Monday , March 27 2023
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Problemang STL

MASALIMUOT ang sitwasyon na kinalalagyan ngayon ng Happy Cool Gaming Inc., dahil maaari umanong ma-revoke ang lisensiya nito dahil sa hindi pagbabayad nang husto sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). 

Ang Happy Cool Gaming ang may hawak ng prangkisa ng small town lottery (STL) sa southern Metro Manila kaya natural lang na may obligasyon silang bayaran ang Presumptive Monthly Revenue Receipt (PMRR) sa PCSO, na hindi nila nagagampanan. 

Habang patuloy na lumolobo ang kanilang pagkakautang sa PCSO ay apektado rin ang kapasidad ng pamahalaan na suportahan ang kanilang mga programa na magbibigay ng tulong sa mga maralita nating kababayan na may problema sa kalusugan. 

Hindi ba nakokonsensiya man lang ni katiting ang mga kinauukulan sa problema na kanilang nililikha at sa mga tao na posibleng lumala ang sakit at masawi dahil dito? 

Napag-alaman na kung patuloy pa rin na babalewalain ng Happy Cool ang obligasyon nito sa PCSO ay wala nang magagawa ang ahensiya kung hindi i-revoke ang lisensya nito para makapag-operate. 

Kakarampot lang daw ang inire-remit ng Happy Cool sa gobyerno na wala pang 10 porsiyento sa milyones nilang obligasyon. Hindi ito puwedeng balewalain o palusutin ng pamahalaan. 

Nagawa pang mangatuwiran ng Happy Cool at ibinunton ang sisi sa mahinang pagtaya at pagtangkilik sa STL ng mga mananaya bunga raw ng mga nagkalat na sugal na tulad ng jueteng, ending, lotteng, bukis ng karera at iba pa. 

Si Toto Albano ang financier ng Happy Cool na nanalo sa bidding ng STL sa southern Metro Manila noong Enero. Pero ipina-sub-contract pa ng Happy Cool ang lisensiya nila sa STL sa isang Prosy Terrei. 

Ang management na nagbubukis sa ilalim ng STL ni Prosy ay sina Joy, Edgar at Deck-deck sa Parañaque; Boy Arojado, Richard, Gie, Emy, at Tisay sa Muntinlupa; Leo at Alan sa Las Piñas; Olan, Daguis at Jovit sa Pateros; at Ayungen sa Taguig. 

Sino kaya kina Albano at Terrei ang sisingilin ngayon ng gobyerno rito? 

Ang problema ay binubukis sila nina Totoy Haruta na dating jueteng operator ng Laguna at ABC president Walter ng Muntinlupa. Ang financier ng bukis ay si Edwin Tose. 

Usap-usapan na niraraket umano ni Haruta ang kanilang STL dahil ang kombinasyon ng mga numerong nanalo ay nagmumula raw sa bolahan na ginawa sa northern Metro Manila. 

Hindi ba sumasagi man lang sa isipan ni Prosy ang anggulong ito at kontento na siya na laging abonado sa araw-araw nilang operasyon? Paano nga sila makababawi kung may gagohan na nangyayari? 

*** 

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. 

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Target: Mga lokal na opisyal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG mga langaw na isa-isang bumabagsak ang mga lokal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga kriminal sa QC, hindi umubra sa QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan KUNG inaakala ng mga kriminal tulad ng mga holdaper, gunrunner, drug …

Leave a Reply