuklasan kaugnay ng marijuana, na noon ay mahigpit na ipinagbabawal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil maraming pag-aaral at modernong teknolohiya ay nadiskubre sa kasalukuyan na ang marijuana ay gamot, na batid na ng mga sinaunang tao sa loob ng libo-libong taon. Ngayon ay puwedeng hanguin sa cannabis ang bahagi nito …
Read More »‘Ginatasan’
SA kabila ng daan-daang milyong piso na ibinubuhos ng gobyerno sa Philippine Dairy Program, bukod pa sa tulong na natatanggap mula sa pamahalaan ng Amerika at New Zealand, ay hindi umano ito umaasenso. Nang umupo si Manny Piñol bilang kalihim ng Department of Agriculture and Fisheries matapos magwagi si President Duterte ay noon niya natuklasan ang umiiral na katiwalian sa …
Read More »Mga kompanyang lumuray sa kalikasan
KINONDENA ni President Duterte ang mga kompanya ng minahan dahil sa pagluray na ginawa nila sa kalikasan sa ilang bahagi ng bansa. Sa isang pulong balitaan ay inilabas ni Duterte ang kanyang galit, kasabay ng paggamit ng makukulay na salita na kanyang nakagawian, habang ipinakikita ang mga larawan ng nakawiwindang na epekto ng minahan sa lugar. Daig pa ang dinaanan …
Read More »Pagsasalegal sa Marijuana umarangkada
UMARANGKADA na sa House Committee on Health ang talakayan para gawing legal ang paggamit ng Marijuana bilang gamot, upang makatulong sa mara-ming pinahihirapan ng iba’t ibang malalang sakit. Sa panukalang batas na inihain ni Isabela congressman Rodolfo Albano III kaugnay ng wastong paggamit ng medical marijuana ay magtatalaga ng manggagamot at caregiver na may sapat na kaalaman ukol dito, bukod …
Read More »Kapit sa patalim
MARAMING nakikitang problema na idinudulot ang patuloy na pamamasada ng mga lumang jeep sa lansangan, kaya nais itong tanggalin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang mga lumang jeep umano ang lumalason sa hangin at nagiging sanhi ng air pollution kaya nagkakasakit ang mga mamamayan. Dahil sa kalumaan ay nagiging dahilan din ito ng malalagim na aksidente kapag …
Read More »Mahalaga ang respeto
SA lahat ng pagkaka-taon ay huwag sana natin kalilimutan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa ating kapwa tao. Noong isang linggo lamang ay lumutang ang retiradong pulis ng Davao City na si SPO3 Arthur Lascañas sa Senado para magbitiw ng mga hindi kanais-nais na pahayag laban sa Pangulo. Kung noong Oktubre ay nagpahayag siya sa Senado na hindi totoo …
Read More »‘Father’ Bato
Nagmistulang pari si Director-General Ronald “Bato” dela Rosa, Philippine National Police (PNP) Chief, nang payuhan (o sermunan?) ang mga bagong kasal na pulis, matapos niyang pa-ngunahan ang “Kasalang Bayan” na isinagawa sa Camp Crame noong isang linggo. At ang napagbalingan ni “Father” Bato ay ang mga asawa ng naturang mga bagong pulis, na sinabihan niya na huwag mag-isip ng mga …
Read More »May lusot ba si Dumlao?
NADIDIIN si Superintendent Rafael Dumlao III bilang mastermind sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo. Sa katunayan ay hinamon siya ni Jerry Omlang, ang striker o utusan ng National Bureau of Investigation (NBI), na pareho silang magpa-lie detector test upang malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi nang totoo. Si Omlang ay kaibigan ng suspek …
Read More »Parusahan at ikulong
WALANG alinlangan na mabuti ang hangarin ni President Duterte sa kanyang isinasagawang digmaan laban sa ilegal na droga, kaya suportado ito ng karamihan ng Filipino. Sa sobrang galit ni Duterte sa droga ay inatasan niya ang mga pulis na paslangin ang mga suspek na lalaban kapag inaaresto. Wala raw dapat alalahanin ang pulisya dahil sagot niya. Ang pahayag ng suportang …
Read More »Galit ni Duterte sa droga sinasamantala
BATID ng sambayanan na matindi ang galit ni President Duterte sa ilegal na droga at ito ang nagbunsod ng kautusan niya sa mga awtoridad na hulihin ang mga adik at pusher sa bansa. Nakalulungkot nga lamang na ang pangakong suporta ni Duterte sa mga opisyal sa kanyang digmaan sa droga rin ang dahilan kaya lumakas ang loob ng ibang pulis …
Read More »Pamamaslang sa Korean pampagising
ANG brutal na pagkakapaslang sa isang ne-gosyanteng Korean sa loob ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame ay magsilbi sa-nang pampagising sa hepe ng pulisya na si Director-General Ronald “Bato” dela Rosa. Dinukot ng mga pulis si Jee Ick Joo mula sa kanyang tahanan sa Angeles City noong Oktubre sa pagkukunwaring iniimbestigahan siya sa droga at pinaslang sa …
Read More »Laban ni Cardinal Tagle sa droga
HINDI maitatanggi na umaatikabo pa rin ang digmaan sa ilegal na droga na ipinag-utos ni President Duterte na ipatupad ng mga awtoridad. Pero sa kasagsagan ng naturang gi-yera ni Duterte ay may sarili palang laban sa droga si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Upang mapalakas ang drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila, nilagdaan kamakailan ang isang memorandum of …
Read More »Pagkatay ng aso sa pelikula
MAINIT pa ring paksa ang brutal na eksena ng pagkatay sa isang aso na ipinakita sa isa sa mga pelikulang kalahok sa nagdaang ika-42 Metro Manila Film Festival (MMFF). Nakapanghihinayang dahil mahusay ang pagkakagawa sa pelikulang “Oro” kaya nagwagi bilang “Best Actress” ang bida na si Irma Adlawan. Nakatanggap din ito ng “Best Ensemble Cast” at “Fernando Poe Jr. Memorial …
Read More »Total ban sa paputok kailangan
KUNG hindi magpapatupad ang pamahalaan ng “total ban” sa paggamit ng paputok sa bansa, patuloy na mauulit ang mga kalunos-lunos na eksena ng mga duguang pasyente na humihiyaw habang ginagamot sa mga ospital sa tuwing sasalubu-ngin natin ang pagpasok ng Bagong Taon. Dose-dosenang biktima ng paputok ang isinugod muli sa mga pagamutan sa buong bansa. Karamihan sa kanila ay mga …
Read More »Pondo ng regalong pera kinuwestiyon
SAAN kaya nagmula ang pondo sa pera na iniregalo umano sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na inianunsiyo kamakailan ni police Director-General Ronald dela Rosa? Sa Christmas party ng pulisya ay binanggit ni Dela Rosa na ang matataas na opisyal ay makatatanggap daw ng cash gifts mula P50,000 hanggang P400,000 ang halaga mula kay President Duterte. Masayang …
Read More »Mga pergalan sakla namamayagpag
TRADISYON na para sa mga Filipino ang pumasyal sa maliliit na karnabal na kung tawagin ay perya kapag may piyesta o malapit na ang Pasko, at magpakasaya sa pagsakay sa Ferris Wheel o kaya ay Horror Train. Legal ang operasyon ng perya kapag nakakukuha ng permit para mag-operate at makapagbayad ng kaukulang amusement tax sa gobyerno. Nagiging ilegal ang takbo …
Read More »